Dalawang araw na simula ng maging maayos ang lahat, they talk to kuya Jackson at pati kay Eman,hindi na nga lang nila nakaharap si Zelle ,dahil ayon sa doktor nito. She still obsessed to Javier at hindi maganda kung makikita sila nito.
Clarity was sad about the news, dahil kahit na ito ang mas may malaking parte kung bakit nawala ang anak nila ni Javier, still she was not that bad ,hindi ito mamahalin ni Javier noon kung hindi mabuting tao ito.
Napabuntong hininga na lang siya matapos maisip ang babae. Nasa balcony siya ng kuwarto nila ni Javier..
"Ang lalim naman , may problema ka ba? " Napabaling siya sa asawa niya, inakbayan siya nito saka hinalikan ng mabilis sa labi. Kaya naman parang nakipagkarera ang puso niya sa bilis, ngumiti siya dito.
"Wala naman, naawa lang ako kay Zelle ." Nakita niya na nalungkot din ang asawa niya.
"Alam ko,but I know she was a fighter, alam ko dadating ang panahon,babalik ang Zelle na nakilala ko noon."
"Sana maging maayos siya at sana paggumaling na siya, she will also find her happiness. " Nakangiti niyang saad, nakita niya ang paglambot ng expression ng asawa. Hinawakan siya nito sa mga balikat saka iniharap siya nito, saka matama siyang tinitigan ,muli ay parang gustong lumabas ng puso niya dahil sa bilis ng tibok noon.
"I don't know if I'm lucky or you are just a blessing? Or both? "
"Ha? " Naguguluhang tanong niya sa asawa.
"I was lucky to have you, tas madalas pa ikaw pa ang nagiging blessing sakin, you always show me what should I act or say in every worst situation. Seriously, hon ,mabait ka lang ba o baka anghel ka talaga? " Natawa naman siya sa sinabi ni Javier.
"Tao lang ako at mahal lang kita. " Biro niya dito, nakita niya naman ang pagkinang ng mga mata nito at ang pagngiti nito ng malawak saka ikinulong nito ang mukha niya ,saka siya hinalikan .
It just a quick kiss but her heart race para bang sasabog na iyon sa sobrang kilig.
"I love you too Clarity, at kagaya ng ipingako ko . I will make you happy.."
Nagkangitian sila at muli ay isang matamis na halik ang pinagsaluhan nilang dalawa.
---
Matinding kaba ang nararamdaman ni Clarity,paano ay sinundo siya ni Eman at sinabi na ang asawa niyang si Javier ay nasa ospital, kung bakit ay hindi na niya naintindihan dahil sa sobrang nataranta siya ."Eman, please pakibilisan mo naman. " Naluluha na niyang pakiusap sa lalaki, nakita naman niya na kalmado lang ito.
"Clarity, pwede bang huminahon ka, baka naman ikaw ang maospital sa sobrang nerbiyos mo. Makakarating tayo doon, ng smooth and clear. " Mas lalo lang siyang naiyak paano ay talagang binagalan pa nito ang pagdridrive, akala niya ba ay nasa ospital ang asawa niya bakit ang bagal naman magmaneho ng lalaking to.
"Eman! Please! Kaylangan ako ni Javier. "
"Aish ang gagong iyon! Sige na bibilisan ko na, tumahan ka na. " Binilisan na nga nito ang pagdridrive kaya tumigil na rin siya sa pag-iyak pero abot abot ang dasal niya sana ay maayos lang si Javier.
"Nandito na tayo. " Pagkasabi ni Eman noon, ay mabilis siyang bumababa pero natigilan siya dahil hindi naman iyon ospital. Isa iyong restaurant, pero ang sabi ni Eman ay ospital, naguguluhan na binalingan niya ang sasakyan pero mabilis na umalis iyon sa harapan niya.
"Eman! " Pero deretso lang iyong umalis, naiiyak na naman siya, pinagloloko ba siya ng mga to?!
Kaya naman mabilis siyang pumasok sa loob ng restaurant at ni wala siyang makita kahit isa.
BINABASA MO ANG
When He Fall.
RomanceJavier Montegredo, he was rich and a man with a dignity, pero halos madurog ang puso niya ng maaktuhan ang panloloko ng sariling karelasyon. He never know what was wrong with him, he drunk that he wanted to forget everything,pero ang galit at sakit...