Chapter 2

39 1 0
                                    

***2****

"Hay*p na babae yun! lakas ng kamao, wooah!"

"Ikaw naman kasi pre, bat mo naman yun ginawa"

"Ang alin? Ang ipagkalat na may gusto siya saakin? Eh ano naman ngayon? Gusto ko eh"

"Di kita maintindihan, madami namang magaganda dyan. Bat ba si Dela Cruz pa ang napagdiskitahan mo?"

"Gusto ko lang may thrill"

"Pare, wag naman siya oh. Alam mo naman na---"

"Na may gusto ka dun?!"

"Wala akong sinabi"

"Wag mo nga akong lokohin Niel, alam kong may tama ka sa babaeng yun.. Tss"

"Ano nanaman ba balak mo ha?"

"Wala. Sakin na lang yun"

"Kung ano mang katarantaduhan yan, ngayon pa lang itigil mo na yan pare"

"Basta pre,ako bahala"

---

"Oi Jill, mag-isa ka dito"

"Nagpapahangin lang.."

"May laban pala tayo sa susunod na linggo"

"Oh talaga? Saan?"

"Sa plaza lang naman, malaking pera din mapapanalunan"

"Nagregister ka?"

"Oo, gusto ko lang makatulong sayo."

"Talaga??Salamat Kiel ha, so kelan tayo mag eensayo?"

"Siguro ngayong Sabado, sinabihan ko narin si Mik at si Ace, pumayag naman sila"

"Oh sige, kila Mik ulit tayo?"

"Oo dun nalang ulit"

"Oh sige.."

"Hmm ayos ka lang ba Jill?"

"Hm Oo ayos lang, nababadtrip lang ako kay Cristobal"

"Oh anu nanaman ba ginawa sayo ng maangas na yun?"

"Hindi mo ba nabalitaan?"

"Ang alin?"

"Hai! Wag nalang natin pag-usapan"

"Mabuti pa nga, wag mo nalang patulan. Papansin masyado eh.."

"Oo nga! walang magawa sa buhay, pakamatay nalang siya"

"Hahahah! Grabe ka talaga, Apir!"

---

Room 7: IV: Einstein

"Yanooo! isa pa.. dali.. isa pa"

"Sige na Yano.,ang ganda ganda talaga ng boses mo"

"Oo nga.. pretty please?"

Ayan nanaman ang mga malalanding babae toh.. ganyan nalang lagi ang inaabutan kong eksena sa room..hai! 

Nga pala, Ako si Jilliane Dela Cruz, classmate ko si Yano na isang vocalist din ng bandang "The Innocent".. Kung ako ang tatanungin niyo, nakakasuka ang pangalan ng banda nila..Ni hindi nga bagay sa personality nila.. Di sila mga inosente..except nalang sa crush kong si Niel na kabanda nila.. Siya lang kasi ang mabait sa apat na yun..ang yayabang kasi ng tatlo..

Magkaaway ang banda namin at banda nila..hindi naman sa away na away talaga..yun bang hindi naiiwasang ikompara kami sakanila..

Nakakainis nga lang talaga.. Syempre.. mas maraming tumitiling girls sakanila.. bukod sa sandamakmak na nagkakagusto sa Yano na yun, may mga itchura naman talaga mga kabanda niya.. lalo na si Niel na matagal ko naring gusto.. 

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon