➵ Chapter 22: Saturday

527 8 0
                                    

LANCE’S P.O.V.

Narinig ko na ang pag busina ng sasakyan. Alam ko na kung sino to. Hindi ako lumabas or gumawa ng kahit ano, para bang nakadikit yung sarili ko sa sofa. Hinahanda ko ang sarili ko sa lahat ng mangyayari. In the first place, kasalanan to ni Darren kung bakit ko to ginawa.

Then the door clicks.

Tumayo ako sakto lang sa pag bungad ni mama, “Hi ma.”

“Lance.” Banggit ni mama. That “Lance” thing, always signifies that I made a mistake. Kaya nga lagi niyang binabanggit yan, kasi I ALWAYS made a mistake. “Sit down.” Tuloy niya. Hindi nagsalita si mama, habang wala pa si papa at of course, dala-dala niya si Savannah. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na ang mga expected guests. Guests.

Lahat sila umupo sa opposite sofa kung saan ako nakaupo. Mama, on the left; Savannah  sa gitna; Papa, on the right. Perfect angle kung nasaan ako ngayon para kuhanan sila ng isang family picture. Magandang family picture sana kung nakangiti lahat sila. But no.

“Explain.” Mom said.

Wala na rin akong ibang pambungad sa kanila, kaya nagsimula na ako. “Dahil to kay Darren. Kung hindi niya niloko si Leigh, hindi siya magus-suicide. Hindi to mang—“

“LEIGH. ALWAYS. YES, OF COURSE, LEIGH.” Tumayo si mama at galit na galit na pumutol sa sinasabi ko.

“You want me to explain then you’ll shut me up, ma?” sagot ko, in a sarcastic voice.

“Lance!” galit din na pag sita sa akin ni papa. Of course, she wants dad to be here para may wiwitness sa magandang moment na to at wala akong makakampihan. That’s always the scene. 100 against me.

“Puro kay Leigh! You’re so immature!”

“If you’ll just listen to me, ma. JUST. FOR. ONCE. Then you’ll understand why I am doing this!”

“Mali yang ginagawa mo! Patay na si Le—“

“I need justice for her!”

“Justice? What the hell is your justice?! Mangkikidnap ka just to get that stupid justice of yours?!”

Biglang pinalo ng malakas ni papa ang table para makuha ang atensyon namin. And he did it. Tumingin kaming lahat kay papa. “Amanda, you told me na pumunta dito sa Pilipinas para ayusin tong problema tapos magf-freak out ka? And you, Lance, paano mo nakakaya na sagutin at taasan ng boses ang mama mo?”

“I get your point pa.” Tinaas ko ang mga kamay ko na parang nagpapatalo na ako at humakbang paatras, “Na non-sense tong pagpunta mo dito. Sorry to interrupt your business just because of me.” At umalis na ako sa harap nila.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon