*After 1 year*
“Alia!” Tawag sa akin ni Sia sa malayo. Napalingon ako sa kanya kahit na ayoko talaga ng tinatawag ako ng second name ko. Hay. Bakit ba kasi Star Alia yung pangalan ko? “Ang taas ng grade natin doon sa libro na ginawa ng group natin! At malaki ang percent dahil sa book cover na ginawa mo. Ang galing mo talaga mag drawing e no.” Maiinis sana ako sa Sia Anne na to dahil sa pag tawag niya ng second name ko kaso bumawi siya sa pag compliment.
“Ganun ba? Thank you. Tinulungan ninyo din kasi ako kaya mataas.”
“Ah basta. Ano? Mag celebrate tayo!”
“Celebrate talaga?”
“Oo! Naka uno tayo doon sa gawa natin e!”
“Next time nalang, Sia. Pupuntahan ko pa kasi si Paris sa bahay niya, absent ba naman ng tatlong araw. Kailangan na nun ng patnubay at gabay ng kaibigan niya.”
Nanghihinayang na tumango si Sia, “Ay oo nga pala, si Paris. O sige a pakisabi tama na pahinga, o.a. na e. Pero sayang talaga yung celebration natin dapat.”
“Dahil lang ba sa uno kaya mo gustong mag celebrate? O feeling ko may iba pa e.”
Napahinga siya ng malalim at napakagat nalang sa labi niya, “Um. Si Dave kasi e, nang-aaya gusto ka niya kasi i-treat. Alam mo na, may gusto kasi sayo e.”
“Hay nako. Pakisabi kay Dave, thanks but no thanks. Sige a, alis na ako. Bye!”
Si Dave talaga, napaka ewan. Hindi ko naman siya gusto, at hindi rin naman ako nagpapakita ng motibo na gusto ko siya o magkakagusto ako sa kanya, pero ayaw niya akong tantanan. Lahat na atang pag sabi ko ng “hindi” ginawa ko na kaso parang naka super glue siya na naka dikit sa akin. Naniniwala pa rin talaga ako sa isang tao na mahal ko e.
Faith and destiny.
Faith and destiny.
Keep calm, Star, magkakatototo yun.
“Aray ko naman be.”
Nagising ako sa katotohanan at nakita kong may nabangga ako. Kahit kailan talaga, wala ako sa hulog kapag naiisip ko siya. Ay teka, si Paris pala tong nabangga ko.
“Eiffel tower, sorry. Bakit ka nga pala nandito? Magaling ka na ba?”
“Oo. Medyo. Kailangan ko lang ihabol to kay Sir Avuenas, ako kasi gumawa ng book cover namin, nakikipag marathon na ako sa grades ko. Nakaka dos talaga ako. Napaka hirap mag college.”
“Lalo na pag tatlong araw ka absent. Ay. Oops sorry. Joke lang.”
“Whatever. Samahan mo nga ako kay Sir.” Hindi na ako hinintay ni Paris sumagot at hinatak na niya ako dere-deretso. Akalain mo yun, matutuloy pala yung closeness ng pagkakaibigan namin ni Paris ngayong college at unti-unti na akong nagkakaroon ng tiwala sa pagkukwento sa kanya ng mga mas malalim na bagay tungkol sa akin. Tinutulungan din niya ako maging buong Star ulit, kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya.
“Sir! Please naman, tanggapin mo na please! Nagkasakit po kasi ako kaya ngayon lang to.”
“Nako, Ms. Bueno, hindi to high school na gumagana yang mga excuse.”
“Sir ako naman po yung gumawa lahat pati story, pati book cover, lahat-lahat. Wala na nga po akong ka grupo e.”
“Hindi talaga kita bibigyan ng group kasi absent ka ng 3 days, kawawa naman sila.”
Etong dalawang to, ayun, thirty minutes na atang nag uusap tungkol dito sa book na pinapagawa ni sir. Pangalawang semester palang pero tong si Paris, ayun bakas na bakas sa mukha niya na hirap na hirap siya sa Journalism naming course. Minsan nga, halos gusto na niyang sabihin na gusto na niya mag shift. Pero ayoko nga, wala akong kasama na kasing close katulad niya. Isa pa, ayaw din naman niya, nakakatamad rin daw kasi mag shift. Buti naman naisip niya yun.
“Okay, okay. Tatanggapin ko na, pero next time. I’m telling you Ms. Bueno.”
“Oh my tunay na gulay! Thank you very much sir! Don’t worry sir, I’m telling you too!”
“You’re telling me what?”
Natawa ako dahil biglang nawala yung ngiti ni Paris dahil biglang naging seryoso si Sir, sabihan mo ba naman ng I’m telling you too. Talaga tong babaeng to. “I-I mean, I’m telling you too Sir na hinding hindi ka na makakarinig sa akin ng excuse. I promise!”
“Okay, Ms. Bueno. Everything’s settled, you can now leave the room dahil meron pa akong new student na kakausapin.”
“Okay po sir, thank you very much!”
Ako naman ngayon ang humatak kay Paris, at sakto lang din, sa peripheral vision ko nakita ko na may lumapit kay Sir Avuenas. Siya na ata yung tinutukoy ni sir na new student.
“Buti talaga tinanggap ni sir yung gawa ko. Mababalewala tong mamahaling eyebugs sa ilalim ng mata ko pag ganun.” Masayang sabi ni Paris, habang kinukuha yung bag niya sa harap ng professor’s table.
“… Okay so your first name is…”
“Lance, sir.”
“Lance?” Sa loob ng isang segundo napatingin agad ako sa nag salita. Yung taong inexpect ko, siya ang nakita ko. Lance. Yung boses niya at yung mukha niya. Siya nga.
“Yes, Ms. Hernandez? Any problem?” tanong sa akin ni sir.
“W-wala po.”
Hinatak ko na ng tuluyan si Paris paalis ng room at hindi ko na alam kung ano irereact ko sa nangyari, sa nakita ko.
“Star!”
“Lance.” Tumalikod agad ako at nakita ko siyang papalapit sa akin, at bigla niya akong inakap.
“Mahal mo ba ako?” Tanong niya. “Naalala mo ba yun? Nung sabi ko, na itatanong ko yan sayo pag nagkita ulit tayo.” Oo, naaalala ko yun. At eto, ngayong nagkita na ulit kami, kailangan ko tong sagutin. “Oo.” Humiwalay ako sa pagkaka akap niya at tinaas ko sa kanya yung pinky finger ko, “To infinity?”
“And BEYOND!” Sagot ni Lance, ginaya niya yung boses ni Space Lightyear at natawa nalang kami parehas dahil ang kinalabasan nun ay nakakatawang ewan.
“So ikaw pala yung new student at bakit ka naman nag AB Journalism?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan yung kamay ko,
“Para kapag naging writer ako, isusulat ko tong love story natin.”

BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
Roman d'amourStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.