Secret Agenda

2.4K 88 2
                                        

Nakita niya ang gulat sa mukha ni Clarity ng mabungaran siya nito. Umaga na kasing nagising ang babae, kaya pinilit niya na siya na lang ang magdala ng pagkain para dito.

"Good morning Clarity." Ngumiti siya sa babae, sandaling hindi nakakibo ito.

"G-good morning Vier." Nag-iwas ito ng paningin. Inayos na niya ang mga almusal nito, siya na rin ang bumili ng mga iyon, kahit nga sinugest ng pinsan na sila na ang bahala kay Clarity ay hindi siya pumayag, mas gusto niyang siya ang magsilbi sa babae.

"Kamusta ka na ? " Matapos niyang iayos ang almusal nito ay inilagay niya  yon sa gilid ng bed side table ni Clarity .

"Mamaayos naman ako, pasensiya na sa inasal ko kahapon. S-salamat din pala."

"Its fine, basta wag mo ng isipin ang bagay na kagaya non. .." Napatingin sa kanya si Clarity, may kung ano siyang nakitang kislap sa mga mata nito , at hindi niya naintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

"Sorry po talaga."

Automatikong kinuha niya ang kutsa sa side table saka inumang iyon sa labi ni Clarity, kapwa sila natigilan ng mapansin niya ang ginagawa.

Tumikhim siya saka binitawan ang kutsara.

"Sorry, I thought kaylangan mong tulong." Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nahiya.

Seriously Javier?! Anong nangyayari sayo? !

Singhal ng isa sa bahagi ng utak niya.

"Ok lang kaya ko naman po." Saka umayos ng pagkakasandal si Clarity sa headboard, pinigil niya ang sarili na tulungan ito pero iniabot niya ang pagkain dito

"Kumain ka lang para naman maging maayos ang kalagayan mo."

Tumango ito saka sinimulan ang pagkain. Bumalik siya sa sofa kung saan natatanaw niya si Clarity, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganon kalakas ang attraction niya sa babae, para bang gusto niya itong alagaan at protektahan.

Because your guilty! Isa kang rapist at nakokonsiya ka sa ginawa mo.

Napamura siya ng mahina dahil sa naiisip.

"Damn it.."

"Ha? Ano po yun ?"

"Nothing, sige ipagpatuloy mo lang ang pagkain." Tumango naman si Clarity, habang tinitigan niya ang babae ay may kakaiba namang parang nabubuhay sa kalooban niya lalo na ng makititigan ang maganda nitong mukha. Hindi niya na nga alam kung gano siya katagal nakatitig sa babae , habang tumatagal ay parang gusto niya itong lapitan at hawakan, ipinilig niya ang ulo saka muling tinignan si Clarity at kasabay ng isang idea na pumasok sa utak niya, nilapitan niya ito.

"Clarity.." Tumingala ito para salubingin ang tingin niya.

"Bakit po?"

"Alam ko natatakot ka sakin, pero since your under in my guard now. Gusto ko sana na isama ka sa isang private resort ko, don't worry may makakasama tayo dun. I just want to make sure na hindi mo nagagawin ang ginawa mo kahapon." Nakita niya na natigilan ang babae , abot abot ang hiling niya na sana ay pumayag ito.

"Hindi ko naman uulitin iyon Vier." Mahinang bulong nito, napabuntong hininga siya saka umupo sa gilid ng higaan nito. Pinakiramdaman niya ang magiging reaksyon ng katawan ni Clarity, at may kung anong tuwa siyang naramdaman na hindi na ito nanginginig sa tuwing magkakalapit ang katawan nila.

"I just want to help you, kaya please ,pumayag ka na." Malumay na pakiusap niya, saka hinawakan ang isang kamay nito. Napakislot ito saka napabaling sa kanya, para naman siyang nalunod sa bilog at itim na itim nitong mata, napakaganda ng mga iyon.

"Bakit niyo po ginagawa to?" Natigilan siya sa tanong nito.

Bakit nga ba? Dahil ba sa nakokonsensiya ako?

Kahit siya ay walang makuhang sagot sa katanungan na iyon,kaya naman na patitig siya kay Clarity .

"Kaylangan bang magkaroon ng dahilan ang pagtulong sa isang tao ? Gusto ko lang makalimutan mo ang naganap sayo, I just want you to build a new memories." Nakita niya ang pagdadalawang isip ni Clarity, kaya naman napahigpit ang hawak niya sa kamay nito.

"Si-sige, sasama ako." Sukat sa sinagot nito ay para siyang nabunutan ng tinik.

"Good,kung ganon ipapahanda ko na ang resort pati ang mga gamit mo." Hindi niya mabigilan ang sumilay na ngiti sa kanya.

Kinuha niya ang plato na nasa hita ni Clarity saka inabutan ito ng isang bottled mineral na binuksan na rin niya.

"Here drink it."Kinuha naman iyon ni Clarity, hindi na mawala-wala sa labi niya ang ngiti niya.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit para siyang biglang sumigla ng pumayag ito.

You like her, Isn't?

Nagulat siya sa naiisip kaya mabilis niyang kinotra iyon.

No! I just can't stand seeing her like this, because I was guilty.

Pangongontra niya.

Then you can't hide it, walang sikreto ang hindi na bubunyag Javier.

Gusto niyang iuntog ang ulo, pero pinigil niya ang sarili .

"Vier." Napabaling siya kay Clarity.

"Yes, I'm sorry, May sinasabi ka ba?"

Nakita niya na ang pag-aalinlangan sa mata ni Clarity kaya pinisil niya ang kamay nito na hawak niya.

"Say it, makikinig ako." Pang-eencourage niya.

"Pano kung sabihin ko na ,ni isa sa mga nakakulong na taong hinuli niyo, hindi ko matukoy kung sino ang may gawa sakin nito, at hindi ko maramdaman . " Para siyang bibuhusan ng malamig na tubig ng marinig iyon kay Clarity.

"Anong ibig mong sabihin?" Pinilit niyang matago ang kaba.

"Pakiramdam ko kasi wala kahit isa sakanila ang taong gumawa sakin noon." Lumuwag ang pagkakahawak niya kay Clarity, hindi na rin siya makatingin dito, kaya tumayo siya at nagkunwari na aayusin ang pinagkainan nito.

"Pasensiya ka na, pero wala na kaming ibang suspect sa nangyari sayo, maliban sa kanila."

Lier!

Sigaw ng isang bahagi ng utak niya, lihim na patiim bagang siya, alam niyang hindi siya mapapatawad ni Clarity kapagnalaman nito ang totoo.

"Ganon ba? Pero gusto ko lang makita ang katawan nila." Natigilan siya saka napabaling kay Clarity.

"Para saan ?" Takang tanong niya , lumingon ito sa kanya.

"Naalala ko, nasugatan ko ang likod niya at katawan dahil sa panlalaban ko, baka matrace ko kung sino sa kanila ang gumawa sakin nito." Bigla siyang napahawak sa mangas ng long-sleve na polong suot, saka ibinababa iyong hanggang siko.

"Pwede nating icheck pero, posible na wala na rin iyon dahil isang buwan na ang lumipas." Nakita niya na bahagyang nalungkot ito kaya muli ay napamura siya sa sarili.

Damn you! Bakit hindi mo aminin ang totoo sa kanya? Saan ka totoong natatakot ? Namasira ang reputasyon mo o ang kamuhian ka ni Clarity?!

"Isang buwan na pala ang nakalipas, pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat ." Nanikip ang dibdib ni Javier ng makita ang mga luhang naglandas sa pisngi ni Clarity, kaya hindi niya napigil ang sarili ay hinawakab niya sa pisngi ang dalaga at pinunasan ang mga luha nito ng hinlalaki.

"Shh,wag ka ng umiyak. We're here for you, I'm here for you.." Bulong niya dito, pilit na ngiti ang isinukli nito sa kanya.

I will do anything ,hindi para mapatawad mo ko. Kundi para mapasaya kita sa bawat oras.

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon