Falling

2.2K 85 2
                                    

Umusad ang kaso na ipinataw sa lalaking si Jameson at sa mga iba nitong kasamahan na nahuli na ,nagtagal din ng isang buwan ang pagma- man hunts nila Javier sa mga kasabwat sa illegal drug na naipuslit sa hotel ng pinsan niyang si Lyra ,kaya naman nalinis na ang pangalan ng hotel nito.

Nag-iistay pa rin siya sa hotel ng pinsan na si Lyra ,pero hindi na sa kuwarto kung saan may nangyari sa kanila ni Clarity.

Sukat sa pagkaalala niya kay Clarity ay napatayo siya, ilang araw na niyang hindi nakikita ang babae at sa huli niyang pagkakaalala ay nandito rin iyon sa hotel. Hindi kasi alam ng mga magulang nito ang nangyari kay Clarity at gusto niyang magalit sa sarili, dahil minsan ay nakita niyang may kausap ito sa cp at kahit hindi niya alam kung sino iyon, sigurado naman siyang isa iyon sa pamilya nito, dahil matapos ang tawag na iyon ay bigla na lang napaiyak ang dalaga.

Your a monster Javier! Sinira mo ang buhay ni Clarity. Ngayon na iligtas mo ang sarili mo ,pero hanggang kelan?! Damn you!

Wala siyang balak itago ang katotohanan kay Clarity pero natatakot siya, kung para saan hindi niya pa alam ,basta isa lang ang sigurado niya ayaw na niyang makita ang pagkamuhi sa mukha ni Clarity.

"Kuya Javier! Kuya.. " Mabilis na napabangon siya ng marinig ang boses ni Lyra mula sa labas ng room niya. Maagap niyang binuksan ang pinto at nakita niya ang takot na bumalatay sa mukha ni Lyra.

"Anong problema Lyra?" Bigla siyang kinabahan.

"Si Clarity , kuya Javier! Nasa rooftop ng hotel , mukhang mag-- Kuya!!" Hindi na niya tinapos ang sinabi ni Lyra ,halos liparin niya na ang hagdan para mapunta agad sa taas ng building na iyon.

No Clarity, wag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo!

Halos kainin na siya ng takot, para bang lalabas na ang puso niya sa sobrang kaba. Hindi siya makakapayag na may mangyari kay Clarity dahil sa kasalanan niya.

"Clarity!" Hingal na hingal siya ng makarating sa rooftop at ganon na lang ang gimbal niya ng makita na nakatayo sa railing si Clarity at nakapikit.

"Ma'am bumababa na po kayo diyan, delekado po." Nakita niya na walang kahit isa ang makalapit kay Clarity dahil na rin baka biglang tumalon ang babae.

"Oh my! Clarity please, bumababa ka na." Narinig niya ang pag-iyak ng pinsan na si Lyra sa likuran niya.

Humakbang siya papalapit sa babae, sinenyasan niya ang mga guards ng hotel na ilayo ang ibang tao, ayaw niyang mas mataranta si Clarity. Sanay siya sa ganoong trabaho pero iba ngayon,dahil unang beses niyang matakot .

"Clarity, baby come down .." Mahina niyang tawag dito, nasa gilid siya nito, gumawa siya ng sapat na espasyo kung saan masisigurado niya na kung may maling makikilos ang babae ay maabot niya ito sa iilang hakbang lang.

Dumilat ito at nakita niya ang takot sa mga mata nito, may kung anong kirot siyang nadama ng masilayan ang mga luha nito na patuloy sa pag-agos.

"Vier. " May kung anong sumikbol sa puso niya ng marinig mula sa bibig ni Clarity ang pangalan niya. Huminga siya ng malalim at pilit finofocus ang isip sa kalagayan na nasa harapan niya.

"Clarity, makinig ka sakin. Kaylangan mo ng bumababa diyan, k-kung anong problema mo, nandito kami ni Lyra, ako, nandito kami. We can help you Clarity kaya kitang tulungan, kaibigan mo ko." Humawak siya sa railing saka humakbang ng isa.

"Vier, natatakot ako. Hindi ko alam kung pano pa ko makakaharap sa magulang ko at sa mga tao.."

Napamura siya sa isipan niya, kasalanan niya kung bakit naging ganoon si Clarity , she was vulnerable and innocent girl but he takes that all, he made her weaks and lose.

"Clarity, alam ko your strong,just don't give up. Alam mong mahal ka ng mga pamilya mo, maiintindihan ka nila , they will accept you ,because they love you." Humakbang siya muli, kahit papano ay nababawasan ang kaba niya dahil mas napapalapit siya sa babae. Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito kaya sinamantala niya iyon para mas mapalapit sa posisyon nito.

Just three more steps, I need to focus.

Kung iisipin ,napakadali na sa kanya ng mga ganong eksena pero nahahati ang pakiramdam at pag-iisip niya. Naalarma ang lahat ng makita na napabitaw si Clarity sa railing at napahawak sa ulo nito.

Damn it!

"Clarity!!" Halos huminto ang lahat ng nasa paligid ni Javier, kasabay ng paghinto ng paghinga niya.

Mabilis ang naging kilos niya, nasalo niya ito bago lumagpak sa lapag, nakahinga na rin siya ng maayos na hindi ito sa kabilang bahagi ng pasilyo kamuntik na malaglag.

Automatiko na nayakap niya ito na para bang doon niya mailalabas ang lahat ng pag-aalala niya.

"Clarity! Clarity wake up." Muli nakaramdam siya ng pagkataranta ng makita na walang malay ang babae, naging mabilis ang kilos niya at binuhat ito ng walang kahirap-hirap.

Stay with us Clarity.. Damn it! You make me more worried!
---
Nakahinga lang ng maluwag si Javier ng kumpirahin ng private doktor ng Diamond's Hotel na ayos na ang kalagayan ni Clarity.

"She will be fine, no need to worry Mr.Montegrado ." Nakangiti ng saad ng doktor.

"Thank you Doc." Saka binalingan niya si Clarity, he feels a small pinch in his heart.

Nagpaalam na ang doktor saka iniwan sila ni Clarity, wala din doon ang pinsan niyang si Lyra dahil mas kaylangan nitong asikasuhin ang mga guest na nakasaksi ang pangyayari kay Clarity.

Muli napabaling siya kay Clarity, dahan-dahan ng siyang lumapit sa higaan nito. Hindi niya maintindihan pero unang beses niyang mataranta habang ginagawa ang trabaho niya.

Maybe because I was the one who made you like this..

Hindi na niya napansin ang paglamlam ng kanyang mata kasabay ng hindi niya mapigilan na hawakan ang kamay ni Clarity.

I'm sorry...

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon