Napabaling si Clarity sa pintuan ng marinig ang tatlong sunud-sunod na pagtunog ng doorbell, mabilis siyang lumabas para tignan kung sino ang tao sa labas. Napakunot noo siya ng makita ang isang lalaki na nakatalikod mula sa gate, kaya naman paglapit niya ay bahagya pa siyang nagulat ng humarap ito.
"Kuya Jackson! pasok ka kuya. " Pinuksan niya ang gate,nakangiti naman itong pumasok, sabay na rin silang pumasok sa loob ng bahay.
"Where's Javier? Nandito ba siya? " Nilibot nito ang mata sa buong sala.
"Wala po siya kuya, tumawag si Eman kaya maaga siyang umalis. Teka, gusto po ba ng juice or coffe? " Nakita niyang sandaling dumako ang mata nito sa wedding picture nila ni Javier na nasa sala ,bago lumingon, he smile in her, so smile back.
"No,thanks sandali lang ako. Ibibigay ko lang sana ang mga ito. " Napatingin siya sa hawak nito, isa iyong brown envelope.
"Pwedeng ako na lang po ang magbigay. " Nakita niya na mas lumawak ang ngiti nito.
"Really? " Itinaas nito ang envelope saka iyon ipinalopalo iyon sa palad nito, hindi naman niya maiwasan mahiwagaan sa ngiti ng lalaki.
"Oo kuya, iaabot ko na lang sa kanya. "
"Ok. " Kibit balikat nito saka inabot iyon, bahagya niyang nakapa ang laman noon, para bang mga papeles iyon. Tumingin ito sa relo nito saka bumaling sa kanya. "I need to go. "
Ibinababa niya muna iyon sa center table.
"Sige po kuya, ako na pong bahala. " Nauna na itong lumabas ng bahay, hinatid niya ang kapatid ng asawa hanggang sa labas ng gate.
"Sige una na ko, take care Clarity." Nakangiting turan nito,ngumiti siya dito.
"Kayo rin po kuya ,mag-iingat po kayo. " Tumango ito saka sumakay ng sariling sasakyan, siya naman ay papasok na ng muli siyang tawagin nito .
"Clarity." Lumingon siya dito na nakasilip sa bintana ng kotse nito.
"Bakit kuya?" Nakita niya na naging seryoso ang itsura nito.
"About the envelope, I don't know if you should know this, but I think you have the right to know what was inside of it.. "
"Ha? " matama siyang tinitigan nito, at para namang kinabahan si Clarity.
"Its about your case, tungkol iyon sa tunay na gumahasa sayo. " Tuluyan na ngang bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig iyon,hindi niya alam ang sasabihin at mukhang napansin naman iyon ng lalaki. "Sorry,kung nagulat ka, but if you want to know who it was then I allowing you to open it, I need to go. Take care of yourself Clarity, specialy,sa mga taong nakapaligid sayo."
Hindi na napakinggan ni Clarity ang sinabi nito dahil mas natuon ang isip niya sa laman ng envelope ,kaya naman diretso siyang pumasok sa loob ng bahay at mabilis na napatingin siya sa center table kung saan nakalagay ang envelope na sinasabi ni Jackson.
Nanginginig ang kamay ni Clarity ng abutin iyon, saka dahan-dahan niya iyong binuksan, walang marinig na iba si Clarity kundi ang mabilis na kabog ng puso niya, hindi niya maintindihan ang sarili, kung bakit natatakot siyang malaman ang totoo saka niya biglang naisip si Javier, bakit ganon? Bakit pakiramdam niya ,may kinalaman ang lahat dito? Bakit wala pa siyang nakikita nasasaktan na siya? Nawawala na ba siya sa sarili? Maniniwala ba siya sa nararamdaman?
Hindi na niya napigilan ang mga luha ng tuluyan na niyang na ilabas ang laman noon, napigil niya ang paghinga saka dahan-dahang napaupo sa couch. Napakurap-kurap siya ng makita iyon,kahit hilam ang mga mata sa mga luha ay malinaw na malinaw ang nakikita niya,hindi iyon mga papeles,mga litrato iyon. Mga kuha matapos niyang pumasok at lumabas sa silid na iyon pati ang nag-iisang lalaking halos kasunod lang niyang lumabas noon matapos ang nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
When He Fall.
RomanceJavier Montegredo, he was rich and a man with a dignity, pero halos madurog ang puso niya ng maaktuhan ang panloloko ng sariling karelasyon. He never know what was wrong with him, he drunk that he wanted to forget everything,pero ang galit at sakit...