➵ Chapter 3: First Day

998 23 0
                                    

Auhor's Note:

Hello po! Sorry po nadelay yung pagpost ko ng trailer pero sana magustuhan nyo po (: nakapost na po sya, please check out the next page. <3  GOD BLESS! xx

Minulat ko ng dahan-dahan yung mata ko. Naghintay muna ako ng ilang segundo para ma-sink in sa utak ko kung nasaan ako, nasa kwarto ako, pagkatapos tumayo na ako at nagpasalamat na walang lubid o kaya posas na nakakabit sa akin, at lalong kumpleto yung parte ng katawan ko.

“Buti naman gising ka na.” nagulat ako sa nagsalita at napaharap ako sa kanya. Sa may pintuan nakatayo yung lalaking kumuha sa akin, yung kidnapper.

“Sino ka? Bakit mo ako kinidnap? May ginawa ka ba sa akin?” pagalit kong tanong sa kanya. Nagulat naman siya sabay tawa, “Teka teka. Isa-isa lang pag nagtatanong.” Huminto siya at huminga ng malalim, “Unang tanong, sino ako… Ako si Lance. Pangalawa, bakit kita kinidnap… malalaman mo yan, pero hindi ngayon. At pangatlo.” Huminto ulit siya at sinara ang pintuan sa likod niya, humakbang siya ng isa sa harap ko, kahit na malayo palang siya sa akin ay humakbang na din ako ng isa paurong. Nako, paano kapag? GULAY. Hindi pwede! Marami pa akong pangarap sa buhay, graduating high school student palang ako! Ayokong pumasok ng college life na ganito palang yung edad ko meron na akong— “Kumalma ka, wala akong ginawa sayo.” Naputol lahat ng iniisip ko at nabalik ulit ako sa realidad. Phew. Buti wala siyang ginawa sa akin. “At kung ano man yang iniisip mo, hindi ko yun ginawa sayo. Hindi ako ganung klase ng lalaki.” Dagdag niya at tumawa siya ng mahina. “Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, o ayan isa-isa na yan ah. Imbis na sagutin ako ngumiti nalang siya at tumalikod, “Dadalhin ko na yung pagkain sayo.”

“Kailangan mo ba ng pera?” dagdag kong tanong. Kung oo yung sagot niya, wala akong pera kaya tigil-tigilan niya ako. Humarap lang siya ulit sa akin at sumagot, “Hindi ko kailangan ng pera mo. Mayaman ako.” May mama at papa ba to? Kasi kung wala, deserve niya sabihin na mayaman talaga siya pero kung alive and kicking pa yung magulang nito, baka dapat sabihin na mayabang siya. Hindi nalang ako nagsalita kasi baka mamaya diyan kakakulit ko dito bumunot ng baril to.

Lumabas siya sa kwarto at iniwan niya akong nakatayo doon. Kung hindi pera yung kailangan niya sa akin eh ano? Sa bagay mayaman talaga, ang laki ng kwarto eh, siguro guest room palang to. Kasi kung kwarto niya o kwarto ng mama at papa niya niya to may pictures o kaya may theme tong kwarto. Pero infairness, bukod sa malaki ang ganda pa, may mga paintings na nakasabit tapos ang laki ng kama, siguro king bed to, tapos may malaking bintana sa tabi ng kama tapos may malaking cr pa sa loob ng kwartong to. Irony sa ibang lugar na pinags-sta-stayan. Grabe, mangkikidnap nalang siya pa-v.i.p pa yung kinidnap. Binuksan ko yung kurtina at halos mapanganga na ako nang makita ko yung napaka gandang garden. Ang ganda. Ang daming bulaklak, siguro mahilig yung mama niya o kung may kapatid man siyang babae.

“Kumain ka na.” sinara ko kagad yung kurtina nung marinig ko yung boses nung Lance, ni Lance. Parang kabute to, biglang sumusulpot hindi ko man lang naririnig na binuksan niya yung pintuan o naglakad o siguro hindi pa nagsi-sink in sa utak ko sa bilis ng mga nangyari.

“Kain na, ayaw mo pa?” humarap ako sa kanya at nakita ko siya sa side table ng kama, naka patong yung tray ng pagkain, ang sarap tignan, siguro masarap talaga to, kaso wala akong gana.

*Flashback*

“Hello Star.” Bati ng nasa likod ko, tumalikod naman ako para makita kung sino yun. Hindi ko siya kilala, hindi rin siya pamilyar sa akin, ngumiti siya sa akin at sabay takip ng panyo sa labi ko. Sa gulat ko tatakbo na sana ako ng mahawakan niya ng mahigpit yung braso ko.

“Tsk, tsk. Parehas kayo ng boyfriend mo… pasaway.” Sabi niya at tinakpan din yung ilong ko, may something sa amoy ng panyo niya, nakakahilo, ano to peppermint? Hindi na ako maka-focus at pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay. Pagkatapos, may sinabi siya pero hindi ko na maintindihan at dito na natigil yung conscious ko.

*End of Flashback*

“Bakit?” tanong niya, napailing ako at doon ko namalayan na nakatingin pala ako sa kanya.

“Bakit mo ako kilala? Kilala mo ba yung boyfriend ko?” Ex ko pala. Hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya at inantay yung sagot niya pero umiling siya at ngumiti, yung ngiting nag-aasar na naman. “Diba sinabi ko isa-isa lang pag nagtatanong?” paalala niya sa akin. Oo nga pala, isa-isa lang. Wala eh, nacu-curious talaga ako. “Unang tanong, bakit kita kilala. Pangalawang tanong, kilala ko ba yung boyfriend mo.” Naglakad siya papunta sa akin, pero hindi na ako makahakbang paurong kasi bintana na yung nasa likod ko. Tumigil siya sa harap ko at ngumiti, pagkatapos ng 1… 2… 3… seconds pumunta siya sa likod ko at naramdaman ko yung paghinga niya ng malalim, “Malalaman mo yan, pero hindi ngayon.” Bulong niya, nagulat ako sa paghawak niya sa likod ko at napalunok nalang ako, nandun pa din ako sa posisyon hindi pa din gumagalaw. “Sa ngayon, kumain ka muna.” At dahan-dahan niya akong pinapunta sa pagkain na nilagay niya. Sana walang lason.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon