Safe By The Lies

2.6K 96 2
                                        

Napasinghap si Clarity ng makita ang lalaking nagpainom sa kanya ng alak ng gabi bago siya magahasa.

Nanginginig na tinitignan niya ito sa isang tinted glass, kaharap ni Javier ang lalaki, nadako naman ang tingin niya kay Javier, hindi niya maintindihan pero sobrang bilis ng kabog ng puso niya ng makita niya ang bihis nito.

Ngayon niya lang nakita na naka T-shirt at pantalon ang lalaki, ngayon niya lang napatunayan na napakakisig nito at nahalos mamutok ang mga mussels nito sa braso habang nakahaukipkip .

"Miss Logres, nakita o na  meet mo ba na ba siya ?" Napalingon siya sa katabi, isa to sa mga kasamahan ni Javier ,nagpakilala itong si Eman.

"O-oo, sa hotel. Siya ang nagpainom sakin ng gabi na yun ng alak." Napabaling siya muli sa lalaki at hindi man niya naririnig ang pag-uusap niti at nang isa pang tauhan ni Javier ay alam niyang hindi maganda ang takbo ng usapan dahil sa ekspresyon ng lalaki.

"Iyon ba ang alak na may lamang sleeping pills?" Tumango siya, nilibot niya ang mata at nakahinga naman siya ng makita si Lyra sa gilid at halatang may kausap sa cp nito, hindi kasi siya komportable kapagmay ibang lalaking kasama.

"Oo, siya yun, naalala ko nagpakilala siyang si James." Nakita niya ang paghawak ng imbestigador sa baba nito saka tinitigan ang lalaki na nasa kabilang bahagi.

"Yes, he was Jameson Hinson, Fil-Am , isa siya sa mga isa sa mga big time Drug Lord sa California, and most wanted ." Mas lalo siyang nangilabot, kahit hindi siya sigurado kung ito ang lumapastangan siya, isa lang ang sigurado niya malaki ang kinalaman nito sa pangyayari.

"Clarity." Napalingon siya kay Lyra, lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang kamay niya, naramdaman nito marahil ang panginginig niya kaya ibinalot ng mga kamay nito ang palad niya. "Maniwala ka lang, alam kong matatapos din to."

Tumango siya bilang tugon, ibinalik niya ang paningin sa tinted glass wall at napasinghap siya ,paano ay nakatingin doon si Javier at halos bumilis ang tibok ng puso niya ng makita na sa gawi niya ito nakatingin.

Nakikita niya ba ko? Napaka-imposible naman nun. Sabi naman ni Eman ,walang taong kayang makita kami mula sa loob.

"Tsk, Look some got in shot." Napalingon siya kay Eman, hindi niya naiintindihan ang sinabi nito pero napatingin siya sa tinitignan nito at si Javier na nakatayo habang nakatingin pa rin sa gawi niya.

"Clarity.." Lumingon naman siya kay Lyra.

"Bakit?"

"Sa tingin mo ba kung wala tayo sa gantong posisyon ,posible kayang magustuhan mo si kuya Javier?" Nagulat naman siya sa tanong nito .

"Ha?"

"Ha? Wala, kalimutan mo na yon." Napatitig siya kay Lyra, saka tumango.

"Ms.Logres, sa tingin mo ba siya rin ang gumahasa sayo?" Sukat sa tanong ni Eman, ay napalingon siya agad kay Javier at hindi siya nakasagot.

"H-hindi ko alam." Nanginginig na sagot niya pero nagtataka siya kung bakit hindi niya magawang ialis ang tingin kay Javier na ngayon ay siya ng nakikipag-usap kay James.

Ano bang problema ko? Bakit pakiramdam ko mas kaya kong sabihin na si Javier ang lalaking lumapastangan sakin kesa si James. Nababaliw na ba talaga ako?

Napahigpit ang hawak niya kay Lyra kaya naman nag-aalala siyang tinignan nito.

"Clarity, are you ok?"

"Ly, gusto ko ng umalis dito." Tumango naman ang babae saka nagpaalam kay Eman, hindi na niya nagawang magpaalam dahil sa nararamdamang kaba dahil sa naisip na si Javier ang itinuturo ng pakiramdam niya.

Nagkakamali ang pakiramdam ko, alam kong nalilito lang ako .
---
Napahawak siya sa batok saka napasandal sa kanyang upuan. Sumasakit ang ulo niya sa Jameson na iyon, masyado silang pinahihirapan ng binata ,ayaw kasi nitong ituro ang iba pang mga kasamahan nito noon sa pagpapakalat ng mga drugs sa hotel.

"Anong balita sa pag-integration mo ?" Tinignan niya ang kaibigan at katrabaho na si Eman, umupo ito sa bakanteng upuan na kaharap niya.

"Masyadong matigas ang isang yun." Napabaling naman siya sa isa pang katrabaho na si Paul, ito kasi ang mas matagal na nag-imbestiga sa binata.

"Bakit naluma na ba ang taktika mo Javier at hindi mo mapaamin?" Nangising tanong ni Eman.

"Anong makaluma? Kung makikita mo lang kung pano muntik ng mapiyok ang isang yun mapapabilib ka kay Javier." Napailing na lang siya sa sinabi ni Paul, bago lang ito sa serbisyo at sa kanya na kaatang ang training ng binata.

"Ayos kung ganon, pero maiba ako.. Javier, kilala mo yung babaeng kasama ng pinsan mo diba?" Tumango siya .

"Yung magandang babae, nakita ko rin yon bago ako pumasok sa interrogation room, nakakaawa ang isang yon, maganda pa naman pero dahil sa kagaguhan ng FilAm na yon... Ayun, parang may phobia sa mga lalaki, para ngang automatikong nangingig pagmay nakakaharap na lalaki. Nakakaawa talaga ,napakagago talaga ng gumawa noon sa kanya, dapat sa mga ganon ,sinusunog." Nanigas naman si Javier, napatiim bagang siya sa narinig mula sa kaibigan, tama ang mga ito dapat sa mga kagaya niya ay sinusunog sa impyerno dahil sinira niya ang buhay ng isang inosenteng babae.

Hanggat hindi ka umaamin sa kasalanan mo, you going to pay this Javier habang buhay kang maguguilt at minuminuto kang kakainin ng konsensya mo.

Bulong ng isang bahagi ng isip ni Javier, hindi niya napansin na halos mapadiin ang hawak niya sa lapis hanggang sa bigla iyong nabali, bahagya pa siyang napaigtad at nagulat ng makitang nabali niya iyon.

"Mukhang apektadong-apektado ka sa pangyayari dun sa babae . Mukhang tama ako, gusto mo siya Javier?" Napabaling siya kay Eman.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Wag ka ng magkaila, nakikita ko sa kilos mo at titig dun sa babae na tinamaan ka. Aba, Montegredo, ingat ka baka mamaya may sabit pa iyon."  Napakunot -noo siya sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin ?"

"Malaki kasi ang tyansa na baka buntis siya. Kaya i-dissolve mo muna yang feelings mo hanggat hindi pa tayo sigurado sa kalagayan niya."

Daig pa ni Javier ang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng kaibigan.

Damn it! What if I got her pregnant?!

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon