Confession

2.2K 77 1
                                    

Tumayo na siya ng masiguro na tulog na si Clarity,  hindi niya iniwan ang dalaga hanggang sa makatulog na ito.

Pagkalabas niya ay dumiretso agad siya kung saan niya nakita na pumasok ang ama ni Clarity,at mabilis lang niya itong nakita dahil nakaupo lang ito habang nakatanaw sa may bintana.

"Magandang gabi po mang Carlo,  pwede po bang makausap kayo?" Hindi ito sumagot sa kanya kaya naman ipinagpatuloy na lang niya ang gustong sabihin.

"Gusto ko lang po siguraduhin sa inyo na hindi ko po iiwan ang anak niyo, pakakasalan ko po siya at aalagaa ko po ang magiging pamilya ko." Puno ng kumpiyansa niyang saad.

"Kaya po sana matanggap niyo po ako, sana po ibigay niyo po ang blessing na kaylangan namin ni Clarity." Alam niyang totoo ang mga sinabi niya sa matanda kaya naman talagang umaasa siya na papayag ito. Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila hindi pa rin lumilingon sa kanya ang matanda.

"Mahal mo ba si Clarity?" Natigilan siya s tanong matanda,saka ito lumingon at halata na hinihintay ang sagot niya.

"Mahal mo ba ang anak ko ?"

"Opo." Sa pangalawang tanong nito ay mabilis na siyang sumagot,pinakatitigan siya ng matanda at hindi naman niya iniiwas ang mga mata. Gusto niyang patunayan na maganda talaga ang hangarin niya para kay Clarity.

"Nasasaktan ako dahil mas nauna pa na magdalang tao ang anak ko kesa magpakasal siya. " Saka tumingin muli sa bintana.

"Alam ko po na mali kami, pero m-mahal ko po ang anak niyo, handa po akong patunayan na m-mahal ko siya. " Hindi niya maintindihan kung bakit ganon kabilis ang tibok ng puso niya sa tuwing sinasabi ang salitang mahal  sa harapan ng ama ni Clarity, para bang gusto niyang maniwala ito sa kanya.

"Wala ka namang dapat patunayan. "

"Po? " Naguluhan naman siya sa sinabi nito.

"Alam kong mahal mo ang anak ko, dahil kung hindi, kanina pa lang matapos kong ipakita ang disgusto ko sa kasal niyo, dapat ay sumuko ka na pero nandito ka pa rin para kumbinsihin ako. Kaya alam ko,  nararamdaman ko na pursigido ka talaga sa anak ko,  pero tata tatanungin kita ulit, mahal mo ba talaga ang anak ko? "

"Opo,mahal ko siya. Mahal ko si Clarity ." Hindi na siya nagdalawang isip dahil na para bang iyon talaga ang gustong sabihin ng puso niya .

"Kung ganon, wala na kong magagawa.  Oo nabigla ako, pero kayo pa rin ang magdedesisyon para sa mga buhay niyo. Mahal ko si Clarity at kung talagang mahal niyo ang isa't-isa, sige pumapayag na ko. " Napangiti siya sa sinabi ni mang Carlo.

"Salamat po mang Carlo. " Ngumiti ito saka lumapit sa kanya.

"Tay na lang, magiging anak naman kita. " Mas lumawak naman ang ngiti niya, may kumislot na saya sa puso niya. Akala niya ay mahihirapan sila ni Clarity sa mga magulang nito pero talaga yatang nasa panig niya ang tadhana dahil nawala na ang galit ng ama ni Clarity.

"Salamat Tay. "

"Basta para sa anak ko. " Nakangiti na nitong sagot.

This will be the start, para ipakita ko na nagsisisi ako sa nagawa ko sayo Clarity.
---
Masaya si Clarity ng makausap ang mga magulang ,dahil pumayag na ang mga ito na ikasal siya kay Javier. Hindi rin siya makapaniwala na magiging close pa ang ama niya kay Javier matapos ang nangyari kahapon, kaya naman ang saya ni Clarity ay tumatagos hanggang sa puso niya.

Ngayon ay pabalik na sila sa manila, sa susunod na buwan na ang kasal kaya naman susunod na lang daw ang mga magulang at ilang kamag-anak niya para sa kasal. Nasa kotse sila ni Javier,pareho silang tahimik pero halata na masaya ito dahil maayos na natanggap na ito ng ama niya.

"Vier.." Nagdridrive na ito along there way pa-manila. Lumingon ito pero sandali lang.

"Bakit? "

"Salamat dahil hindi ka sumuko kay tatay. Alam ko naitanong ko na to,pero bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito? " Napansin niya na natigilan ito at parang naging unease.  Hindi to kumibo pero napansin niyang dumiin ang hawak nito sa manibela.

"Javier? Ok ka lang ba? " Napansin niya na lumiko ito saka itinabi ang kotse. Nilingon siya nito at ganon na lang ang pagkabog ng puso niya ng magtama ang mga mata nila. Nakita niya ang pagbuka pero sinara rin nito ang mga labi, napansin niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito, para bang may gusto itong sabihin. 

Kaya naman kahit naghahati ang kalooban at isip niya sa gagawin ay inabot niya ang kamay ng lalaki, nakita niya ang pagkagulat nito ng hawakan niya iyon, pero mas nagtaka siya dahil malamig ang palad ng lalaki .

"Javier, kung may problema o may bumabagabag sayo tungkol sa gagawin natin pwede mo naman sabihin.  Ayaw mo ng ituloy to, o-ok lang sakin. " Pero hindi totoo iyon dahil sa ilang linggo nilang magkasama at sa nakita niyang pagpupursigi nito sa kanya para mawala ang takot niya at para makausap niya ang mga magulang sa tulong ng lalaki, alam ni Clarity, may malaking parte sa puso niya ang umaasa na sana hindi ito umurong .

"Hindi ko na kaya.." Para may kirot na naramdaman siya ng sabihin iyon ni Javier,para kasing pinalalabas nito na hindi na nito kaya ang ginagawa,at hindi niya ito masisisi,sino ba naman ang tatagal sa babaeng kagaya niya? Narape lang at ngayon ay buntis pa.

"G-ganon ba? S-sige kung ganon, pwede ka naman nang tumigil,ako ng bahalang magsabi ng totoo kila tatay at nanay." Binitawan na niya ang kamay nito saka tumingin ng tuwid sa bintana,ayaw niyang makita nito ang sakit na nararamdaman niya, baka kaawaan na naman siya nito kagaya ng una kaya nga ito nagpresinta na maging asawa niya at ama ng pinagbubuntis niya dahil sa awa.

"No..  " Mabilis siyang napabaling kay Javier, at muling bumilis ang tibok ng puso niya ng ito naman ang humawak sa kamay niya saka matama siyang tinitigan, ibubuka pa lang niya ang bibig ng magsalita ito muli. 

"Hindi ko na kayang magsinungaling sayo Clarity, ginawa ko ang lahat ng ito, d-dahil.." Parang nahihirapan ito ,dahil napapikit saka muling dumilat at tinitigan siya sa mata ng punong-puno ng emosyon.

"Clarity, mahal na yata kita.. "  Pakiramdam ni Clarity ay tumalon ang puso niya ,at hindi pa siya nakakahumang ng magsalita ito muli .

"I started falling in love with you.. "

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon