“Hi, good morning. Kain na.” bati sa akin ni Lance, wow, in fairness nag improve na yung linya niya. Hindi ko na siyang hinintay ilapag yung tray, kinuha ko na kaagad sa kamay niya at nilagay ko na sa side table. Out of the blue, bigla akong na curious.
“Lance.” Ayan nasabi ko na yung pangalan niya sa wakas.
“O?” sagot niya, tumingin siya sa akin habang nagsisimula na akong kumain.
“Ang galing ng nagluluto ng pagkain dito, ang sarap.” Baka naman isiipin niyang sina-psycho ko na naman siya. Seryoso ako, tska nacu-curious lang din ako, pwede namang iba nalang mag hatid ng pagkain dito.
“Thank you.”
“Tsaka, pwede namang iba nalang yung maghatid ng pagkain dito.” Teka, anong sabi niya. “Teka, thank you? Bakit? Ikaw ba—“
“Gusto mong multo maghatid sayo ng pagkain dito?”
“Yung. Naglu. Luto.” Tuloy ko. Siya yung nag—
“Oo, ako yung nagluluto. Bakit porket mayaman kailangan ng katulong?”
“Hindi. Hindi dahil dun.” Sagot ko at napag-alaman kong tumigil pala ako sa pag kain nung nalaman kong siya yung nagluluto.
“Ah, dahil ba lalaki ako?” tanong niya at yung mukha niya proud na proud. Okay, okay. Nakakagulat lang talaga.
“Oo.” At hindi pa din nagbabago yung expression ko, gulat.
“Marunong ako sa gawaing bahay.” W-O-W. Nakakaimpress. Sige magyabang ka na, kasi nakakaimpress talaga, pero ngayon lang.
“Ang dami mo namang alam na lutong bahay.” Mahina kong sabi sa kanya, at tinuloy ko na yung pagkain ko.
“Internet. Diba?” oo nga naman. Natapos na akong kumain at humarap ako sa kanya, “Obivous na ngayon ka lang nakakita ng lalaking katulad ko. Bakit si Darren hindi ba marunong?” Si Darren. Nagulat ako nung binaggit yung pangalan niya. Kahit hindi siya ganung klase ng lalaki, mahal ko pa din siya. Kahit galit ako sa kanya, mahal ko pa din siya. Alam kong may rason kung bakit siya nakipag break, para yun sa akin. Sa ikabubuti ko. “Sorry.” Bulong ni Lance.
“Ay hindi, okay lang yun. Diba nga si Darren naman talaga yung may kasalanan? Kaya dapat, siya yung mag sorry.” Tahimik lang, wala siyang sinabi. Sa loob ng ilang segundo, nagbago na yung aura ng paligid. Nako. Hindi pwede to. “A-Alam mo, marunong din ako magluto, tsaka mga gawaing bahay. Sa amin kasi, wala kaming katulong, kaya tinutulungan ko yung mama at papa ko.”
“Anong favorite mong ulam?” tanong ni Lance. Buti nakisabay siya sa pagbago ko ng mood ng paligid.
“Hm… May favorite ba akong ulam? Kahit ano naman…”
“BASTA MASARAP!” sabay naming sabi ni Lance, nagkatinginan kami pagkatapos natawa. Akalain mo yun, parehas kami.
“Tsaka walang lason.” Dagdag ko, binigyan naman ako ng tingin ni Lance na “walang-lason-yan” look. Tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa nahawa ko din siya ng tawa ko.
Nung nawala na yung tawa ko, naisip ko bigla yung parents niya, na-curious na naman ako, “Uhm, Lance.” Tinaas niya yung mga kilay niya at tinanong ko siya, “Yung parents mo ba nagluluto din para sayo? Or yung mama mo...?” hindi ko talaga alam, pero parang lahat ng tatanungin at sasabihin ko sa kanya parang may malaking epekto, parang may meaning na malalim yung mga sinasabi ko para sa kanya.
“Syempre, may parents ako, pero yung… paglutuan? May katulong kami.” Seryoso niyang sabi. Kung may katulong sila, eh bakit siya lang yung nandito? Nasaan yung parents niya? May kapatid ba siya? At kung tatanungin ko ba to hindi siya magagalit? Wag nalang, baka sabihin niya personal na masyado. “Yung mama at papa ko, nasa ibang bansa kasama nila yung katulong. Sinabi nila bago sila umalis na kukunan din nila ako, pero umayaw na ako kasi kaya ko namang mag-isa. Tsaka isa pa…” huminto siya, at tumingin siya sa paintings na nandun sa dingding, siguro merong something doon sa mga paintings kaya lagi niyang tinitignan. “Isa pa?” tanong ko. “Wala. Never mind.” Sabi niya sabay napayuko. Hindi ko na siya kinulit, at wala din naman akong balak, nasagot din naman niya yung mga tanong na nasa isip ko. Kung nandito kaya yung parents niya, maiintindihan kaya nila si Lance sa problema niya? Siguro kung nandito sila may dadamay sa kanya, hindi niya akong kailangan kidnapin.
“Matagal ka na ba ditong mag-isa?”
Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Oo.” Kaya naman pala parang sanay na sanay siya sa lahat ng gawaing bahay, ang galing din magluto. “Yung mama ko, madaming alam na lutong bahay yun, masarap daw siyang magluto.”
“Teka, ‘daw’? Bakit naman ‘daw’? Wag mong sabihin na hindi mo pa nakakain yung luto ng mama mo?” pangiti kong sabi sa kanya.
“Paano kung hindi nga?” seryoso ba to? Gusto kong tumawa pero mas gusto kong malaman kung hindi ba talaga, “Hindi ko pa natitikman yung luto ng mama ko. Ng katulong, oo.” Napatakip ako sa bibig at hindi ko na alam kung ano na yung irereact ko.
“Eh sino yung nakatikim ng luto ng mama mo?” tanong ko sa kanya habang dahan-dahan kong binaba yung kamay ko.
“Ang dami mong tanong, pero sige, si Savannah.” Okay?
“Sino naman si Savannah?” Madami masyadong information na binibigay sa akin si Lance, pero masyadong madami rin akong gustong itanong sa kanya. Grabe, tungkol palang sa pagkain to pero parang halos buong araw niya pa kailangan ikwento yung history.
Inangat ni Lance yung ulo niya at mahinang tumawa, “Mahabang storya tong pinapasok mo Star.” Sabi niya at binalik niya yung tingin niya sa akin, bingyan ko rin naman siya ng friendly smile at sumagot, “Makikinig ako. Friends tayo diba?”
BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
DragosteStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.