➵ Chapter 14: Don't just Don't

816 22 3
                                    

Yung nangyari, yung mukha niya na malapit lang sa akin hindi ko makalimutan. Ang lapit lang talaga, akalain mo yun. Pogi din pala yung kabuteng yun, hindi ko kasi napansin noong una, hindi naman kasi siya ganun sa akin dati o siguro hindi ko lang talaga napansin kasi… kasi? Kay Darren. Dahil diyan sa Darren na yan, kakaisip ko sa kanya. Teka, bakit ko ba iniisip yung nangyari kagabi? Alam mo mag sketch ka nalang Star. Ayun nga, nag sketch nalang ako kaysa mabaliw na ako, kanina ko pa kasi hawak-hawak tong pencil, at kakatapos ko lang nung pag sketch ko sa garden ni Lance. Ano na ngayon ii-sketch ko? Tumingin ako sa paligid, umaasa na may idea na pumasok sa isip ko.

Paso nalang kaya?

O cabinet?

Pwede ring pintuan.

O stop light?

Teka paano napasok dito yung stop light? Ewan ko Star. Eh kung… AY OO! Nababaliw na ako, ayos to ah. Hay. Ano ba kasing pwede ilagay dito sa blankong page na to? Dito sa binigay na sketch pad sa akin ni Lance, isa palang nagagawa ko, yun nga, yung garden. Kailangan yung hindi ko makakalimutan, ibig kong sabihin magiging sentimental siya. Lahat naman ng sketch ko sentimental para sa akin ah? Haaay. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Kahit ano na nga lang.

You know I'd fall apart without you

I don't know how you do what you do

Totoo ba tong naririnig ko? Nagpapatugtog si Lance? First time ko lang siyang narinig na magpatugtog. Hindi naman malakas pero sakto lang para umabot dito sa kwarto, tsaka tahimik ang buong lugar kaya naririnig ko.

'Cause everything that don't make sense about me

Makes sense when I'm with you

May isang side talaga ni Lance na hindi ko pa talaga kilala, o ganun ka kilala. Nag sketch nalang muna ako habang pinapakinggan ko yung kung ano mang kanta yung pinapatugtog,ang ganda nung boses nakaka inspire lalo mag sketch, in short, ang ganda ng aura ng buong bahay na to. simula nung nakilala ko yung Lance na nasaktan, yung Lance na mabait Yun lang yun, wala ng iba.

And I wanna call you mine

Wanna hold your hand forever

And never let you forget it

Yeah, I, I wanna make you feel wanted

*Flashback*

“Bilang artist, kailangan mo ng hugot, ng… inspirations.”

*End of Flashback*

Inspire na inspire na ako bigla mag-sketch, anong nangyari? Siguro dahil sa tugtog. Ang ganda kasi talaga, o dahil sa naisip ko? Hindi. Hindi. Bakit? Inspirational naman yung sinabi ni Lance a? Eh bakit si Lance iniisip mo? Hindi ah! GULAY. NABABALIW NA AKO. Unstoppable tong kabaliwan ah, tigil-tigil din. Tumigil ako sa pags-sketch at napansin ko yung drawing ko, Eiffel tower tapos sa harap nun, ako… ako tapos si… wala. Ako lang, ang loner ko dito sa sketch na to.

“Hi.” Bumukas yung pintuan at napalingon ako kay Lance.

“Hi.” Sagot ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at titignan na sana yung ginagawa ko pero nilagay ko yun sa side table, “Ano yan?” tanong niya. “Yung garden?” dagdag niya.

“Hindi. Tapos ko na yun.” Parang hindi ko alam kung ano dapat emosyon ko ngayon. Ewan. Basta panibago tong nararamdaman ko, parang— teka update lang ako ng status mga kaibigan: *insert hindi-ko-alam-anong-mukha-ba-dapat here* Feeling awkward. Hinawakan ko ng mahigpit yung pencil at binalik ko yung atensyon ko sa may sketch na ginagawa ko.

“Patingin nga.” Aabutin na niya pero kinuha ko at nilipat ko sa unang page kung nasaan yung garden na na-sketch ko na. Pinakita ko sa kanya at sinara ko din kaagad yung sketch pad. “Eh yan, yung bago mong ginagawa patingin nga.” Aabutin na ulit sana niya pero hinarang ko yung kamay sa sketch pad.

“Hindi pa tapos.” Sabi ko sa kanya.

“Ano naman?” oo nga Star, ano naman? Ewan. Bakit ba ayoko ipakita yung sketch? Basta may feeling dito sa akin na ayoko ipakita.

“Basta.” Bulong ko.

Tinignan niya ako ng tingin ko sa sarili ko, hindi maintindihan. Pakiramdam ko nababaliw na ako, b-a-k-i-t? “Alam mo sa akin namang sketch pad yan eh.”

“Binigay mo na sa akin diba? Ibig sabihin akin na to.”

Sa pangatlong pagkakataon, inabot niya ulit yung sketch pad pero nakaharang pa din yung kamay ko. Hindi siya sumagot, nabasag ata sa sagot ko.

As good as you make me feel

I wanna make you feel better

Better than your fairy tales

May tugtog pa pala. Para akong nililipad ng kanta, hindi ko talaga alam pero napatingin ako kay Lance. Ang ganda ng mata niya, ng ilong niya, ng labi niya pag ngumingiti. Lahat-lahat. Tapos ang bait pa, tapos… yung sketch pad nasa kanya.

One thousand one.

One thousand two.

One thousand three.

ANO?! Yung sketch pad nasa kanya?! Dali-dali kong kinuha yung sketch pad sa kanya at buti nasa garden na gawa ko palang siya. “Ano ba?!” sigaw ko sa kanya. Kalma lang Star.

“Ano bang meron kasi sa sketch na yan?” anong meron? Ewan ko. Eiffel tower lang tapos ako. Bakit ba kasi para akong praning? Pero ayoko talaga. Tumayo na ako at hawak-hawak ko pa din yung sketch pad, pumunta ako sa malapit sa pintuan at sinenyasan ko siya na lumabas.

“Pinapalabas mo ako sa kwarto KO?” sabi niya habang papatayo siya at naglakad papunta sa akin.

“GUEST room. Kwarto ng bisita.” Sagot ko sa kanya. At kada hakbang niya papalapit sa akin, humahakbang ako paatras.

“Bahay” hakbang papalapit, “KO” hakbang papalapit, “To.” Hakbang papalapit. Hanggang sa na corner na niya ako, nasa likod ko na yung pader. Inabot niya ulit yung sketch pero tinago ko yung kamay ko sa likod ko kung saan hawak-hawak ko yung sketch.

“Ano ba! Sabi ngang bawal mo makita yung sketch eh!” sigaw ko ulit sa kanya.

“Akin na, bigay mo sa akin yan.” Mahinahon pa rin siyang nagsasalita at hinahatak yung kamay ko kung saan ko hawak pero pilit ko siyang tinatago sa likod ko.

“Bawal nga! Pag bawal, bawal!”

Tinutulak ko siya ng isa kong kamay samantalang yung isa kong kamay sa likod, ayun, nagtatago pa din, “Ibigay mo nalang kasi sa akin yan.” Mahina niyang sabi.

“Ano ba kasing pinaglalaban mo!?” ako na nga tong kinikidnap ako pa tong galit baka mamaya diyan tutukan ako ng baril nito, or worst barilin ako kaso wala talaga, nakakainis siya eh. Nagulat naman ako nung hinawakan niya yung kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya, pero mas nagulat ako sa nasunod na nangyari, hinalikan niya ako sa pisngi ko,

Yung pagmamahal ko para sayo.” Bulong niya.

Nalaglag yung sketch pad sa likod ko at sa mismong segundo na yun, nalaman ko yung dahilan kung ano nga bang meron sa sketch pad at hindi ko yun mapakita.

 Gusto ko siya yung kasama ko sa harap ng Eiffel Tower, at gusto kong ibigay yun sa kanya sa araw na sasabihin kong mahal na mahal ko siya.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon