Silently Guilt

2.9K 107 3
                                    

Masakit ang buong katawan ni Clarity na mabilis bumangon , hindi niya akalain na makakatulog pa siya sa silid na iyon matapos ang nangyari.

Halos nagmamadali siyang tumayo saka inilibot ang paningin, natatakot siya na baka nandoon ang lalaking iyon.

Nanginginig na nilapitan niya ang push cart niya at mabilis na kumuha ng puting t-shirt at isang summer short, iyon kasi ang ibinibigay nila sa mga nag-iin sa hotel, since malapit na mag-anniversary ang hotel na pinagtratrabahuhan niya.

Isinuot niya iyon, wala na siyang pakiaalam kung malaki o baliktad ang pagkakasuot niya, dahil gusto niya lang makalabas sa silid na iyon. Iniwan na niya ang push cart sa room na iyon saka mabilis na lumabas doon, nagmamadali na hinabol niya ang papasarang pinto ng elevator.

Naabutan niya iyon, at ganon na lang ang pagkabog ng dibdib niya ng makita ang isang matipuno, gwapo at halatang may pinag-aralan na lalaki. Kahit ganon ang itsura nito, natatakot pa rin si Clarity lalo na ng maalala ang nangyaro kagabi, sobrang naguguluhan siya kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Nasa unahan siya habang nasa likuran ang lalaki, napahawak siya sa laylayan ng suot na t-shirt at pinipigil niya ang paghinga, ayaw niyang mahalata ng lalaki sa likuran niya ang panginginig niya ay hindi naman niya mapigilan ang luha na rumagasa sa pisngi niya, kaya naman napahikbi siya .

"Excuse me miss , are you ok?" Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya pero naigtad siya na parang nagulat ,hindi siya sigurado pero pakiramdam niya ay ganon din ang paraan ng paghawak ng lalaking gumahasa sa kanya.

Mali ka Clarity, natatakot ka lang . Imposible na makita mo ang walang hiyang lalaking iyon, dahil siguradong tumakas na siya, kaya ngayon anong gagawin ko?

----
Nagmadali siyang nagbihis para makausap ang pinsan niya, he needs help. Gumawa siya ng isang pagkakamali at kaylangan niya ng tulong ng pinsan niya .

Napapikit siya, naalala niya pa ang itsura ng babaeng iniwan niya sa room niya , hindi niya maintindihan but he feels a hot rising to his vein. Kaya ipinig niya ang ulo, mali ang ginagawa niya. Hindi niya dapat naiisip sa ganoong senaryo ang napakagandang babae.

Great! Your destroyed her life! Damn you Javier!

Galit niyang asik sa sarili, pinindot niya ang elevator para magbukas iyon, sandali lang at nasa harapan niya na iyon. Pumasok na siya at papasara na sana ang pinto pero halos matuod siya sa kinatatayuan ng pumasok ang babaeng kanina lang ay natutulog at bakas ang mga luha sa mukha.

Damn it! Hindi niya ba ko nakikilala?

Kinakabahan siya, hindi niya alam pero ayaw niyang makita ang galit sa mga mata nito kung sakaling makilala siya.

Napamura siya ng sumiksik ito sa gilid sa unahan ng elevator at parang nanginginig na napahawak sa laylayan ng suot na T-shirt.

Damn it! She was scared! Napakagago mo Javier, you better go in hell.

Naitupi niya ang kamao dahil sa galit sa sarili, hindi niya maiwasan na mapag-aralan ang nakatalikod na babae, she was too small for him at napakapayat nito, kaya napamura siya lalo, how could he give his whole to her, saka parang isang sirang plaka na nakita niya kung pano bumalatay sa mukha ng dalaga ang sakit ng bigla niyang ipasok ang lahat ng kanya.

Narinig niya ang paghikbi nito kaya naman hindi niya napigilan ang sariling lapitan ito .

"Excuse me miss , are you ok?" Ipinatong niya ang kamay dito pero ganun na lang ang pag-atake ng guilt sa kanya ng maramdaman ang pagpiksi nito, napaurong siya.

Gaddamnit! I made her sick! she was afraid , napakagago ko .

Hindi sumagot ang babae at mabilis na lumabas ng elevator pagkabukas noon sa 7 floor, para bang natatakot ito na napayakap sa sarili, paulit-ulit naman niyang minumura ang sarili ng makita mula sa papasarang pinto ang mabagal na paglalakad ng babae.

Magsasara na sana iyon ng tuluyan pero pinigilan niya, wala siyang balak lapitan ang babae, gusto niya lang makasiguro na magiging maayos ito .

Palabas na siya ng elevator ng marinig ang malakas ng pagkabagsak ng isang bagay, at ganon na lang ang gulat niya ng makita na nakahiga habang sa sahig ang walang malay na babae.

"Miss! " Mabilis niyang tinakbo ito, kinakabahan na binuhat niya ito. Kasalanan niya ang lahat ng ito, nakaramdam siya ng pagsakdol sa dibdib niya ng makita ang mga luha sa mga mata ng babae.

"Oh my! What happen? " Napabaling siya, at sakto ang pinsan niyang si Lyra ang dumating.

"She passed out." Binuhat niya ang babae, at ni hindi siya nahirapan na buhatin ito.

"Oh my! Clarity, hey.. Dalian mo Javier, dalin natin siya sa clinic." Mabilis siyang sumunod dito. Hindi niya alam pero para siyang natatakot na baka may masamang mangyari sa babae at sobrang kinakabahan siya na baka hindi nito kinaya ang sa kanya.

Damn you! Anong gagawin mo ngayon kung dahil sayo mapahamak siya?!
---
Masakit ang ulo na napadilat siya, napatitig siya sa kisame saka parang sirang plaka na naalala niya ang bungongot na sinapit, napahagulgol siya dahilan para lapitan siya ng mga ta roon.

"Clarity, it's me, si Ly." Umiiyak na napatingin siya sa babae saka muling napahagulgol. Nakita niya ang pag-aalala na bumalatay sa mukha nito saka siya niyakap habang nakahiga siya.

"Shh, Clarity , everything will be alright. Magiging maayos ang lahat." Nahagulgol siya saka niyakap ang braso nito, hindi niya alam kung pano pa magiging maayos ang lahat lalo na ni hindi niya maalala ang mukha ng hayop na lalaking gumawa noon sa kanya.

"Ma'am ,t-tulungan niyo po ako, p-pinagsamantalahan po ako."

"What?!" Halata ang pagkagulat sa mukha nito, at lalo siyang napahagulgol.

"Oh no, sino ang walang hiyang iyon? ! Sabihin mo naalala mo ba ang itsura niya?!" Halata ang galit sa mukha ng magandang babae, umiiyak na umiling siya.

"H-hindi ko po maalala , please po.. T-tulungan niyo ko." Niyakap siya muli nito kaya doon lang siya umiyak ng umiiyak, pakiramdam niya ay nakakuha siya ng kadamayng dahil kay Lyra.

----
Napatiim bagang na napatitig siya sa babaeng ngayon ay umiiyak habang yakap ang pinsan niya. Wala siyang lakas ng loob na lapitan ito, natatakot siya na baka makilala siya nito, lalo na at nakita niya kung gano ito namumuhi sa taong gumawa noon sa babae, at walang iba kundi siya.

Gusto niyang sapakin ang sarili ,he doesn't deserve to be treat like a human. Dapat sa kanya ay ipabugbog hanggang sa mamatay, lalo na at nakikita niya ang paghihinagpis ng babaeng ginahasa niya ng walang kalaban-laban. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sobrang mabigat at kakaiba ang sakit na nararamdaman niya sa nakikitang kalagayan ng babae.

"Javier." Napabaling siya sa pinsan na si Lyra.

"Yes?" Hindi niya magawang lumapit at tignan ang babaeng tinawag na Clarity ni Lyra kanina.

She had a beautiful name, Clarity ,but you destroyed it Javier!

Lihim niyang angil sa sarili.

"Halika dito." Mabigat ang paa na humakbang siya palalapit pero hindi niya tinitignan ang babaeng nakahiga

"Clarity ito si Javier, siya ang bumuhat sayo rito ,at siya rin ang pwedeng makatulong saatin. He was an NBI agent." Nakatingin pa din siya sa pinsan.

"Sir Javier.. " Gusto niyang pumikit pero pinigil niya, dahan dahan ay lumingon siya babaeng nakahiga at pigil niya ang hininga.

Ganon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya ng magtama ang mga mata nila pero nanikip din iyon ng magsalita muli si Clarity.

".. salamat po.."

No, mali ka ng taong pinagpapasalamatan.

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon