Mind Over Heart

2.3K 83 2
                                    

Napahikab siya saka napapikit na naisandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan ng sasakyan na sinasakyan nila.

"Gusto mo bang matulog?"Napadilat siya saka napabaling sa nagdridrive na si Javier,nagulat pa siya ng makita na nakatingin ito sa kanya. Bumilis naman ang tibok ng puso niya ng ngumiti ito saka ito muling bumaling sa daan.

Hindi na maintindihan ni Clarity ang sarili, noong una niyang makita ang lalaki ay nakaramdam siya ng matinding takot dito, dahil mas nakikita niya dito ang lalaking gumahasa sa kanya, pero matapos ang pag-uusap nila -isang linggo na ang nakakalipas ,pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng bangungot niya sa nangyari sa kanya, na para bang tanggap na niya ang lahat lalo na ng makita niya na may kagaya pa ni Javier, mga taong hindi siya huhusgahan ng dahil sa kanyang nakaraan.

Hindi agad sila nakapunta sa private resort dahil sa isang buong linggo na iyon ay inayos na muna ni Javier ang leave nito, at sa isang linggo na iyon, hindi makaramdam ng kahit anong lungkot si Clarity, paano ay palaging nasa tabi niya si Javier, ito na nga halos ang tumayong kuya niya dahil sa araw-araw na pagsama nito sa kanya.

Kahit na nagtataka siya dahil sa sobra nitong pag-aalaga at pagtulung ay iwinaglit na lang niya ang isipan na baka may iba pa itong pakay, mas kaya niyang itatak sa utak na naaawa sa kanya ang lalaki kaya ganon na lang ito kung tulungan siya.

"Medyo.." Sagot niya, iginilid ni Javier ang sasakyan saka siya binalingan. Patuloy lang sa pag kabog ng mabilis ang puso niya lalo na ng muling magtama ang mga mata nila.

"Sige, ibaba ko muna ang recline, para makatulog ka ng maayos." Parang may kung anong mainit na bagay ang humipo sa puso ni Clarity, hindi niya maintindihan kung bakit palagi siyang inuuna ni Javier , kung iisipin pwede na wag siyang intindihin nito dahil makakatulog naman siya kahit na nakapatong lang ang ulo sa sandalan pero,eto at talagang ibinababa pa ang upuan niya para mas makahiga siya ng maayos.

"Salamat.." Ngiti niyang saad, ngumiti ito saka muling binuhay ang makina ng sasakyan ng makitang nakaayos na siya.

Umandar na ang sasakyan ng magdesisyon siyang pumikit ,hindi na niya napansin na nakangiti siya kaya naman maya-maya ay hinatak na ri siya ng antok.
----
Napasinghap siya ng pagbaba ay ang magandang tanawin .

"Ang ganda .." Bulong niya ng makita ang kulay orange na araw, papalubog na kasi iyon na siyang nabibigay ng mas magandang tanawin sa dagat.

"Yes, it was beautiful.." Napangiting lumingon siya kay Javier, at ganon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya ng makita na nakatingin ito sa kanya. Halata naman na nagulat ito , tumikhim ito bago lumingon sa papalubog na araw, hindi niya alam kung gano siya katagal na nakatitig kay Javier.

Bakit ganto ang nararamdaman ko sayo? Hindi ko na maintindihan ang damdamin ko.

Bumaling siya sa karagatan,alam niyang ilang minuto na lang ay magdidilim na ang paligid. Sukat sa kanyang naisip ay bigla na lang siyang nakaramdam ng takot, muli niyang naalala ang gabing naganap sa hotel kaya naman napaurong siya .

"Clarity.. Hey,Clarity.." Naramdaman niya ang isang braso na humawak sa balikat niya, parang automatiko na bumalik sa kanya ang nangyari ng gabing iyon.

"T-tama na po, p-arang awa mo na! Pakawalan mo na ko!" Halos magsisigaw siya lalo na ng maramdaman ang kamay ng lalaking iyon sa braso niya.

"Clarity! Si Javier to.."

"Wag po! Tama na! Tulongan niyo ko!! Tulong !" Halos manginig siya kaya napasalampak siya sa buhanginan at pilit siyang lumalayo sa lalaki.

"Clarity! Please, si Javier to! " Wala na siyang makita maliban sa dilim.

"Pa-parang awa mo na po!" Tinulak , sinipa at kinalmot na niya ang kaharap ,pero pakiramdam niya ay walang talab iyon sa kaharap.

"Please Clarity, stop.. please.. I'm sorry.. I'm really sorry.." Naramdaman na lang ni Clarity ang pagyakap ng kaharap ,may kakaiba siyang naramdaman sa yakap ng kaharap ,kasabay ng panghihina niya ay nakita niya ang muka ng lalaking kaharap.

Vier..

----
Halos mabutas na ang punching bag na sinabit niya sa likod bahay. Doon miya ibinuhos ang lahat ng galit sa sarili.

Damn it! You an asshole! Napakagago mo Javier!

"Damn! Damn! Damn you!!" Sunod-sunod na suntok ang ginawa niya at sa huli ay isang malakas na suntok ang ibinigay niya .

"Aaaaggghhh!!!"Buong lakas ang ibinigay niya, saka naghihina na napayakap sa punching bag.

Isinubsob niya ang noo doon, at saka pumikit, bigla naman lumitaw sa balintataw niya ang umiiyak na si Clarity, kaya naman muli ay napamura siya saka sunod-sunod na sinuntok muli ang puching bag.

"Mamatay ka na!!" Isang suntok na nagpaupo sa kanya .

Mamatay ka na Javier! Your a monster!!

"Javier!" Napaangat siya ng tingin ,tumayo siya para salubingin ang kuya Jakson niya, saktong pagtayo niya ay isang malakas na suntok ang lumipad sa panga niya.

"Napakagago mo talaga!" Hindi niya ininda ang suntok ng kapatid kahit na para siyang nayanig sa pagkakasuntok nito.

"Sinabi mong aayusin mo lahat to?! Alam mong inaasahan ko na aamin ka sa kasalanan mo at haharapin ang galit ni Clarity! But what?! Nilayo mo siya para saan?! Para mapagtakpan ang kagaguhan mo? Now what?! Masaya ka na?! Congrats ! Hindi mo lang basta nasira ang pagkatao niya, dinurog mo pa siya ! She's pregnant for Pete's sake!"

Muli ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib, tama ang kuya niya, matapos kasing magpass out si Clarity, ay tinawagan niya ang nakakabatang kapatid na si Jasmine, she was a doktor kaya ito agad ang tinawagan niya. Ang hindi niya inaasahan ay kasama pala nito ang kuya Jakson nila, at ang mas nagpagimbal sa kanila ay ng sabihin ng kapatid niyang si Jasmine na buntis si Clarity. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin matapos sabihin iyon ng kapatid niya, he was confused pero sigurado siya sa isang bagay, napakasaya niya na kung hindi lang siya takot na makita ang muhi sa mga mata ni Clarity kapag nalaman nito ang katotohanan ay baka ipagsigawan niya pa na tatay na siya.

"Hayaan mo na ko kuya Jakson, alam ko kung anong ginagawa ko." Mahina niyang saad.

"No ,Javier! Hindi mo alam ang ginagawa mo. Bakit kanino mo ba siya ilayo? Sa taong gustong manakit at kumutya sa kanya?! Then think, ikaw ang taong dapat niyang iwasan at katakutan dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat! Kaya sa ayaw at gusto mo, I take her in my custody, ilalayo ko siya, lalo na sayo!" Nagpantig ang tenga niya sa sinabi ng kapatid at bigla siyang natakot sa sinabi ng kuya.

"You can't take her, buntis siya! Ako ang ama ng bata!"

"Kilala mo ko Javier, wala akong magandang dahilan na makita para ipagkatiwala ko pa sayo si Clarity." Tumalikod na ito, at hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya ,pinigilan niya sa braso ang kapatid saka ito iniharap sa kanya.

"You can't take her kuya, because.. I like her.. I started to love her.."

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon