➵ Chapter 23: Broken

567 9 0
                                    

12 hours. Kalahating araw. Kalahating araw, at parang naninibago ako, hindi dahil sa interior design o ano, pero yung pakiramdam, yung pakiramdam na pagkagising ko bukas walang Lance. Pumunta kaagad ako sa may kama at inakap ko yung unan ko. Gabi na ako umuwi kahapon, masyado ata naming sinulit ni Lance yung oras namin sa art room niya at sa garden. Pagkauwi ko, nandun sina mama, papa at si Paris. Pero ni isa sa kanila, walang nagsalita. Yung mukha ko na halos nakasayad na sa sahig ay senyales na kay mama at papa na may problema. Marami silang tanong, alam ko. Pero babawi nalang sila kinabukasan. At bumawi nga sila kanina, tinanong nila ako kung anong nagyari doon. Expected ko nga na may mga pulis na iinterview sa akin pero wala. Ang sabi nila mama, kay Darren nila nalaman na kinuha ako ni Lance, tapos nung nalaman nila yun, tinanong nila si Paris kung saan ba yung bahay ni Lance. Hindi ko naman alam na marami palang bahay yung lalaking yun, kaya hindi rin alam ni Paris maski ni Darren. Pinuntahan din ni Paris yung bahay nila Leigh kaso ang sabi doon, lumipat na yung mga magulang niya somewhere in Europe. Pero may nakuha naman silang information doon sa may headquarters, yung contact number ng papa ni Lance. Nakipag deal sila mama at papa doon sa parents ni Lance na ibalik lang daw ako ng buhay at kumpleto mula ulo hanggang paa at na may dignidad pa ding kasama ay hindi na nila sasampahan ng kaso si Lance. Ewan ko ba, ang babait talaga ng mga magulang na meron ako. Speaking of magulang, naaalala ko tuloy si Lance ngayon, kung ano na yung nangyayari sa bahay nila.

*Knock! Knock!*

 

Lance? Ay hindi. Wala na nga pala ako sa bahay niya. Wala akong gana tumayo, at buksan, o magsalita ngayon. Parang nawala sa loob ko na may kinain ako kanina bago umalis. Hindi rin naman nagtagal, bumukas na yung pintuan. Si mama.

“Kumatok ako.”  Mahinahong sabi niya. Tumango nalang ako, at lumapit siya sa akin, “Si Darren.” Inabot sa akin ni mama yung phone, kahit na ayoko, kinuha ko nalang at nilagay ko na sa tenga ko, pero hindi ako nagsalita. Bago umalis si mama nilapag niya yung paper bag sa kama na naiwan ko kanina sa sala, pagkatapos umalis na din.

“Star?” rinig kong tawag sa akin ni Darren. Nakakapanibago. Hindi na ako sanay na kausapin siya, hindi na ako sanay na isipin na mahal ko siya, kasi si Lance yung mahal ko. Hindi pa din ako sumagot, pero huminga ako ng malalim at alam kong narinig niya yun. “Nalaman kong nakarating ka na diyan sa bahay ninyo.” Hindi ulit ako sumagot, tutal wala din akong balak sumagot. Inabot ko yung paper bag at kinuha yung pantalon ko doon. “Okay ka lang ba?” sa may bulsa ng pantalon ko, may nakapa ako, parang halaman o ano ba to? Dahan-dahan kong nilabas yun para hindi masira, kung ano man yun. “Sinaktan… ka ba niya?” mga bulaklak. Ito yung mga bulaklak na binigay sa akin ni Lance yung unang araw na makapunta ako sa garden nila.

*Flashback*

 

Naka ilang tanong ako sa kanya, at kada tanong ko sa kanya kung anong bulaklak yun, pinapitasan niya ako at binibigay sa akin. “Bakit mo ba binibigay sa akin lahat ng bulaklak na tintanong ko?”

“Remembrance. Para maalala mo yung pangalan niyan kapag nakikita mo. Mas maganda kasi na may remembrance ka para hindi mo makalimutan yung isang bagay.” Sagot niya sa akin. Remembrance, nakakatawang isipin na galing sa kidnapper tong mga bulaklak na to.

 

*End of Flashback*

“Kung meron mang nanakit sa akin Darren, ikaw yun. Simula una, ikaw. Walang kasalanan sa lahat ng to si Lance, ikaw. Ikaw yung may kasalanan.” Sabi ko sa kanya sabay sa pagtulo ng luha ko. Pinatong ko yung mga bulaklak sa side table, at doon sa side table nakita ko yung picture frame, yung picture frame na tinaob ko noong ayaw ko to makita at para hindi ako masaktan, sabi ko ibabalik ko nalang to sa dati pag okay na at naka move-on na ako para sa susunod happy memories na yung maalala ko. Naka move-on na ako, okay na ako, pero ayoko pa ding marinig yung boses ni Darren ayoko pa din siya makita dahil naaalala ko lang lahat ng sakit na binigay niya kay Lance, noong naging sila ni Leigh at the same time, kami din. Mahal ko si Lance at hindi si Darren. Kaya dapat dito tanggalin yung picture at itapon, at ginawa ko nga. Ang mga nakalagay sa picture frame mga bagay na may happy memories. Yung mga bulaklak kasya sila sa picture frame kaya ayun yung pinalit ko, hindi man sila picture pero at least, yun yung bagay na punung-puno ng happy memories. Lagi kong maaalala si Lance, kasi siya yung inspirasyon ko sa lahat.

*Flashback*                                         

 

“So para saan yung mga pictures dito sa art room?” binalik ko ulit yung tanong.

“Bilang artist, kailangan mo ng hugot, ng… inspirations.” Si Darren “Kahit hindi ganun kasaya yung memories mo sa kanila o sa kanya…” Si Darren “Basta nasa puso mo siya at ayaw mo siyang mawala…” Ayokong mawala si Darren, kaso nangyari na “Magiging inspiration mo siya sa lahat ng bagay, at sa kahit anong paraan.”

*End of Flashback*

 

Hindi na si Darren, si Lance na. Siya yung nagpakita sa akin na ang arts, ay hindi lang arts. Madami din palang klase yun, art of letting go, art of falling in love, art… Buong oras ko na pags-stay sa kanya, hindi ko namalayan na unti-unti siya na yung nagiging inspirasyon ko sa lahat. Hindi lang sa sketch.

“Star nakikinig ka ba sa akin?” putol sa akin ni Darren.

“Hindi. At ayoko makinig sayo Darren.”

 “Kalimutan mo na siya Star. Please, mahal kita.”

Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita, yung ngiting sawang-sawa-na-ako-tigilan-mo-ako, “Hindi mo ako mahal. Ayaw mo lang mag-isa, ayaw mo lang sa lagay mo ngayon. Hindi mo talaga ako mahal, dahil dapat alam mo kung anong nakakasakit sa taong mahal mo.”

“Star, please pakinggan mo lahat ng sasabihin ko sayo.” Sabi niya na may pagmamakaawa sa tono ng boses niya.

“Anong kasinungalingan na naman yan, Darren? Alam mo akala ko ang saya ko na eh, hindi ko alam pinaglalaruan mo na ako. Sana pinaalam mo para kahit papano nakapag handa ako. Ngayon Darren, hindi mo ba alam na ikaw ang pumatay kay Leigh? Pinatay mo siya dahil sa ginawa mo. Hindi lang siya ang sinaktan mo, pati ako, pati si Lance. Malalaman mo yung sakit sa oras na malalaman mo sa sarili mo na ikaw ang nanakit sa mga taong nakapaligid sayo. Good bye, Darren.” Pagkatapos ko sabihin sa kanya yun, inend call ko na.

Ilang minuto ang nakakalipas, nag ring ulit ang phone. Irereject ko sana kaso… paano kung si Lance to? Paano kung siya nga?

“Hello?” Sagot ko.

“Star?”

Hindi pala siya si Lance. Pero namiss ko din siya, hindi ko kasi siya kinausap kahapon.

 “Uy. Eiffel Tower, namiss kita ng sobra.”

“Grabe ka naman ang aga ng bakasyon mo. O na traffic ka? Ang tagal naman ng punta mo dito inabot talaga ng buwan. “ Mahina akong tumawa sa sinabi ni Paris. “Alam kong common sense lang yung kailangan dito, pero gusto ko lang talagang itanong.”

“Ano yun, Paris?” Tanong ko sa kanya.

“Okay ka lang?”

“Dahil sayo. Oo, okay na.” Pero seryoso tong sagot ko sa kanya, walang halong biro. Hindi ako totally 100% na okay pero dahil sa kanya, tulad ng sabi ko best friend ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko.

“Paris.” Tawag ko sa kanya.

“Yes, Star?”

Out of nowhere, nasabi ko to… “Magiging buo din ako.”

Tiwala lang.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon