Date

1.9K 67 2
                                    

Pagbukas ni Javier ng pinto ay tahimik at madilim ang buong paligid, napabuntong hininga na lang siya. Mukhang mali ang hinala niya dahil wala namang Clarity na sumalubong sa kanya.

"Nakakatawa, I believe them. " Napatingin siya sa korona na hawak, saka napapangiting naiiling siya.

Clarity will never show that kind of attitude, because she never feel the same way like he felt toward her. Nabura ang ngiti niya ng maiisip iyon, kung magagalit ito malamang ay dahil iyon sa ginawa niyang kagaguhan. Kaya naman matamlay siyang humakbang,Clarity can't love him..not yet..

Pero nakakadalawang hakbang pa lang siya ng maramdaman na nakatingin sa kanya,kaya naman naalerto siya. Nilibot niya ang paningin at nahinto siya sa glass door na nasa likod ng bahay, dahil walang kahirap-hirap sa kanya na makita kung may tao doon,at meron nga. Kaya naman naging mabilis ang kilos niya, pero bago niya pa malapitan ang tao ay biglang bumukas ang pinto noon at biglang bumukas ang ilaw ng buong bahay.

Napanganga siya ng makita ang buong kapalagiran, para bang napunta siya sa ibang lugar, the garden was decorated with a electric candles with some small lights around the coconut tree, at ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang isang lamesa na may dalawang upuan. Napalunok siya,hindi niya alam kung anong irereact sa nakikita, his mind was blowing and his heart melted.

"Suprise!" Mula sa gilid niya ay lumabas si Clarity, his heart bounds like a ball. She was wearing a white floral dress at kahit halata na ang bahagyang umbok ng tyan ni Clarity ay maganda pa rin ito.

"Did you made this? All of this? " Seryoso siyang nakatitig sa mga mata nito, nawala ang mga ngiti nito at parang bigla itong nag-aalala.

"Hindi mo ba nagustuhan? Sorry, pagod ka na ba? Sige aalisin ko na lang." Halata na nataranta ito at lalapit sa lamesa pero mabilis niyang hinawakan ito sa palapulsuhan,kaya nagtatakang hinarap siya nito.

"You made it all? And you waited for how long.. " Napatitig din ito sa mga mata niya, napayuko ito but he lift her face.

"O-oo, pero nagpatulong naman ako kay Lyra at sa iba naming kaibigan, sorry, akala ko kasi magugustuhan mo to,saka naisip ko kasi mo--" He stop her by kissing her, gustong iparamdaman ni Javier kung gano siya pinasaya ni Clarity, nagwawala ang buong sistema ni Javier at talagang tumalon na ang puso niya sa galak dahil lahat ng takot at kaba niya ay nawala, nadaig pa niya ang ibang lalaki, kesa siya ang magsusuprise sa asawa ,ito pa ang sumupresa sa kanya.

Kapwa sila napapikit habang gumagalaw ang mga labi niya, kahit na hindi nagrerespond si Clarity ay ayos lang kay Javier,dahil ang gusto lang naman niya ay iparamdam kay Clarity kung gano niya kamahal ito, pero akala lang niya pala iyon dahil ang kamay ni Clarity ay napahawak na sa mga braso niya at naramdaman niya ang paghalik nito sa kanya pabalik, napahawak siya sa batok ni Clarity at tuluyan na ngang lumalim ang mga halik nila.

Kapwa habol na ang hininga ng magkahiwalay sila, at kapwang may mga ngiti na sa labi nila.

"Thank you Clarity, hindi mo lang ako pinasaya kasi pinaramdam mo pa kung gano ako kaswerte na mahalin ka, I love you Clarity. " Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis, she doesn't respond pero hindi niya hahayaan na masira ang gabi dahil ang asawa niya ang gumawa noon, he needs to made this day special.

"Oh, before I forgot.. " Natatawa na hinanap niya ang corona, at nakita niya iyon sa lapag at mabilis na kinuha iyon at pinagpag, saka bumaling sa nakangiting si Clarity, he puts it on her head ,kumabog na naman ng mabilis ang puso niya ng makita ang kabuuan ni Clarity, she was like a goddess.

"You're beautiful.. " Mahinang saad niya, nakita niya naman ang pamumula ng mukha ni Clarity.

"Thank you Javier. "

Magkahawak kamay na silang lumapit sa lamesa,pinaghila niya ito ng upuan bago siya naupo sa harapan nito.

"You cooked this?" Turo niya sa pagkaing nasa harapan nila. Tumango ito saka ngumuti na para bang nahihiya,tinikman niya iyon at masarap nga ang mga iyon.

"Nagustuhan mo ba? "

"No.. I love it, all of this I love it, because you made it all. Hindi mo pa ko mahal niyan, paano pa kaya kung mahal mo na ko,baka mas masupresa pa ko niyan. " Biro niy dito, natawa naman ito sa kanya, nakita niya na hindi nito ginalaw ang pagkain nito kaya kinuha niya iyon.

"Here, kumain ka, you should it a lot para sa inyo ito ni baby. " Hinumang niya ang kutsara na may lamang pagkain, nakita niyang sandaling natigilan si Clarity pero ngumiti ito saka isinubo iyon.
Hindi na rin maalis-alis ang ngiti sa labi ni Javier, hindi niya nga naiisip kung kelan ang huli siyang naging masaya ng ganoon, baka nga kay Clarity lang. Ngayon sigurado na si Javier, his heart was not for him anymore, dahil hawak na iyon ni Clarity.

When they both done,they talked about each others life,para tuloy silang nasa to-know-each-other stage, but they don't mind. Nagtatawanan sila at masaya sila, hindi na nga napansin ni Javier ang oras kung hindi pa niya nakitang pumungay ang mga mata ni Clarity.

"Inaantok ka na, its already 12 ,masama pa naman sayo ang magpuyat. " Tumayo na siya para lapitan ang asawa.

"Sorry, nag-enjoy kasi ako sa kwentuhan natin. " Mapupungay ang mga matang sagot nito, may kung anong humipo sa puso ni Javier, naalala niya na hinanda nga pala iyon lahat ng asawa,at naghintay pa ito sa kanya, he was blessed with his wife.

"No, I'm sorry, you waited for so long.." Ngumiti ito, he do what a husband should do, he lift her up,bahagyang nagulat si Clarity sa ginawa niyang pagbuhat dito pero ngumiti rin ng halikan niya ito sa noo.

"I carry you,sige na matulog ka na." Ngumiti ito saka pinalupot ang mga kamay sa leeg niya, akala niya ay matutulog na ito, but he frozed ng biglang iangat ni Clarity ang ulo at mabilis siyang kinantian ng halik sa mga labi ni Clarity.

Isang mabilis na halik lang iyon pero pakiramdam ni Javier ay nanlambot ang mga tuhod niya, kundi lang niya siguro buhat ang asawa baka mapaupo siya dahil sa halik na iyon.

"Dang it! " Napamura siya pero narinig niya ang mahinang tawa ni Clarity, inayos niya ang pagkakabuhat dito, nakita niya ang ngiti sa mga labi nito.

"Happy First Monthsary Javier. ." She whisper saka ito pumikit ,napatitig siya sa nakapikit ng mukha ng asawa.

"Happy monthsary sweety, I love you Clarity.. " sorry, I can't say the truth, pero ipinapangako ko, I always make you smile and happy in my arms, mahal na mahal kita. If loving you means to live behind darkness then I will stayed here.

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon