Winning Hearts

2.1K 92 2
                                    

Walang tigil sa pag-iyak si Clarity, kaya naman hindi rin nakatiis ang driver at nagsalita ito.

"Ma'am pasensiya na po,  pero asawa niyo po ba yung lalaki kanina?" Napaangat siya ng tingin nakita niya na nakatingin pa rin ito sa harapan .

Bigla siyang natigilan sa tanong ng taxi driver, asawa nga ba niya si Javier?  Totoo ba ang kasal nila?  O baka naman kasinungalingan lang din iyon. Nakaramdam siya ng kirot ng maisip na posibleng baka nga hindi sila kasal ni Javier, oo galit siya dito pero alam ni Clarity, she only wants a peace of mind at yung lahat ng sinabi niya ay dahil lang iyon sa gulat at galit, hindi dahil sa ginawa sa kanya ni Javier, kundi dahil sa pagtatago nito sa kanya ng katotoohanan.

Napapikit siya, kasalanan niya rin naman ang lahat ng ito,  dahil kahit na nararamdama niya sa bawat hawak, yakap at halik ni Javier, sa lalaking iyon ay pinilit niyang hindi paniwalaan, dahil gusto niyang makalimutan ang lahat at magkaroon na lang ng katahimikan.

"Ma'am? " Napatigil lang siya sa pag-iisip ng magsalita ulit ang driver.

"O-opo asawa ko siya. "

"Kaya pala ma'am,  kanina pa po kasi sumusunod sa atin ."

"Po?"

"Kanina kasi pag-alis natin, nakasunod pa rin yung kotse na gray, yung nakaparada rin po sa harapan ng bahay niyo. "

Bumilis ang tibok ng puso ni Clarity dahil sa sinabi ng driver, kaya naman paglingon niya sa likura ay napasinghap siya , dahil sasakyan nga iyon ng asawa niya! Muli ay parang tinutusok ng karayom ang puso niya, nasasaktan siya dahil nasasaktan niya ang asawa pero gusto lang niya munang makapag-isa, gusto lang niyang isipin kung paano at ano na bang mangyayari ngayong alam na niya.

"Manong, please po pwede po bang pakibilisan niyo? "

"Sige po. " Kahit halata sa boses ng driver ang pagdadalawang isip ay naramdaman niya na binilisan nito ang sasakyan.

Nakatanaw pa rin siya sa likuran at lalo lang siya napahagulgol ng makita na bumilis din ang takbo ng kotse ni Javier, bigla siyang kinabahan para sa asawa,  lalo na ng makita na halos isingit na nito ang kotse sa mga ibang sasakyan.

"Manong sandali!  P-pakihinto niyo ."  Dahan-dahan nitong itinabi ang taxi nito saka lumingon sa kanya.

"Sige na po ma'am mukhang magpapakamatay po ang asawa niyo kapaghindi niyo kinausap. " Kakamot-kamot ito ng ulo, mabilis naman siyang lumabas, sakto naman na huminto rin sa likod nila ang kotse ni Javier, hinintay niya itong makababa.

Her heart cries when they eyes met, puno iyon ng sakit, pagmamakaawa at lungkot. Humakbang ito papalapit sa kanya ,siya naman ay nakatitig lang sa lalaki na para bang pinagbagsakan ito ng langit at lupa.

"Clarity.. " He whisper, nakita niya ang pagtulo ng mga luha ni Javier. She try to say something pero parang hindi niya alam kung anong sasabihin. "Please,  Clarity, come back to me.. P-please mahal ko. "

Napasinghap siya ng walang kaano-ano ay bigla na lamang itong muling lumuhod.

"Please, Clarity..Please.."

Bakit Javier?..

----

Wala nang pakialam si Javier kung nasaan sila ni Clarity, kung pinagtitinginan siya ng mga tao. Hindi ang mga ito ang maiiwan ng taong mahal ! Hindi naman sila ang nasasaktan at higit sa lahat hindi naman ang mga ito ang kaylangan niya! Ang kaylangan niya ay si Clarity,  mahal na mahal niya ang asawa. Kaya nga wala siyang pakialam kung nakaluhod siya sa harapan nito habang umiiyak at nagmamakaawa na wag siya nitong iwan.

"Javier,  bakit.. Bakit ginagawa mo lahat ng ito? " Tumingala siya saka tinitigan ang asawa, his heart broke,when he saw a shadow of pain from Clarity's eyes.

"B-because I love you Clarity, ginawa ko ang lahat ng ito at gagawin ko pa rin ito lahat, dahil mahal kita,  I love you so much that I hate myself so much because of what I have done. P-pero hindi ako nagsisi na pinakasalan kita Clarity, dahil naging masaya ako ng makita ko ang bawat ngiti at tawa mo ng dahil sakin. Please Clarity,  give me just one more chance.. J-just this chance. " Nakita niya ang muling pagguhit ng sakit sa mga mata ni Clarity, kaya naman mas sasaktan siya para sa asawa.

"Totoo ba ang kasal natin? " Napatitig siya sa asawa, para naman bigla siyang kinabahan dahil sa tanong na iyon, bakit iyon ang tinatanong nito?  Hindi kaya...

"Oo,kasal tayo. The marriage was true, pero kung hihingi ka ng annulment... " Lumunok siya, para bang may bumara sa lalamunan niya ." .. Sorry pero I won't sign . Hindi ako papayag na magkahiwaly tayo, C-Clarity,please n-not the annulment. "

Nakita niya na bahagya itong tumigil, he still in his knee, at halos pinagtitinginan na sila pero they don't care,he only wants his wife back.

"Clarity! Sandali.. " Mabilis siyang napatayo ng talikuran siya ni Clarity ,naglakad ito pabalik sa taxi kaya naman maagap niyang pinigil ito.

"Please, Clarity, don't leave.. " Hawak niya ang braso nito ,lumingon ito. Para naman pinipiga ang puso niya ng makita ang ngiti nito, isang ngiti na tipid at puno ng lungkot. Inalis nito ang kamay niya, kaya naman para na naman tumigil ang pagtibok ng puso niya ng makita na binuksan nito ang passenger seat.

Umiiyak na napayuko na lang siya, mukhang kahit anong pagmamakaawa niya ay talagang sagad hanggang langit ang galit ng asawa niya sa kanya.

Napaka gago mo Javier!  You bastard!  Lier ! Your wife leave you because she saw you as a devil!  You could just root in hell!  Napakawalang kwenta mong ta--

Natigil siya sa pag-iisip ng makita na nilalabas ng driver mula sa likod ang isang maleta at isang pack bag. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita si Clarity papalapit sa kanya habang nakasunod ang driver ng taxi, he frozed when Clarity look at him ,at isang ngiti ang ibinigay nito.

"Clarity.."

"Halika na ,umuwi na tayo." Pagkarinig niya ng mga salitang iyon ay walang pasabi na niyakap niya ito at saka parang bata na paghagulgol sa balikat nito.

Finally, he win her back!  His wife come back in his arms.

When He Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon