➵ Chapter 11: #Throwback Part 1

706 17 0
                                    

Kumatok si Lance sa pinto, sakto kakagising ko lang. Tumayo na ako at binuksan yung pintuan, “Kain na.” sabi niya. Nakakapanibago. Bakit wala ng “Hi.”? Galit ata to sa akin, teka, bakit naman? E wala naman siya kahapon a. Actually halos buong araw siyang wala. Hindi nya akong hinintay sumagot at dumeretso na siya kainan, bago ako sumunod sa kanya inayos ko muna yung kama, at habang nag-aayos ako iniisip ko kung bakit siya biglang, seryoso. Parang kinatok lang niya yung kwarto ng katulong niya tapos sinabing “mag linis ka na ng bahay.” Ni wala lang mang inday o ano. Baka naman tinawagan siya ng mama at papa niya? Eh kung ganun, dapat matuwa siya. Eh baka naman kasi si Savannah yung tumawag kaya na badtrip? Hay. Baka problems.

“Star.” Tumalikod agad ako nung narinig ko yung boses ni Lance, nakatayo siya dun sa may labas ng pintuan at tinitignan niya ako ng seryoso. As in seryoso. Okay natatakot na ako. “Diba sinabi kong kain na?” paalala niya, seryoso siya, seryosong seryoso. Okay, paulit-ulit?

“O-oo. Ina…ayos ko lang yung k-kama.” Nung sumagot ako umalis na siya. Update ng status mga kaibigan: *insert kinakabahang mukha here * feeling lagot.

“Lance. Wala ka kahapon?” tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Tumango lang siya. Uy! Please magsalita ka naman, aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo eh. Isip kaya ako ng pwede naming pag-usapan? Sa pamilya niya? Wag nalang. Malungkot na nga tapos sakto mukhang galit pa siguro World War III to pag nangyari yun. Nung natapos kaming kumain, humarap tumayo siya at humarap sa akin,

“Bumalik ka na sa kwarto mo.”

Galit nga siya. Update siya ng status mga kaibigan: *insert Lance’s mukha here* feeling pissed. Grabe to. Siguro hindi nalang ako lalabas ng buong araw o linggo para hindi ko siya lalo mainis.

Malapit ko ng matapos yung sketch, yung garden, at makakapagsimula ako sa bagong sketch. Balak ko kasing ibigay to kay

*Knock! Knock!*

 

Lance. At si Lance kumakatok. Patay, may dalawa lang na rason kung bakit siya pumunta sa kwarto: una, good vibes na siya at gusto niyang mag kwento or mag sorry. Pangalawa, bad vibes siya at gusto na niya akong patayin. Base naman sa percentage, lamang ng ninety-nine percent yung pangalawang rason. Okay, Star. Brace your star. Papunta na ako sa pinto nang biglang binuksan na niya. Napa-hakbang ako patalikod at lumunok. Please sigawan mo na ako, wag mo lang ako patayin, marami pa akong pangrap sa buhay. Binasa ko yung expression ng mukha ni Lance, at parang, ay hindi parang, nagulat siya.

“Galit ka ba?” tanong niya sa akin. Hanep tong kidnapper na to, kung tutuusin siya yung libreng magalit eh. Kadalasan, yung mga nagagalit na kinikidnap, pinapahirapan lalo ng mga kidnapper. Pero dito iba. Tinatanong ka pa. “Sorry.” Bulong niya at umupo siya doon sa may kama, umupo din ako sa tabi niya pero medyo malayo pa din yung agwat. “Yung tanong mo sa akin kanina.” Anong tanong ko sa kanya kanina? “Kung wala ako kahapon?” Ah, oo yun nga pala tinanong ko. “Oo, buong araw ako wala. May inasikaso kasi ako.” Tumango ako sa sinabi niya at hindi nalang nagsalita, papakinggan ko na muna siya. “Star, hindi ka man lang tumingin sa paligid? Hindi mo ba napansin?”

Okay magsasalita na ako, “Ang alin?” tanong ko.

“Yung camera sa sala.”

GU.LAY. Ibig sabihin nakita niya ako tumawag. Hindi ako tumingin sa kanya, nahihiya ako at pakiramdam ko mamamatay ako, hindi dahil sa baril o kung ano mang brutal na pamamaraan, pero dahi sa hiya. Grabe. Hindi ko man lang naisip yun. Kaya pala siya nagalit.

“Hay Star.” Bugtong-hininga niya. “Napapanood kita. Siguro alam mo naman na walang kidnapper na gustong maka-communicate yung kinidnap niya diba? Kaya kahit umalis yun may paraan pa din para bantayan.” tumango ulit ako. Pero bilang kinidnap gagawa din ako ng paraan para maka-communicate. “Tapos na yun. Nangyari na, sigurado nagpasundo ka na dito.” Nanghihinayang na sabi niya.

“Hindi. Hindi. Sinabi kong okay lang ako na wag na sila mag-alala.” Tumingin na din ako sa kanya nung sumagot ako. “Promise.” Dagdag ko nung nakita ko yung mukha niya na parang hindi kumbinsido.

“Sinong nakausap mo?” tanong niya.

Baka sumabog to pag sinabi kong si Darren, pero dapat magsabi ako ng totoo, “Si Darren.” Pumikit ako yung tipong ready na ako saluhin yung galit niya.

“Sasabihin ko na.” dumilat ako nung sinabi niyang sasabihin na niya pero baka naman mamaya diyan… “Ngayon ko na sasabihin. Dumating na din yung araw na sinabi kong malalaman mo din.” Eto na. The moment of truth. Yumuko ako at hinayaan ko yung sarili ko na makinig kay Lance na hindi magrereact, papatapusin ko tong kwento niya. Gusto kong maintindihan niya na nandito ako para pakinggan siya kahit kinidnap niya ako, alam ko kailangan niya ng taong mapagsasabihan at makakaintindi sa kanya. Pagtapos nito, ng araw na to, naintindihan ko na ang lahat at magkaka-ayos na kami ni Darren. Makakabalik na din ako.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon