➵ Chapter 5: Hi?

972 21 0
                                    

“Kain na.” yan yung pambungad na bati sa akin ni Lance, tuwing umaga, tanghali, at gabi. At yung tatlong kakabanggit ko lang, doon lang di naka-lock yung pinto. Pero tulad ng sabi ko balewala din kung tumakas ako kasi paglabas ko lahat ng pwedeng paglabasan ay naka-lock. Pero hindi porket ayokong mag-effort buksan yung pintuan eh hindi ibig sabihin nun hindi na ako nag-iisip ng paraan para maka-labas, ng buhay.

“Hi?” bati ko, pero mas mukhang lumabas ata na patanong.

“Gutom lang yan.” Sagot niya. Huh? Ano daw? Hindi ko naintindihan.

“Ano?” tanong ko, lumapit siya sa akin at bumulong, “Sabi ko, gutom lang yan.”

“Gutom? Eh sabi ko hi.” Anong connect? Yan yung gusto kong sabihin kaso hindi ko na ginawa, alam na baka kasi mapahamak pa ako. Kahit anong mangyari kidnapper pa din to.

“Alam ko, hindi ako bingi.” at lumayo na siya sa akin, “kumain ka nalang diyan.” Dagdag niya. Fail pala tong plano ko na kausapin siya, ang sungit. “Gusto mo lang tumakas eh.” Rinig kong bulong niya bago niya isara yung pintuan. OO! Gusto ko lang talaga tumakas, eh wala eh kailangan ko, kahit sino naman na makidnap gusto ding tumakas eh.

“Nakikipagkaibigan lang naman ako sayo eh.” Mahinahon kong sabi kahit sa kaloob-looban ko lang pwede mo ng ilunod yung karne sa dugo ko sa sobrang kulo. Ramdam ko na tumigil siya at humarap sa akin at yung pag ngiti niya, yung ngiting-aso na naman. “Hi.” sabi niya, mahina lang pero rinig ko at alam kong nag hi din siya sa akin. Hindi naman pala siya ganun kahirap kausapin eh, umakyat ulit sa dugo ko yung pag-asa at napaharap ako sa kanya. “Thank you sa pagkain.” Pangiti kong sabi sa kanya. Sinara niya yung pintuan pero hindi siya lumabas , pumunta siya kama ko niya at doon umupo siya sa may bandang dulong side ng kama.

“Kumain ka na.” tinignan ko lang siya habang sinabi niya yun, tinuro niya yung tray ng pagkain sa side table at inulit yung sinabi. Kaya bago pa maubos yung pasensya niya, umupo ako sa opposite side ng kama kung saan siya nakaupo at tahimik na kumain.

Awk…ward…si…lence… O siguro ako lang nakakaramdam nun? Ako lang syempre.Nung natapos na akong kumain, nag desisyon na akong putulin yung ingay ng katahimikan dito sa kwarto,  “Alam mo.” Umpisa  ko, lumunok ako at sana… sana, please ikaligtas ko yung sasabihin ko. “Mabait ka naman pala—“ tumigil ako nung bigla kong narinig na tumawa siya, yung tawang pinilit ng tropa niya. Parang ganun. “Alam mo.” Tumingin siya sa akin at umiling, “Hindi mo ako kailangan i-psycho test. Una, hindi ako baliw. Pangalawa, problema lang ang meron ako hindi kasalanan ng buong mundo. Pangatlo, kahit gawin mo yan hindi kita papatakasin dito.”

“Nakikipag kaibigan lang ako. Ayaw mo ba ng kaibigan?”

Mahina siyang tumawa at sumagot, “May kaibigan na ako.”

“Ayaw mo ng ‘mga’ kaibigan?” huminto ako at ngumiti sa kanya, “best friend ayaw mo?” pero parang na offend ko ata siya,nawala yung humor sa mukha niya. ano bang nasabi ko? Hindi na siya sumagot at kinuha nalang yung tray, pagkatapos umalis na siya. Hindi man lang siya nag sabi ng kung ano. Hay Star, isang malaking hay. Ngayon, mukhang dito na ako mamamatay dahil sa mga nasabi ko. Pero tungkol naman sa pagkakaibigan yung sinabi ko ah? Offering of friendship? Hindi ba niya alam yun?

“Hi?” bati ko, pero mas mukhang lumabas ata na patanong.

“Hi.” Sagot niya. Mabait naman pala to, akala ko kasungitan eh.

“Alam mo, mabait ka naman pala.” Sabi ko habang tinignan ko siyang umupo doon sa opposite side ng kama kung saan ako nakaupo.

“Mabait ako?” tanong niya at mukhang napangiti ko siya sa sinabi ko.

“Uhm, oo.”

“Star.” Tawag niya sa akin.

“O?”

“Star.” Ulit niya.

“Lance bakit?” ayun nasabi ko na din yung pangalan niya.

“Star.”

Teka.

Parang.

Iba.

“Star.” At nawala na siya sa paningin ko, “Gising.”

Binuksan ko kaagad yung mata ko at napa hinga ng malalim. Whoa, nakatulog pala ako. Tapos yun, panaginip lang pala. Tumingin ako sa bintana at napansin na gabi na pala. Kaso wala naman siyang dala-dalang tray, eh anong ginagawa niya dito? Tinignan ko lang siya at tahimik lang siya, nasapian na ba to? O baka papatayin na ako nito? Kaso wala siyang dalang baril, kutsilyo o ano, baka sasakalin niya ako? Grabe, ang brutal ko naman mag-isip. Naagaw yung atensyon ko dahil gumalaw ng kaunti yung kamay niya, napatingin tuloy ako doon. At okay, nandun pala yung sagot, may dala dala siyang paperbags galing mall. Namili ata, anong gagawin ko diyan?

“Hi.” Sabi niya, sandali lang baka naman mamaya diyan nananaginip lang ako ulit. Kaya ang ginawa ko, kinurot ko yung braso ko, masakit. Hindi nga ako nananaginip. “Hi.” Sagot ko, dahan-dahan akong umupo sa kama galing sa pagkakahiga at inabot naman niya sa akin yung mga paperbags, kinuha ko yun at pagkatapos, sinenyasan niya ako na buksan yung mga paperbags.

Damit.

Tsinelas.

Oh. Tsaka. U-underwear. Pakiramdam ko namula ako nung nakita ko yun. Medyo madami-dami tong mga pinamili niya, kaya sigurado, isa lang ang pinapahiwatig neto. “Tatagal ba ako dito?” tanong ko, hindi ko sinasadya na yun yung matanong ko, dapat thank you eh. “Uhm. Thank you nga pala.” Dagdag ko. Siguro tatlong araw na ako dito, ata? Ewan, parang nawawala na sa uso yung calendar sa akin, tapos pagdating ko dito, doon sa may cr, may ilang damit tapos alam na, undergarments. “Nandyan na yung pagkain mo sa side table, kinuha ko lang yung mga yan sa sasakyan kaya hindi muna kita ginising nung hinatid ko yung pagkain, mukhang masarap tulog mo eh.” Sabi niya at yung mukha niya seryoso, galit pa din ba to dahil sa nasabi ko na wala akong kaide-idea kung ano? “Tsaka, sorry din.” Huminto ako at tumingin sa mga daliri ko, “K-kung may nasabi man akong mali kanina.” Tuloy ko.

“Sige, magkaibigan na tayo. Pero hindi pa din kita papatakasin at sasabihin ko naman kung bakit ka nandito.” Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya na “sasabihin ko naman kung bakit ka nandito”, talaga, sasabihin niya? “Pero hindi ngayon.” RAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWR! Nakaka asar talaga yung “pero hindi ngayon” line niya. Oo, lagi naman eh, kailan ba kasi yung panahon na sasabihin niya? Kung hindi lang ako nagpapasalamat dahil hindi brutal yung pag-trato niya sa akin eh baka… wala, wala pa din akong gagawin kasi baka lalong mag majinbu to e. Bihira lang yung mga kidnapper na mabait. Pero kasi wala talaga akong idea kung bakit niya ako kinidnap, bukod sa may kasalanan si Darren, mamamatay talaga ako sa curiosity dito. Pumikit ako ng ilang segundo at tinanggal ko lahat ng bad vibes sa isip ko at dinilat ko na din yung mata ko, “Okay. Thank you, so friends?” ngumiti ako sa kanya at inabot ko yung kamay ko. Sana hindi niya ako pahiyain, sana alam niya yung gesture na “shake hands”

One thousand one.

One thousand two.

One thousand three.

One thousand four.

One thousand five.

At sa wakas, inabot din niya yung kamay niya sa akin at nakipag shake hands. GULAY! Buti alam niya! five seconds din niya akong pinaghintay, tinignan ko ng mabuti yung mukha niya at ngumiti siya ng kaunti. Okay na yun. Bumitaw na siya sa pagkakahawak, kahit na may something sa mata niya, hindi sa itsura o hugis na mata niya, pero yung feelings doon sa mata niya parang may mali. Siguro nandun yung rason kung bakit niya ako kinidnap. Hindi galit. Pero masakit. Naawa tuloy ako sa kanya bigla.

“Hi, ako nga pala si Lance Dela Santos, kidnapper mo.” Bati niya.

“Hi, ako nga pala si Star Hernandez, kinidnap mo.” Sagot ko.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon