➵ Chapter 6: Books

814 20 0
                                    

Pagkagising ko wala akong nakita na tray sa gilid ko, at sa ilang araw ko dito, doon ko lang napansin na may orasan pala dito sa kwarto. 10:00 na ng umaga, pero hindi pa naman ako gutom eh, nagtataka lang ako. Paano kapag siya naman yung nakidnap? O kaya baka umalis siya tapos iniwan ako? Sa bagay nagawa na niya yun, nung bumili siya ng gamit ko. O kaya panguna na naman ako mag-isip? Hay. Bumalik ulit yung atensyon ko sa may door knob, dahan-dahang pinihit at pagkabukas si Lance, mukhang hindi siya bagong gising pero bagong dating, naka pang-alis kasi siya.

“Hi.” Bati niya, buti naman hindi na “kain na”.

“Hi.” Napatingin ako sa gilid niya dahil may box doon, medyo malaking box. Anong meron dun? Baka appliances na yan? Tipong dito na talaga ako mamamatay? “Ano yan?” mahinang tanong ko. Hindi siya sumagot at binitbit niya yung box, pagkatapos nilapag sa harap ko. “Libro.” Sabi niya. Libro? Anong gagawin ko dun? Imbis na puro ako tanong, binuksan ko yung box at oo, puro libro. Puro novels. RECREATION! Sa wakas, may magagawa din ako dito habang hinihintay ko yung oras ko. Sana tinanong nalang niya ako kung gusto ko ng sketch pad tsaka pencil, edi sana nakamura pa siya. O kaya kahit pilas nalang ng papel tapos lapis, okay na yun. Dapat hindi na siya gumastos. Hindi ko na din tinanong sa kanya kung bakit walang tv dito sa loob ng kwarto, alam kong ayaw lang niya akong makatakas. Hay.

“Mga bagong stock yan.” Sabi niya. Inisa-isa ko ang kuha sa mga libo at nilapag sa kama. 13 Reasons Why ay eto, narinig ko na to kay Paris, may pagka book worm kasi yun eh. At yung remaining na mga libro, hindi na pamilyar sa akin. Bago pa ako makapag thank you sa kanya, hindi ko namalayang lumabas na pala siya. Sa totoo lang, wala akong hilig magbasa ng libro, hindi ko alam kung bakit, siguro masyado akong nakakapalan sa libro, naiisip ko na baka hindi ko to matapos, pero kung nandito ako sa pagkatagal-tagal sigurado eto yung unang novel na mababasa ko at matatapos ko. Inayos ko na yung mga libro at nilagay ko doon sa may book shelf sa gilid ng kwarto, except lang doon sa pamilyar na novel sa akin. Umupo ako sa may kama at binasa ko yung synopsis sa likod, sabi kasi sa akin ni Paris, basahin ko daw muna yung synopsis.

“Star.” Si Lance ata tinatawag ako. Nakatulog na naman ako, dinilat ko yung mata ko, kaso madilim, wala akong makita, as in ang dilim. “Star.” Inulit niya.

“Black out ba?” tanong ko. Narinig ko siyang tumawa at naramdaman kong lumalapit siya sa akin.

“Dito hindi.” Sagot niya na parang pinipigil na yung tawa. Seryoso bakit madilim? Maghy-hysterical na ako. Naghintay ako ng ilang segundo, baka umilaw na maya-maya tsaka niloloko lang ako ni Lance.

At ayun, tama nga ako, nagka ilaw din, tumingin lang ako sa taas at hindi pa din bumabangon sa pagkakahiga at imbis na plain white yung makita ko,

Big feet? Seriously? I’m not into dream analysis…

“Sa susunod wag kang maglalagay ng novel sa mukha para hindi mag black-out.” Sabi niya sabay tawa at dahan-dahan niyang inalis yung novel sa paningin ko. Agad akong umupo at oo, namumula ako. Dahil sa hiya mga kaibigan. Dahil diyan mag-uupdate ako ng status: feeling embarrassed. Hindi ko alam na may libro sa mukha ko. “Hindi ka ba mahilig sa novel?” tanong niya pagkatapos nilapag niya yung libro sa side table, ayoko naman siyang madisappoint kasi binilhan niya pa ako kaso, “Hindi.” Sagot ko. Tumango naman si Lance at umupo sa tabi ko, “Saan ka ba mahilig?” tanong niya. SKETCH! SKETCH! SKETCH! Oo na sasabihin ko na, “Sketch.” Inexpect ko na madidisappoint siya kaso hindi, ngumiti siya at parang nagkaroon ng something doon sa mata niya, tuwa? Natuwa ata siya. “Mahilig ka ba mag sketch?” tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, “Tutal, magkaibigan na tayo, siguro pwede ko naman… alam mo na… kahit papaano, malaman ko yung favorites mo.” Dagdag ko. Sana alam niya yung first stage of friendship, get to know. Huminga siya ng malalim bago sumagot , “Oo.” Ayun naman pala, parehas kami. “May kukunin lang ako.”  Sabi niya at lumabas na ng kwarto. Wow? Talagang sinabi niya na may kukunin lang siya. Siya lang yung kidnapper na alam kong mabait.

Maya-maya dumating na siya, at parang luluwa yung mata ko dahil may dala-dala siyang makapal na sketch pad at drawing pencil.

“Sayo na to. Hindi ko pa nagagamit yan.” Inabot niya sa akin yung sketch pad tsaka drawing pencil, nung hindi ko tinanggap nilagay nalang niya sa side table. “Sa ayaw o gusto mo, sayo na yan at kailangan makita kong ginagamit mo yan.” Sabi niya sa seryosong tono ng boses. Wow. Ang. Bait.

“Thank you, alam mo hindi mo na—“

“Gusto kong gawin, wala kang magagawa.” Seryoso pa din yung mukha niya pero mukhang good vibes naman siya.

Tinignan ko yung sketch pad at binuksan ko, “Alam mo, pag nags-sketch ako, nalalabas ko yung lahat ng nararamdaman ko, lahat lahat. Sa sketch din kasi, hindi lang naman tao yung dina-drawing pati sceneries. Yung mga scenery kung saan ko gusto mapunta, yung mga dream places ko. One time, ini-sketch ko yung Eiffel tower, gusto ko kasi dun, ang romantic. At sana, isang araw, sa harap ng Eiffel tower masketch ko yung sarili ko tapos yung lalaking para sa akin.” Si Darren. Sana si Darren, kaso hindi. Akala ko siya, akala ko after ilang years kami pa din, akala ko sa harap ng Eiffel tower nandun kaming dalawa. Namatay na yung mga promises sa akala.

“Lahat ng feelings mo para sa isang bagay nalalagay mo sa sketch kaya pati yung ini-sketch mo, nagiging sentimental na sayo. At pag dumating yung time na wala na yung bagay na ini-sketch mo at makikita mo yung dinrawing mo, masasaktan ka nalang.” Rinig kong sabi ni Lance. Sinara ko yung sketch pad at tumingin ako sa kanya, nakatingin siya sa mga paintings sa dingding. Nasaktan ko na naman ba siya? O may napaalala ako sa kanya? Umiling siya yung tipong ginigising niya yung sarili niya sa mga iniisip niya. tumingin siya sa akin at ngumiti siya, pilit. Wala na akong sinabi at kinuha ko na yung drawing pencil, at nagsimula na ako mag sketch.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon