A/N: Hello po! Thankyou po sayo sa pagbasa neto :--) plug ko din po yung One-Shot story ko, title niya, " #Torpe Problems " erm. Mga torpe jan o. Haha jk peace po. thankyou po sa pag hintay. GOD BLESS!
-HugsandKisses xx
**
You know I'd fall apart without you
I don't know how you do what you do
'Cause everything that don't make sense about me
Makes sense when I'm with you
Tumutugtog ulit yung kanta, ang bilis ng pangyayari, kanina sinabi niyang pinaglalaban niya yung pagmamahal niya sa akin. Ang bilis talaga, parang may magic remote tapos pinindot yung ultra mega fast forward nung nangyari yun, pero nung mga panahon na una palang ako dito tapos hindi ko pa siya gaano kilala parang na-stuck doon sa may slow motion. Nagkatitigan lang kami pagkatapos niyang sabihin yun, yung mahiwagang sentence na nagpatunaw sa akin. Hindi ako nakasagot. Ang bilis kasi talaga, slow pa naman utak ko sa ganyan, trigonometry nga hindi ko magets eto pa kaya. Bumukas yung pintuan at ewan ko pero bigla nalang ako tumayo galing sa pagkakaupo doon sa kama. Pagbukas, si Lance, may dala na naman siyang paper bag. Ano na naman yan? Libro? Sketch pad? Pintura? Gamit? Lumapit siya sa akin at nilagay niya yung paper bag sa kama pagkatapos umalis na siya. Iniwan niya akong nakatayo at nagtataka. Siguro bomba to. Grabe, kahit kailan napaka brutal ko mag-isip. Erase! Erase! Dahan-dahan kong binuksan yung paperbag at nung nabuksan ko na, damit siya. Kinuha ko yun sa may paperbag at ang ganda ng damit, simple lang siya tapos may design na floral, ang feminine tignan. Sinilip ko ulit yung paper bag at akala ko wala ng nakalagay doon, sa ilalim pala ng dami may nakalagay pang shoe box. Wow. Ang taas ng sapatos, wala naman kasi akong alam sa mga klase ng sapatos kaya tinignan ko sa gilid ng shoe box yung type ng sapatos… pumps. Kulay baby pink na pumps. Ini-scan ko pa yung lagyanan ng box kasi mukhang mamahalin eh, at nanlaki yung mata ko bigla nung nakita ko yung: Php 3,450.00 GU-LAY. Grabeng sapatos to. Pambili na to ng sandamukal na sketch pad ah, samahan mo pa ng drawing pencil. Wala lang ba sa kanya yung pera? Habang inaayos ko yung mga gamit na binili o binigay o pinahiram o pinatago niya sa akin napansin ko yung paper bag sa gilid ko, may note palang nakalagay doon, naka sulat lang siya na pentel pen.
Suotin mo lahat ng nakalagay dito, tapos pumunta ka sa sala. 7:30 dapat nandun ka na.
Okay? Paano ko susuotin tong mga to eh ang mamahalin, hindi ako sanay. Hindi ako mayaman, please lang. Sa bagay, wala din naman akong choice kundi ang sundin siya, nandito pa din ako sa bahay niya, tsaka baka mamaya diyan binibiro lang niya ako kanina. Pero yung halik sa pisngi… HINDI. JOKE LANG YUN STAR. WALA YUN. Sus! Inamin mo na din naman sa sarili mo na mahal mo siya eh. ANO BA STAR. NABABALIW KA NA. Seryoso.
Teka. Bago ako matuluyang mabaliw, anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan at nakita ko na 7:30 na.
7:30
7:30
7:30
Ano?! 7:30 na?! Hala, lagot talaga ako neto. Dali-dali akong nagpalit ng damit at sinuot yung sapatos pagkatapos humarap ako sa salamin para tignan yung sarili ko. Magtali ka kaya Star para magmukha ka namang tao.Oo nga, makapag tali nga. Binraid ko yung buhok ko at bumaba na papuntang sala, at doon nakita ko si Lance, ang pogi ayos ng itsura niya, naka long sleeve siya na kulay navy blue, jeans, tapos sneakers. Nahihiya ako sa mukha ko.
“Late ba yung orasan sa taas? Ten minutes ka kasing late.” Sabi niya sa akin. Alam ko, ten minutes akong late paano ba naman kasi parang nababaliw na ako. Pinarang mo pa Star.
“Sorry.” Bulong ko. Narinig naman na niya yun, hindi ko na kailangan ulitin. Nilapitan ako ni Lance at inabot niya yung kamay niya sa akin, kinuha ko naman yun at napatingin ulit ako sa kanya, “Saan tayo pupunta?”
“Sa garden.” Sagot niya.
Sa garden pala pupunta edi sana sinabi niyang dumeretso na ako sa garden. Edi pag ganun yung nangyari edi sisilip ka kaagad sa garden, edi walang thrill. Nako Star. Untin-unti na atang nauubos ng mga nematodes yung common sense ko.
Parang malalaglag yung panga ko at parang matatampilok ako sa nakita ko nung buksan ni Lance yung pintuan papuntang garden. Ang ganda. May mga ilaw sa paligid, tapos yung daanan namin may rose petals sa gilid tapos doon sa gitna may blanket at may mga pagkain. Ang romantic. Umupo kami doon sa may blanket nung makarating na kami.
“Para saan to?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti si Lance at inabutan ako ng pinggan na may slice ng cake, gusto ko ng kainin yun pero mas gusto ko margining yung sagot niya, “Diba mahal kita? Edi liligawan kita.” Sagot niya. grabe naman to manligaw sobrang sweet. “Isa pa.” susubo na sana ako pagakin kaso bigla siyang nagsalita kaya binaba ko muna yung tinidor. “Mas magandang ngayon palang masabi ko na sayo. Ayoko dumating ulit yung araw na hindi ko masabi na mahal ko yung isang tao.” Ngayon. Wala na akong gana kumain. Pakiramdam ko katabi ko yung mga nematodes at unti-unti nila akong inuubos. “Mahal kita. Mahal na mahal.” Dagdag niya.
“Lance—“
“Kayo pa ba ni Darren?” tanong niya sa akin. Hindi na ako apektado ngayon pag nababanggit yung Darren. Kasi wala na, tama ako, tama yung sinabi ng sarili ko, inamin ko na mismo sa sarili ko na mahal ko din si Lance. Umiling ako sa tanong niya at binaba ko na yung plato, hindi ko man lang binawasan yung pagkain. Nawala na kasi talaga yung gana ko kumain parang mamamatay nalang muna ako sa kilig. Ngumiti si Lance sa akin, at may kinuha siya sa likod niya, tatlong roses.
“I.” Pagkatapos binigay niya yung unang rose sa akin.
“Love.” Tapos yung pangalawang rose naman.
“You.” At yung huling rose.
As good as you make me feel
I wanna make you feel better
Hindi ako papahuli no. Kinuha ko yung pinggan ko at sinubo ko sa kanya yung maliit na slice ng cake, “Too.” At sabay ngiti.
Better than your best dreams
“Hindi nga?”
“Okay lang kung ayaw mo.”
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hahalikan na sana pero bigla siyang tumigil nung malapit na niyang mahalikan, “Gusto syempre.” Huminto siya at hinalikan yung kamay ko.
You're more than everything I need
You're all I ever wanted
Konting katahimikan sa amin, tapos napansin ko yung tugtog parang background song sa mga movies.
“Bagay nga pala sayo yung mga binili ko. ”
“Ang mahal.” Bulong ko.
“Masanay ka na, lalo na pag akin ka na.” buti talaga hindi ako kumakain ngayon kasi sigurado talaga mapapalunok talaga ako ng wala sa oras eh.
“Sigurado ka bang liligawan mo ako?”
“Oo, mahal kita eh.”
Ilang oras din ata yung nakalipas at natapos na din kami magkwentuhan, at kumain naman ako ng konting cake, inatake din kasi ako ng gutom. Pagkatapos hinatid ako ni Lance sa kwarto, akala mo kalayuan yung kwarto ko sa kanya eh konting lakad lang nandun na din ako sa kwarto niya.
Ngayon, naisip ko lang, isa to sa mga magagandang halimbawa nung “After the rain, there will be a rainbow.” Tulad nito, nasaktan ako pero wala naman kasing bagay na nangyayari na walang dahilan, umuulan dahil may dahilan, nasasaktan dahil may dahilan. Kaya may rainbow pagkatapos ng ulan para mapakita naman yung up ng buhay. Ups and downs lang kasi yan. Kung wala tayong ups and downs, hindi tayo buhay.
BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
RomanceStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.