Napatayo si Javier habang nagbabasa ng mga reports nila,napamura pa siya ng mahina. Hindi naman iyon nakaligtas sa mga kasamahan niya sa trabaho.
"Chief may problema? " Napabaling siya kay Paul, nakaupo ito sa mesa nito habang tambak ang reports na gagawin nito, nakita naman niya si Eman na nakatayo sa harapan nito at nakangisi ito ng kakaiba.
"Nothing.. " Pero sa totoo lang ay nababagabag na siya sa hindi dahil sa reports kundi dahil ng maalala kung anong araw na.
"Diba isang buwan na simula ng kasal niyo ni Clarity? " Napamura siya ng sunod-sunod ng mismong si Eman ang magsabi noon. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Paul,saka parang siya binalingan.
"Oo nga no! Naku chief ,yari ka sa misis mo, kinalimutan mo yung monthsary niyo ng asawa mo. Alam mo ba yung mga eksenang pag-uwi mo sa bahay mo paniguradong babatuhin ka ng mga plato. Chief humanda ka ng magpakastap man, pati armaliteng misis mo panigurado tadtad ka." Sabay halakhak nito,pati si Eman ay ngumisi sa kanya samantalang siya ay lihim na napalunok, baka iyon ang dahilan kaya kanina ay wala ito sa mood dahil hindi niya nabati ito at dinadahilan ng asawa ang pagbubuntis.
Damn! Maybe I was pissed her.
Napamura na naman siya at talagang tinawanan siya ng mga kasama ,binigyan niya ang mga ito ng masamang tingin .
"Kung ayaw niyong dagdagan ko yang ireports niyo magsitahimik kayo. " Pero kesa matakot ang dalawa ay mas humalagpak ng tawa. Tumigil ang mga ito sa pagtawa saka mga nakangising bumaling sa kanya.
"Umuwi ka na bro, late na bumawi ka sa asawa mo,wag kang magpaka cinderella ,tignan mo 11 na." Tinuro nito ang orasan, sa office nila. Kung kanina mahinang mura lang ngayon ay malakas na iyon.
"Dang it! Bakit hindi niyo sinabi na sobrang gabi na pala? "
"Chief naman, alam mo naman ikaw nga lang ang hinihintay namin magpauwi. " Natatawang saad ni Paul, nilinis na niya ang table saka kinuha ang mga gamit pati ang black jacket niya. Hindi na siya nakapagpaalam sa dalawa, dahil baka nga ngayon ay hinihintay siya ni Clarity at worst baka nga maransanan niya ang word war 1.
"Arrr! You promised to be a good husband tapos ngayon kinalimutan mo ang unang buwan niyo bilang mag-asawa, dang it! "
Mabilis siyang nakasakay sa sasakyan para ngang gusto niya ng iuntog ang ulo sa mabinebela.
Where I can buy a flower this late night?
He frustrated groans, buti na nga lang at walang masyadong traffic ,kaya baka within 20 minutes ay makauwi siya.
"Ano bang pwede kong ibigay kay Clarity? No flowers? What a great month for me! " Pero maya-maya ay bumagal ang pagpapandar niya ng makita niya ang isang side walk vendor, huminto siya mismo sa harapan ng tindahan nito.
Bumababa siya at nakangiti na binati siya ng tindera .
"Magandang gabi sir,baka gusto niyo ng mga corona na bulaklak,magaganda po yan pwede pong ipanligaro sa girlfriend niyo." Napatingin siya sa matanda saka bumaling sa mga tinda nitong bulaklak, magaganda ang pagkakagawa ng mga iyon, hugis bilog ang mga plastick na bulaklak at makukulay ang mga iyon, bagay iyon sa mga Anghel kagaya ng asawa niya, napangiti siya na kumuha ng isa.
"Manang,magkano po ang isang ito? " Nakita niya kung pano nagislap ang mata ng matanda.
"Iyan ba? 200 lan yan. Ang galing mo namang mamili,alam mo bang gawa yan ng apo ko. " Napangiti naman siya ng makita ang admiration sa mukha ng matanda . Dinukot niya ang wallet sa bulsa saka mabilis na naglabas ng 500 na buo.
"Ito manang."
"Ay sir,wala akong ipanunukli,iyan pa lang po kasi ang benta ko ngayon ." Natigilan naman siya,saka napabaling sa maliit na tabing-tabing sa gilid ng ginang.
"Ganon po ba,sige sainyo na rin po ang sukli." Nakita niya ang galak sa mukha ng ginang.
"Talaga sir? Naku,salamat po. Makakain na rin ang mga apo ko ,natulog na nga lang po sila kahit na nagugutom . Salamat talaga." May kung anong awa na naramdaman si Javier kaya naman dumukot pa siya ng 1000 at saka iniabot iyon sa matanda.
"Iyan manang,idagdag niyo pa po. " Parang namang maiiyak ang matanda.
"Maraming salamat po talaga sir! Naku, matutuwa ang mga apo ko nito , eto sir, sainyo na po ang lahat ng paninda ko. "
"Hindi na po manang, ilako niyo na lang po ang mga iyan, para pandagdag sa pagkain ng mga apo niyo. " Mas lumawak ang ngiti ng matanda.
"Napakabuti mo namang tao,maswerte ang girlfriend mo sayo ." Ngumiti siya dito saka naalala ang asawa.
"Wala po akong girlfriend, asawa po meron,saka ako nga po ang swerte sa kanya." Halatang nagulat ang ginang pero ngumiti na.
"Alam mo hijo, kitang-kita ko na mahal mo ang asawa mo at alam ko mahal ka din niya, ipinagdadasal ko na kung ano mangpagsubok na dumating sa inyo ay malagpasan niyo, basta tatandaan mo hijo,wag na wag mong hahayaan na masira kayo ng asawa mo dahil sa isang kasinungalingan, dahil kailangan sa isang relasyon ang tiwala at pagpapahalaga kaya kung mahal niyo talaga ang isa't-isa hanggat maari wag kayong magkikimkim ng sekreto ,dahil kahit sa ikabubuti iyon ng pagsasama niyo ang dahilan kung bakit k nagsinungaling ,tandaan mo,ang kasinungalingan ay kasinungalingan at kahit kelan hindi naging tama ang pagsisinungaling at kahit kelan ang kaligayahan na nagmula sa isang kasinungalingan ay hindi nagtatagal."
Natigilan si Javier ,at para bang tinamaan siya sa sinabi ng matanda,kaya naman nagpaalam siya dito na kahit nakangiti siya ay matindi naman ang sundot ng konsensiya niya . Nagdridrive siya pero ang isip niya ay sa sinabi ng ginang,napatingin siya sa corona saka biglang naisip ang kanyang asawa.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin..
BINABASA MO ANG
When He Fall.
RomanceJavier Montegredo, he was rich and a man with a dignity, pero halos madurog ang puso niya ng maaktuhan ang panloloko ng sariling karelasyon. He never know what was wrong with him, he drunk that he wanted to forget everything,pero ang galit at sakit...