Ikalawang araw pa lamang ng kasal nila ay masamang balita agad ang nabungaran ni Javier ng makita ang sinasabing email ng kanyang ka team na si Paul. Napansin niya ang paggalaw ni Clarity sa tabi niya kaya naman sinara niya ng dahan dahan ang laptop.
"Javier, bakit gising ka pa? " Nilingon niya ang asawa ,umupo ito. Nabaling ito sa laptop na nasa mga hita niya.
"I checked some cases, nagising ba kita? " Umiling ito saka bumaling ang mga mata sa kanya.
"Ganon ba, akala ko ikaw ang hindi makatulog dahil. .may katabi ka. " Napangiti siya ng makita na parang nahihiya ito.
"No its ok, ngayon ko nga lang narealized ,that having the one I love baside me, made me feel more comfortable ." Napangiti itong muling sinalubong ang mga mata niya, ginapgap niya ang kamay nito.
Naramdaman niya ang pagpiski nito pero hindi naman nito iyon tinanggal. He feels again the pinchs in his heart.
"I'm sorry, lets go back to sleep .." Bibitawan na sana niya ang kamay nito pero napatigil siya ng ipatong naman nito ang isang kamay doon. Napatingin siya kay Clarity, at bumilis ang tibok ng puso niya ng makitang ngumiti ito.
"Ok lang, nagulat lang ako. Halika tulog na tayo." Bumitiw ito saka nahiga na, sinundan niya ng tingin si Clarity, naging mapamungay ang mga mata niya habang nakatitig sa babae.
"Hindi ka pa ba matutulog? " Tumingala ito, umiling siya saka pinatong ang kamay niya sa ulo nito at hinagod niya iyon.
"You go first. "
"Are you sure? " Humikab ito at pumungay ang mga mata. Napangiti naman siya dahil pinipilit pa nitong dumilat.
"Yes. "Saka niya pinagpatuloy ang ginagawa, pumikit na nga ito .
Ilang minuto niya ring ginagawa iyon, habang tinititigan niya si Clarity, ay saka naman biglang bumuhos sa utak niya ang mga kinakatakutan niya. His heart was piercing inside, para bang pinipiga iyon habang nakatitig sa asawa.
What should I do? Lalo na ngayon, mahal na talaga kita. I love you so much, sorry but I can't, hindi ko pala kayang aminin ang kasalanan ko sayo.
Humiga na siya saka kinuha ang ulo ng natutulog na asawa at inilagay iyon sa braso niya. Bahagya itong gumalaw pero halatang malalim pa rin ang tulog nito.
He kiss her hair ,saka iniyakap niya ito niyakap.
"Good night Clarity , I love you.. "
----
Isang linggo na ang lumipas matapos ang kasal ni Javier at Clarity, naging smooth ang lahat sa nakalipas na linggo at nakita ni Clarity na talagang inaalagaan siya ni Javier.Hindi lang maintindihan ni Clarity but she feels that Javier hiding something in her, o baka guni-guni lang niya, pero hindi na niya binigyan atensyon pa iyon dahil mas natutuon siya sa pagpaparamdam nito ng tungkol sa feeling nito, at hindi siya manhid, she likes Javier, or maybe she already love him.
Kaya ng araw na iyon maagang nagising si Clarity kaya naman maaga rin siyang naghain ng almusal nila ng kanyang asawa. Napatigil siya sa paglalagay ng plato ng maalala ang status nila ni Javier, mag-asawa na nga pala sila. Gusto man niyang ngumiti ay nalulugmo naman ang puso niya, napatingin siya sa kanyang puson bahagya na siyang nagkakalaman at kasabay niyon ay ang tyan niya.
Saka niya naiisip kung bakit nga ba nasa ganoon sitwasyon si Javier, dahil sa kanya, dahil sa buntis siya at natatakot siyang ipangalandakan sa lahat na nabuo ang baby niya dahil...ginahasa siya.
Napahawak siya sa puson, ayaw niyang maramdaman ng anak niya ang lungkot niya kaya mabilis niyang pinalis iyon, saka inisip pa ang isang dahilan kung bakit nandoon si Javier sa tabi niya.
Sabi niya nahuhulog na siya sakin, kaya alam ko hindi siya napipilitan, baka ngayon mahal na niya ko.
Parang nalusaw ang lahat ng alalahanin niya ng maisip iyon, saka niya ipinagpatuloy ang paghahanda ng agahan.
"Good morning hon. " Napaangat ang tingin niya at napasinghap siya ng makita ang itsura ni Javier, mukhang bago ligo ito, halos magwala sa bilis ng tibok ang puso niya ng lumapit ito, nasanghap niya ang mabangong amoy ni Javier pero napatigil ang paghinga ni Clarity ng hawakan ni Javier ang pisngi niya saka siya hinalikan sa mga labi.
Dampi lang iyon pero halos manuot ang init ng mga labi ni Javier sa buong katawan niya,kaya naman sandali siyang natigilan at natulala ,kung hindi pa muling nagsalita si Javier ay hindi siya makakahumang.
"Mukhang masarap ang breakfast natin hon. " Napangiti siya ng makita ang mga ngiti sa labi ni Javier.
"Palagi naman ganyan ang almusal natin. " Natatawang saad niya, napakamot namansa ulo si Javier pero natawa na rin.
"Sige na nga, kumain na tayo." Pinaghatak pa siya ng upuan nito bago ito umupo sa harapan niya. Nagagalak ang puso ni Clarity dahil sa mga araw na magkasama sila ni Javier ay palagi itong magiliw sa mga ginagawa niya. Hindi nito hinahayaan na magpag-isa siya ng matagal dahil bigla na lang siyang nakakaramdam ng kalungkutan kagaya na lang kanina.
Kinuha nito ang sinangag na kanin at saka siya nilagyan sa plato, sinunod nito ang hotdog, ham at itlog.
"Ang dami naman nito. " Natatawang saad niya, ngumiti ito sa kanya .
"You should eat a lot, para naman sa baby natin yan. " Lihim na may sumikdol sa puso ni Clarity, hindi niya alam kung bakit sa idad na niyang iyon ay para pa siyang kinikilig.
Kakaiba ka talaga Javier..
Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki pero rinig na rinig niya ang malakas na kabog ng puso niya, kumain na sila ng tahimik ni Javier. Hindi niya alam pero parang hindi siya komportable habang kumakain kaya naman nag-angat siya ng tingin at muli ay nagwala ang puso niya ng makita si Javier na nakatitig ito sa kanya. Kesa mahiya ito sa ginawa ay ngumiti pa ito, kaya naman pakiramdam ni Clarity ay tumaas ang lahat ng dugo niya sa kanyang mukha, pero hindi naman niya magawang iaalis ang mga mata sa mukha ni Javier.
"Do you believe if I said that you're beautiful even in your simple way. " Muling parang kiniliti ang mga puso niya lalo na ng dumukwang ito habang nakapatong ang mga kamay nito sa ibabaw ng lamesa.
"I love you Clarity, trust me will you? " Napansin niya ang paglamalam ng mga mata nito,mabilis siyang tumango dahil sa bilis na rin ng tibok ng puso niya.
"Y-yes.."
"So kelan mo kaya ako mamahalin?" Halos tumalon ang puso ni Clarity sa tanong ni Javier, kung alam lang nito ang totoo na baka mas nauna niya pa itong minahal.
"I- I--" pero hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil natagpuan na lang niya na nakalapat na pala ang mga labi ni Javier sa kanya, her mind was shot down but his heart races like a running horse.
I love you too Javier, I trust my heart in you...
BINABASA MO ANG
When He Fall.
RomanceJavier Montegredo, he was rich and a man with a dignity, pero halos madurog ang puso niya ng maaktuhan ang panloloko ng sariling karelasyon. He never know what was wrong with him, he drunk that he wanted to forget everything,pero ang galit at sakit...