LANCE’S P.O.V.
Pumunta ako ngayon sa kwarto ni Star, hindi ko na to tinatawag na “guest room” kasi eto na yung kwarto niya. Para sa kanya na to. Yung binigay niyang sketch sa akin kahapon, nilagay ko sa kwarto ko, buti nalang may extrang frame pa ako sa art room at doon ko nilagay yung sketch niya.
*ring! ring!*
May tumatawag. Lumabas ako sa kwarto ni Star at pumunta sa sala para sagutin yung tawag.
“Hello.”
“Lance? Is this you?” Na recognize ko kaagad yung boses… si mama.
“Yes ma.”
Huminga siya ng malalim, enough reason na yung tahimik na background sa telepono para marinig yun. “Lance, what the hell are you doing?!” sigaw ni mama. Ano na namang ginawa ko? Galit siya for no reason, hanggang ngayon ba naman? “Uuwi na kami jan sa Saturday, we’re going to clean the mess you’ve made Lance. Pauwiin mo na si Star for God’s sake!”
“Paano ninyo nalaman?” nagulat ako nung marinig ko yung pangalan ni Star kay mama.
“It doesn’t matter. Just… Lance please, take that stupidity out of your head!” at inend call na.
STAR’S P.O.V.
Nung magising na ako, hinanap ko kaagad si Lance, pumunta ako sa garden kaso wala siya, pumunta din ako sa art room kaso wala din siya doon, siguro umalis siya.
Teka, yung kwarto niya.
Ayoko nga, baka wala din siya doon. Hindi pa ako nakakapunta sa kwarto niya pero basta ayoko, nahihiya ako na ewan o baka busy din siya.
Try mo.
Ayoko please wag mo akong kulitiiiin.
Malay mo lang naman.
Eh, ayoko.
Walang mawawala kung it-try mo naman diba?
Bago pa ako mabaliw pumunta na ako sa kwarto ni Lance, kumatok ako at parang ang bilis, millisecond lang ata ang nakalipas at binuksan na kagad niya ang pintuan. Hindi siya galit, o gulat, pero malungkot. “Hi.” Bati ko sa kanya. Naalala ko tuloy yung hi niya pag pumupunta sa kwarto ko, sa guest room pala.
“Hi” Bati din niya.
“Uhm…”
“Pasok ka.” Hinawakan niya yung kamay ko at dahan-dahan pinapasok sa loob ng kwarto niya, sinara niya yung pintuan pero nakahawak pa din yung kamay niya sa akin. Umikot yung paningin ko sa buong paligid, eto pala yun, ang ganda. Parang art room din niya parang nilagyan lang ng kama tapos mga furnitures. Pero hindi siya plain, dirty white yung kulay ng kwarto niya tapos wooden yung sahig, kagaya sa mga boutiques sa mall. Tapos isa lang yung picture doon, yung family picture katulad din ng nakita ko sa art room niya dati. Isa sa mga abstract paintings na nakita ko doon sa may pader, sa tabi nun may nakalagay na square na nakasabit din si pader, gawa siya sa wood, kulay brown na wood? Tapos may saying na nakalagay, Sadness before happiness.
Pinaupo ako ni Lance sa kulay light blue na bean bag sa harap ng kama niya at siya naman sa harap ko, nakaupo siya sa red na bean bag.
“Pwede mo akong sabihan ng problema.”
Ngumiti siya, pero yung hindi as in ngiti, yung pilit, “May sasabihin ako sayo Star.” Tumango ako at handa ng makinig sa kanya. “Sa Friday, kailangan mo ng umuwi.”
“Umuwi? Ha? Bakit?” tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ulit yung kamay ko at tumingin lang doon, “Look, Star, wala na din namang rason para mag stay ka dito. Nasabi ko na din naman sayo yung dahilan kung bakit ka nandito.”
“Lance, yun lang ba yung dahilan kung bakit mo ako kinidnap? Para kausapin?”
“Star, hindi.” Pumikit siya at minulat ulit pero doon pa din siya sa kamay ko nakatingin. “Wala din namang ibang rason para mag stay ka dito.”
“Ngayon nalang ako aalis.”
“Please Star, Friday. Please?”
Bakit ba ako naiinis? Eh dapat nga matuwa ako kasi makakaalis na ako, kung tutuusin dapat dati pa ako naka alis, ano pa bang rason para mag stay dito? Wala naman diba, Star? Nawala na din kasi sa isip ko yung pag-alis, akala ko dito ako nakatira, akala ko wala akong problema. Hindi ko rin naman bahay to, at isa pa, ang daming iintindihin, sina mama at papa, yung school ko pa, yung papasukan ko pang university kung saan ako magco-college, at si Paris. Tama, hindi mo dapat iniintindi yung isa. “Gusto ko sana dalhin mo lahat ng gamit na binigay ko sayo.”
Tinanggal ko yung kamay niya sa akin at napatingin siya sa akin, “Hindi na kailangan Lance.”
“Please Star, dalhin mo na.”
“Wag na nga Lance, hindi na kailangan.” Tumayo ako at paalis na ng kwarto niya pero nahawakan niya yung kamay ko.
“Star. Wag naman sana tayo mag-away bago ka umalis. Alam mong mahal kita.”
Sana alam mo ding mahal kita, kaso, paano na? Eh aalis din naman ako.
Ilang minuto na ba? Parang ilang minuto na atang ganito na nakahawak siya sa kamay ko, humarap ako sa kanya at tumingin, nakatingin din siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at inakap siya, naramdaman ko na nagulat siya pero ilang segundo din, inakap na rin niya ako, ng mahigpit.
“Please Star dalhin mo, and please Friday.” Bulong niya sa akin.
“Sige Lance.”
“I love you Star.”
I love you too Lance.
![](https://img.wattpad.com/cover/14608704-288-k316072.jpg)
BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
RomanceStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.