Ganon na lang kabilis ang tibok ng puso ni Clarity ng makita si Javier. Hindi niya alam kung kaya niya pang tignan ang lalaki o hindi, lalo na ngayon na sa kalagayan niya. Ayaw niyang makita na pandirihan siya ni Javier, pero ayaw naman din niyang maramdaman ng nasa sinapupunan niya na hindi niya ito tanggap. Magsisinungaling siya kung hindi niya aaminin na sandaling ginusto niyang mawala ang nasa sinapupunan niya pero nagbago ang lahat ng maalala ang ang sinabi ng kanya ni Lyra.
Everything happen for reason..
Napahawak siya sa impis na puson, wala siyang karapatan para magalit sa maliit na buhay na iyon, dahil kagaya niya wala itong malay sa nangyari sa kanya.
Ipinapangako ko ,mas magiging matatag ako para sayo. Hindi ko ipaparamdam ang bagay na nararamdaman ko ngayon, kasi anak kita .
Kahit papano ay gumaan ang kalooban niya, pinigil niya ang maiyak ,alam niya na hindi makakabuti iyon sa bata.
"Here, makakabuti sayo to pati sa baby. " Kinuha niya ang gatas na iniabot nito.
"Salamat." Tumango lang ito saka ininom ang kape na hawak, nasa balkonahe sila kung saan makikita ang kagandahan ng gabi.
"Clarity? " Lumingon siya muli kay Javier, naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig ng lalaki.
"B-bakit?" Iniwas niya ang paningin kay Javier saka ininom ang gatas na hawak niya .
Tumikhim ito, napabaling siya dito at hindi niya mapigilan na mag-alala kay Javier ng makita na para bang may nagpapahirap dito.
"A-anong plano mo ngayon? I mean sa baby.." Siya naman ang biglang nalungkot pero pinilit pa rin niyang ngumiti. Sawa na siya sa drama, at hindi niya rin maipaliwanag kung bakit pagkasama niya si Javier ay nagagawa na niyang magpakahinahon kahit papano.
"Hindi ko pa alam."
"Itutuloy mo naman diba? " Napalunok siya, hindi niya alam kung tama ba ang nahihimigan niya pero parang nagmamakaawa ang tinig ni Javier sa kanya.
"Oo naman.. " Napatingala siya saka napangiti ng makita ang mga bituin. " wala naman siyang kasalanan sa nangyari sakin, at alam ko dahil sa kanya magkakaroon ulit ng bagong dereksyon ang buhay ko. Oo, alam ko, mahina ako pero alam ko naman kung pano magmahal. Alam kong mahal ko siya kahit na h-hindi ko siya inaasahan kasi, magiging ina na ko." Hindi na niya napigil ang maiyak, inilapag niya muna ang gatas na hawak ,pupunasan na sana niya ang luha ng bigla ay maramdaman niya na hinatak siya ni Javier.
Napakurap-kurap siya, ng marealize ang nangyari ay bigla na lang dumoble ang kabog ng dibdib niya, nakayakap sa kanya si Javier!
"Javier.. "Tawag niya dito, pero mas humigpit ang yakap nito sa kanya at parang tuluyan nangang nalaglag ang puso niya sa sinabi ni Javier
"Will you accept me, matatanggap mo ba ko bilang ama niya ?. "
----
Hindi niya unang beses na humarap sa isang misyon, minsan pa nga ay sumasalubong pa sila ng bala para sa kaligtasan ng iba pero ,ngayon hindi matawag ni Javier na misyon ang ginagawa at ang dapat niyang iligtas ay si Clarity."Anong kalokohan ang pinagsasabi mo Clarity Rose?! Anong sinasabi mong magpapakasal? Kanino? Sa lalaking to?! Abay, mag-isip ka mayaman ang lalaking yan, paniguradong pagnagsawa sayo yan kagaya ng iba ibabasura ka na lang! " Napadiin ang hawak niya sa kamay ni Clarity, hindi niya alam pero kinakabahan talaga siya.
Mali ba na binigla ko sila? Pero hindi ko pwedeng pabayaan ang mag-ina ko."Hindi ko naman po--"
"Manahimik ka! Kelan pa naging ikaw si Clarity?! Ikaw Clarity Rose, sasagot ka ba o makakatikim ka sakin? !" Biglang nayakap ni Javier si Clarity, hindi niya gustong masaktan ang babae.
"Carlo! Tigilan mo na ang mga bata! Maghunusdili ka nga! Abay, kung makasigaw ka akala mo bata pa ang anak mo kung sermonan mo! " Biglang lumitaw mula sa kung saan ang isang babae, lumapit ito sa kanila at saka yumakap ito kay Clarity.
"Nay, sorry po.. " Nabitawan na niya ang kamay ni Clarity at ganon na lang ang pagkirot ng puso niya ng makita ang pag-iyak ni Clarity habang yakap ang ina nito.
"Shh, tumahan ka na anak. "
"Ayan na nga ba sinasabi ko! Wag mong kunsintihin ang kalokohan ng anak mo Rosana! " Tumayo na ang ama ni Clarity saka padabog na tumungo sa isang pinto.
"Anak, tumahan ka na. Hayaan mo magiging maayos din ang tatay mo, maiintindihan ka din niya. " Hinarap siya nito ,nagulat naman siya ng yakapin siya nito, bigla naman namiss niya ang kanyang ina.
"Anak, ingatan mo si Clarity at ang magiging anak niyo. Pagpasensiyahan mo na ang ama ni Clarity ,matanda na kasi." Pagpapagaan nito sa atmosphere, napangiti naman siya .
"Salamat po tita."
"Nanay na lang anak. "May kung ano siyang saya na naramdaman ng sabihin iyon ni Aling Rosana.
"Salamat po nay. " Ngumiti ito sa kanya bago binalingan si Clarity.
"Hala, magpahinga na kayo at alam kong malayo ang binayahe niyo, mabuti pa'y pumasok na kayo sa silid niyo. " Natigilan naman siya sa sinabi ni Aling Rosana, saka napabaling kay Clarity, halata naman na nakalimutan din nito ang posibilidad na magkasama sila sa iisang kuwarto lalo na at alam ng mga magulang nito, na buntis na si Clarity.
"Me problema ba? " Nagtatakang tanong ng ina ni Clarity, umiling naman siya. Inalaayan niya si Clarity ,itinuro naman ni aling Rosana ang magiging silid nila.
Pagkapasok nila ay pinaupo niya si Clarity sa kama, umiiyak pa din ito at parang nahahati ang puso niya na nakikita itong ganoon.
Hindi na siya nagdalawang isip at niyakap ito, nagpasalamat siya na hindi naman ito nagkaroon ng kakaibang reaction sa pagyakap niya, bagkus ay yumakap rin ito at umiyak sa dibdib niya.
"Shh, please stop crying, makakasama yan sa baby. " Hinimas-himas niya ang buhok nito.
"Sorry Vier, nadamay ka pa sa galit ni tatay, ayoko lang naman malaman nila ang totoo. Ayoko lang naman makagawa ng hindi maganda si tatay kapagnalaman niya ang nangyari sakin." Mas nayakap niya ito ng mahigpit, saka niya hinalikhalikan ang tuktok ng ulo ng babae.
Kung alam mo lang, kulang pa ang sinasabi ng tatay mo, I deserved more than this..
"Wag kang umiyak, like what I said I take all the responsibility.. " Iniangat nito ang paningin para magtama muli ang mga mata nila.
"Napakabuti mong tao Vier, hindi ko alam kung pano ko masusuklian ang kabutihan mo." Nakita niya sa mga mata ni Clarity ang labis na pasasalamat nito, at para na naman siyang nilalamon ng sariling konsesya.
Don't be .. Lalo na lahat ng ito kasalanan ko..
BINABASA MO ANG
When He Fall.
RomanceJavier Montegredo, he was rich and a man with a dignity, pero halos madurog ang puso niya ng maaktuhan ang panloloko ng sariling karelasyon. He never know what was wrong with him, he drunk that he wanted to forget everything,pero ang galit at sakit...