Napatigil ako sa pags-sketch nung kumatok si Lance, hininto ko muna yung ginagawa ko at binuksan ko yung pintuan, “Hi.” Bati ko sa kanya, inunahan ko na siya bago pa siya mag salita. “Hi.” Bati din niya na ngiting ngiti, ayan na naman yung mga ngiting unpredictable. “Alam mo nitong mga araw, natututunan mo ng kumatok sa pintuan.” Sabi ko sa kanya na halata sa tono ko na hindi ako makapaniwala.
“Ganyan talaga.” Sagot niya at pumasok siya sa kwarto.
Simula nung kwentuhan niya ako nung nakaraang araw tungkol sa pamilya niya, lalong lalo na kay Savannah parang nagbago yung tingin ko sa kanya. Hindi negative, pero positive. Nararamdaman kong napilitan lang siyang gawin to, siguro kasi may malungkot siyang past tapos mama na nga lang niya yung nandyan tsaka si Savannah eh hindi pa nila napapakinggan si Lance. Nadala lang siguro siya ng emosyon niya, isa pa, hindi ako nasasamaan sa ugali niya, minsan mayabang na masarap ipakain sa sawa, at gusto ko lang malaman kung anong kasalanan ni Darren na tumulak kay Lance. Bago ko pa malaman, nasa kama pala si Lance at tinitignan yung sketch ko, “Garden?” tanong niya sa akin. Garden yung inisketch ko, kasi yun yung unang bagay na super ganda na nakita ko nung dumating ako dito, nakaka gaan din kasi ng vibes. Tumango ako sa kanya at nilapag niya yung sketch ko ulit sa kama. “Tara.” Sabi niya at lumabas na siya ng kwarto. Hindi ako sumagot at sinundan ko nalang siya.
Akala ko pupunta kami sa art room niya ulit, pero hindi, sa garden kami pumunta. Ang ganda ng view pag nasa second floor ka pero mas maganda pala talaga pag nasa mismong garden ka na, nakakatulala sa ganda. “Kay mama tong garden na to, kasama niya si Savannah magtanim nung mga bulaklak. Habang nagtatanim sila tsaka inaayos tong buong garden, nandun ako sa art room.” Sabi niya sa akin at tinuro niya yung balkonahe na nasa third floor. Ah, ibig sabihin pag lumabas pala ako doon sa sliding door at sumilip sa balkonahe etong garden yung makikita ko. “Kapag nakikita ko tong garden sa taas, ang sarap sa pakiramdam, nakakagaan kasi kapag makikita ko tong ganda ng garden.” Tama siya, nakakagaan, parang pag mags-sketch ka lalo kang naiinspire. “At the same time, masakit.” Pumunta siya sa isang halaman, rose ata yun o ewan, medyo malayo siya at hindi ko na siya sinundan. Hindi naman siya nagtagal doon, bumalik din siya na may dala-dalang, wait oo, rose nga. “Bakit naman masakit?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang yung bulaklak... One thousand one… One thousand two… One thousa—
“Sa lahat ng magagandang bagay na meron ako, sila pa yung wala ako.” Sagot niya, at alam ko na kung sinong “sila” yung tinutukoy niya, pamilya.
“Gusto mo sayo nalang?” inabot niya sa akin yung rose, at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o ano. “Sa bagay, kahit oo o hindi yung sagot mo sayo pa din yan. Kunin mo, hindi yan please, utos yan. Tandaan mo kinidnap kita.” Banta niya sa akin, kung hindi ko to tatanggapin mamamatay ba ako? O siguro huhugot siya ng baril? No choice. Kinuha ko nalang yung rose sa kamay niya.
Habang naglalakad ako nakita ko yung iba’t ibang klase ng bulaklak, ngayon ko lang nakita yung iba.
“Lance, anong bulaklak to?” tanong ko sa kanya na sumusunod sa likod ko. Tinuro ko naman yung kulay white na bulaklak.
“Carnation.” Sagot niya. pumitas naman siya at binigay niya yun sa akin.
Naka ilang tanong ako sa kanya, at kada tanong ko sa kanya kung anong bulaklak yun, pinapitasan niya ako at binibigay sa akin. “Bakit mo ba binibigay sa akin lahat ng bulaklak na tintanong ko?”
“Remembrance. Para maalala mo yung pangalan niyan kapag nakikita mo. Mas maganda kasi na may remembrance ka para hindi mo makalimutan yung isang bagay.” Sagot niya sa akin. Remembrance, nakakatawang isipin na galing sa kidnapper tong mga bulaklak na to.
“Oo nga no, kaya pala ako bumibili ng mga gamit pag nago-out-of-town kami.” Sabi ko. Sa totoo lang ngayon ko lang narealize yun, nasanay lang naman kasi ako na bumibili pag nasa ibang lugar.
“Yup. Kaya itago mo yan galing sa garden namin yan, mamahalin mga buto niyan.” Imbis na mainis ako dahil nagmayabang na naman siya yung tipong masarap ipakain sa sawa eh natawa nalang ako.
Pagkatapos namin mag-ikot sa garden bumalik na ako sa kwarto, at nilagay ko yung mga bulaklak sa bulsa ng pantalon ko, yung pantalon na bagong laba, syempre, yung pantalon na suot ko nung araw na kinidnap niya ako.

BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
RomanceStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.