Last day ko na dito. Ano nang gagawin ko? Hindi ko alam kung bakit walang bakas sa mukha ko yung saya na makakaalis na ako dito sa bahay na dating inakala ko na kulungan.
“Star?” Banggit ni Lance ng pangalan ko pagkabukas niya ng pinto.
“Lance.”
“Anong gusto mong gawin ngayon?” tanong niya. Bukod sa tumingin sa malawak na bintana dito sa kwarto, ewan ko. Yun nalang siguro. Ang daming problemang aasikasuhin pagbalik. Hay.
“Hindi ko alam.” Sagot ko. Tumalikod ako at nakita kong nakaupo siya sa may kama.
“Talagang ayos na ayos na tong kwarto na to ulit, tulad nung pagdating mo dito, malinis na malinis. Wala ng artworks.” Sabi niya.
“Nakakahiya mag iwan ng kalat dito, Lance.”
“Hindi kalat yun, pero kung sa tingin mo oo, edi iwanan mo ako ng maraming kalat dito.”
“Diba binigyan na kita ng sketch ko?” umupo ako sa tabi niya, pero hindi ako tumitingin sa kanya naka dikit pa din yung atensyon ko sa bintana. Kahit na paalis na kasi ako, hindi naman nagbago yung nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya. Pero ewan, kahit na desidido na akong siya na yung mahal ko ngayon at di na si Darren, may gumugulo pa din sa akin. Siguro yung sakit na nararamdaman ko ngayon, iyon yun. Yung nararamdaman kapag aalis o umalis yung taong mahal mo, yung iisipin mo pa lang na bukas o sa makalawa na wala siya sa tabi mo o hindi mo siya makikita, na tipong mapapatingin ka nalang sa malawak na lugar tapos bigla kang matutulala tapos papasok siya sa isip mo, tapos magf-flashback kung anu-ano. Hindi mo namamalayan mukha ka ng nagmumusic video diyan.
“…na agad kita.”
“Ha?” tumingin ako kay Lance, dahil hindi ko namamalayan nagsasalita pala siya.
“Ang sabi ko namimiss na agad kita.”
“Ako rin eh.” Hindi ko alam pero napangiti ako bigla. Yung maliit na senyales lang ng pag ngiti, hindi yung parang pang bipolar na biglang switch ng mood.
“Uhm. Star.” Sa peripheral vision ko, nakita ko siyang tumingin sa akin. “Diba nililigawan kita?” Hala. Oo nga pala, nililigawan niya ako. Anong gagawin ko? Aalis na din naman ako dito tapos ewan, parang gusto kong
“Tigilan mo na Lance.”
Biglang lumabas sa bibig ko. Nadulas. Nalaglag. Nasabi. Nabigla. Nako. Lagot. Hindi ko na to babawiin, tama. Wag nalang. Mas mabuti. At matapos ang ilang dekada ng pagtingin ko sa bintana, napagisipan ng mata kong tumingin sa kanya, ang kaso, hindi na siya nakatingin sa akin. Nakayuko siya.
“Pero mahal mo ba ako?” tanong niya.
Eto na. Eto yung tanong na hinihintay ko, yung araw na sasabihin kong mahal ko din siya. Dahil sa sketch na yun, kailangan kong tototohanin yung sinabi ko.
One thousand one.
One thousand two.
One thousand three.
“Mahal na mahal… na mahal kita, Lance.”
At sa mismong posisyon ko, nakita ko na pumikit ang mga mata niya at may pumatak… na luha galing doon, dahil sa akin.
“Atleast naman diba? Bago ka umalis nasabi mo yan sa akin. Thank you Star.”
“Wag kang mag thank you Lance, hindi to favor na nangangailangan ng thank you. Ginawa ko to kasi gusto ko, kasi mahal kita. Ang kailangan dito, sagot mo sa sinabi ko.”
Tumingin na ulit siya sa akin, parehas na kaming nagkatinginan sa isa’t-isa, eto ang pinakaaabangang part ng story ko, “I love you too, Star.” Pangiti niyang sagot sa akin. “Teka, napanood mo na ba yung Toy Story?” panirang tanong niya. Pero napangiti nalang ako.
“Oo.”
“So, ibig sabihin, alam mo na to.” Tinaas niya yung pinky finger niya sa akin, “To infinity?”
“And BEYOND!” ginaya ko yung boses ni Space Lightyear talaga, kaso ang kinalabasan ay nakakatawang ewan at natawa kaming parehas. Inabot ko naman yung pinky finger ko sa kanya at yung tipong kinabit. Parang sa mga friendship promises, best friends forever bla bla bla. Kami ni Paris, hindi namin to nagawa. Hindi kasi kami yung tipikal na best friends na, as in parang kapatid na ang turingan, basta ang level talaga namin best friends, o paano ko ba to sasabihin… siya lang yung pinaka close ko sa lahat ng mga kaibigan ko na hindi naman totally talaga kilala yung buhay ko, siya yung tipong maaaya ko sa kung saan-saan, mapupuntahan kong bahay, mapagsasabihan ng kwento. Pero hindi lahat-lahat sinasabi ko sa kanya, may problema kasi ako sa sarili ko tungkol sa pagtitiwala. Siguro kay Darren lang talaga gumana yun, at nung nawala kami, nakalimutan ko na gawin yung tiwala. Nawala din yung sarili ko. At siguro okay naman na din na patigilin ko si Lance na manligaw kasi hindi pa naman ako ready sa bagong relasyon, kailangan bago ko mabuo yung relasyong gusto ko, mabuo ko muna ang sarili ko. At si Lance, kailangan din niya buuin yung sarili niya, tungkol sa pamilya at sa lahat, basta yung sarili niya. At pagkatapos ng lahat ng to, magkikita ulit kami, maglalapit si faith at si destiny. Buo na kaming parehas, at kaya na naming tumupad ng promises. Kaya na naming itayo yung forever.
“Lance.”
“Hm?”
“Gusto ko sanang pumunta sa art room mo.” For the last time. O hindi pa naman talaga, kung para talaga kami sa isa’t-isa, makakapunta pa ulit ako dito.
“Sure.”
Nauna si Lance na tumayo at inabot niya ang kamay niya sa akin, hinawakan ko yun. At biglaan, pagkatayo ko mismo, habang naka hawak siya sa kamay ko inikot niya ako. Na out of balance ako pero nasalo din niya ako. Akala ko talaga sa mga korni na palabas lang to nangyayari, pero kahit din pala sa totoong buhay, nagiging clumpsy ka kapag kasama mo yung taong mahal mo, may parte sayo na nanghihina, kinikilig.
“HHWPTTP, remember?” sabi niya.
“Oo naman, makakalimutan ko ba yun.”
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko, “Hindi. Hinding-hindi.”
Tahimik kaming pumunta sa art room niya, walang nagsasalita, walang kahit anong lumabas sa bibig ko o sa kanya. Nagulat ako sa pinag iba ng art room, walang bago o nilipat na furniture, pero nag iba yung sketches doon, dati puro si Leigh, ngayon… ako.
“Pinagpuyatan ko to kagabi.” Kinuha niya yung mga sketch at tinignan ng mabuti, “Hindi to para sayo, pero para sa akin to. Para kahit umalis ka na, kahit dito man lang, dito sa art room na to, kasama kita.” Sabi niya dati, yung painting na nasa guest room para sa mama niya, at nilagay ni Lance yun sa guest room para kahit doon man lang makasama niya ang mama niya. Ngayon naman, ako, at dito sa art room niya para lagi niya akong kasama.
“Bilang artist, kailangan mo ng hugot, ng… inspirations. Kahit hindi ganun kasaya yung memories mo sa kanila o sa kanya… Basta nasa puso mo siya at ayaw mo siyang mawala… Magiging inspiration mo siya sa lahat ng bagay, at sa kahit anong paraan.”
Sinabi na niya to dati a.
“Ikaw ang inspirasyon ko, Star.” Binalik ni Lance ang mga sketch sa pinaglagyan niya, sumunod naman ako sa kanya. Pag harap niya sa akin, kinuha niya ang mga kamay ko. “Please, take care.”
“Oo, Lance. Promise.”
At sa araw na to, binitawan ko ang mga kamay niya at inakap ko siya.
BINABASA MO ANG
Keep Calm This is My Kidnapper
RomanceStar, ang babaeng kinidnap ni... Lance, na may gusto sa best friend niyang si... Leigh, na boyfriend si... Darren, na boyfriend ni... Star. Na in short na #BestFriendZone si Lance at na #LokoZone si Star.