➵ Epilogue

829 21 2
                                    

Hindi pa kami ni Lance. Gandang bungad no?

Ligaw? Hindi rin.

Wala na kay mama at papa yung pag kidnap sa akin ni Lance pero kailangan daw munang mapakumbinsi ni Lance sila na okay siya para sa akin bago ko siya hayaang manligaw. Ako naman, kilala na ako ng parents ni Lance. Kahit hindi pa kami, nakilala ko na ng mabuti ang mama at papa at si Savannah. Sabi ni Lance sa akin, okay na lahat sila, we’re working on our relationship sabi niya. Pero may pagka awkward pa din.

Tadhana nga naman, kung kayo talaga, kayo talaga eh. Alam ko namang bata pa kami dito kaya nga kailangan pa namin matuto bukod sa isang taon na wala kaming naging komunikasyon. Ang dami kong natutunan kay Lance, at alam kong may natutunan din siya sa buhay-buhay galing sa akin.

Nakakatawang isipin na sa pag tanda namin at tinanong kung ano ang naging simula ng love story namin ay maisasagot ko ay, “Kinidnap niya ako.” na-inlove ako sa kidnapper na to. Naging tulay sina Leigh at Darren para sa aming dalawa, lahat kami natuto. Isang araw, masusulat namin ni Lance tong story namin, kami din ang gagawa ng book cover. Ipapaalam namin sa halos lahat, hindi man sa lahat, pero sa mga makakabasa ng libro namin na totoo ang unexpected person in an unexpected time in an unexpected place in an unexpected event. Oh well, just expect the unexpected and remember to…

Keep calm.

E  N  D

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon