Confidential

2.1K 81 0
                                    

Walang sinayang na panahon ang mga magulang ni Javier, nagtulong-tulong ang lahat para sa kasal nito at ni Clarity. Halata naman sa mukha ng mga magulang ni Clarity ang kasiyahan sa tuwing makikita kung pano pinapatunayan ni Javier ang layunin para sa anak nila.  Kaya ng sumapit ang kasal lahat ay masaya at manghang-mangha sa engrandeng kasal sa isang kilalang simbahan,  pati ang reception ay engrande na ginanap sa hotel ng pinsan niyang si Lyra.

Walang makakapagsabi na hindi nagmamahalan ang dalawa dahil base sa mga ikinikilos ,sa kislap ng mga mata at sa mga ngiti sa labi, kitang kita ng mga guest ng kasal ang kasiyahan sa mukha ng bagong kasal na sila Clarity at Javier,  pero sa likod ng mga masasayang ngiti ng guest at ng mga bagong kasal ay may dalawang tao na hindi alam kung paniniwalaan  ba ang ginagawa ni Javier,  lalo na at alam nila ang dahilan nito kung bakit biglaan nagpakasal ang lalaki kay Clarity.

"Matigas talaga ang ulo ni Javier,  hindi talaga siya matututo. " Napapailing na sabi ni Jackson habang pinapanuod ang mag-asawa na ngayon ay nagsasayaw sa harapan ng mga guest, kaharap naman nito ang lalaking katrabaho at kaibigan ni Javier, si Eman.

"Anong balak mo?  Ibubuko mo ba ang sarili mong kapatid? " Tanong nito saka ininom ang wine na hawak, ngumiti naman si Jackson pero ang ngiti nito ay para bang nakakakilabot .

"Hindi pa ngayon, hahayaan ko muna sila. Mas matagal hinuhukay ,mas lumalalim ,lets the heat become fire. " Napailing-iling naman si Eman saka tinuon ang mga mata sa bagong kasal, hindi niya alam kung bakit kaylangan na magsinungaling pa ang kaibigan sa kanya, hindi naman siya isang NBI para sa wala,syempre ay ginagamit niya iyon lalo na sa paligid niya. Kagaya na lang sa kaso ni Clarity, he saw a holes,hindi isa o dalawa kundi sandamakmak na butas sa kaso ng dalaga kaya naman he secretly investigate at ni walang kahirap-hirap niyang nagawa iyon dahil sa kapatid ng kaibigan.

Now what will you gonna do Javier? Makikipaglaro kaba sa apoy o tatalon sa hukay?

--
Walang masama sa bagay na alam mong totoo kaya mo sinabi o ginawa.

Oo, umamin siya kay Clarity, dahil iyon naman ang totoo na baka mahal na niya ang babae o baka nakokonsensiya lang siya sa kasalanan niya?  Pero bakit natatakot siyang kapagnalaman na nito ang lahat ay kamuhian siya at bakit natatakot siyang baka iwan siya nito.

May kirot siyang naramdaman nang maiisip ang lahat ng iyon, pero nawala lahat ng iyon ng makita niya si Clarity na kausap ang mga magulang nito. Hindi niya napansin na napangiti na pala siya habang tanaw ang asawa, a warm touch flow in his heart when he was realized there status 'mag-asawa' na sila.

"Javier. " Napalingon siya sa tumawag sa kanya, si Eman.  " Congrats. "

Nakipagkamay ito sa kanya, malawak ang ngiting tinanggap niya iyon.

"Salamat. "

"Pano ba yan? Sakal ka na -ay mali,  kasal pala. " Nagtawanan pa silang dalawa dahil sa biro nito.

"Magpakasal ka na rin. " Biro niya dito, umiling naman ito .

"Hindi pa pwede,  kulang pa ang ipon ko, pero kung sagot mo ,aba'y sige magpapakasal agad ako. "

"Loko- loko. " Naiiling niyang bati, binalingan niya muli ang asawa na ngayon ay nakaupo na sa mesa ng mga magulang nito.

"Javier. " Binalingan niya ito,  kapwa silang nakahalukipkip habang nakatanaw rin pala ito sa tinitignan niya.

"Bakit? " Binalingan niya muli ang asawa, mas gumagaan kasi ang pakiramdam niya kapagnakikita ito.

"Tungkol kay Clarity, bakit nagpakasal ka sa kanya?  Diba hindi mo naman anak yung pinagbubuntis niya, saka imposible na ikaw ang gumahasa sa kanya,diba nakakulong na yun? Kaya curious lang ako bakit mo pinakasalan." Pakiramdam ni Javier ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa tanong ng kaibigan. Oo nga pala,maliban sa kapatid at kay Lyra, alam ng team niya ang kaso ng dalaga. Hindi niya alam pero parang bigla siyang pinagpawisan ng malamig dahil baka magkamali siya ng isagot sa kaibigan,  alam niya kung pano tumakbo ang utak ng isang NBI at base sa tono ni Eman, para itong nag-iimbestiga ng isang bagay.

Tumikhim siya saka tumawid ng tayo,hindi siya pwedeng paghinalaan ng kaibigan, hindi siya takot kung malaman nito o o kahit ng makulong, pero..  Napatingin siya kay Clarity, kapag nalaman ni Eman ang lahat kahit magkaibigan sila, paiiralin nito ang batas at natatakot siya kapag nalaman iyon ni Clarity ,baka hindi basta galit ang matanggap niya baka makipaghiwalay pa ito at iwan siya.

"Your interrogating me SPO 2?"
He hears Eman chuckled.

"Ano ka ba bro,  nagtatanong lang,  you can offer her a help or even expenses, but marrying that kind of girl,  nah, I bet. " Napatiimbagang si Javier dahil sa sinabi ni Eman, para kasi nitong minamaliit ang asawa niya,matalim ang mga tingin na binalingan niya ito.

"Don't call my wife like that, hindi siya basta ganon, ikaw ang dapat ang nakakaalam na hindi niya ginusto iyon. Watch your word Eman, asawa ko ang pinag-uusapan." May diin nang sagot niya dito, bumaling ito sa kanya kahit na nakangisi ay parang may kakaiba sa mga mata nito.

"Mahal mo siya kung ganon, how about her? Do you think she still love you after she knew what was inside your pockets?"

"Anong sinasabi mo Eman?" Tinitigan niya ng matalim ang kaibigan, ngayon pa lang ay nakikita niyang may alam ito ,hindi maglalakas loob ang kaibigan niyang magsalita ng mga ganoon kung walang alam ito.

"Nothing, ikaw lang naman ang nag-iisip diyan." Ngisi nito saka mahinang pinalo palo nito ang braso niya. " come on bro, its your wedding day, stop being crumpy . Look your wife was looking at here." Pinakatitigan niya si Eman bago binalingan ang asawa, at tama nga ito na nakatingin ito sa kanila,  parang nabura ang lahat ng nasa isip niya ng kumaway ito at ngumiti.

He was unconscious smiling and waved back at her, kundi pa tumikhim si Eman ay di pa niya maalala ang kaibigan.

"I better go,  just enjoy your wedding bro. Gaya ng sabi ko sayo,  itago mo ang dapat itago,  wag lang basta ilagay sa bulsa baka mamaya madukot yan at baka ang magnanakaw pa ang maglantad. " Naglakad na ito paalis pero nagngangalit naman ang kalooban niya.  He feels it Eman knew something.

I need to find it out!

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon