Chapter 17

11 0 0
                                    

***17***

Thursday came.

Rest day namin. Wala naman kaming pasok ngayon. Pero instead na magpahinga, pumunta ako sa mall. Ako lang mag-isa. Si Ate kasi may pasok, kaya di ko siya mayaya. Sila Kiel naman may practice pa. Kaya ayun, solo ako.


Habang nag-iikot ikot ako sa mall at naghahanap ng pwedeng mabili,there I saw familiar face..

"Magkano ho toh?"

"650 sir"

tinitigan ko talaga siyang mabuti, siya ata yung kapatid ni--ni Yano? Tama ba ko? Hawak nya yung isang cap na color black na ewan ko kung bibilhin nya. 

Kamukhang-kamuka nya talaga si Yano. Para silang kambal. 

"Miss?may kailangan ka?"

oh-my! Kanina paba ko nakatitig sakanya?halala. Nakakahiya naman.

"Ah-eh-wa-wala--"

at tumalikod na ko..

"Oi Miss!"

waaah!lagot na..nakakahiya..baka nu isipin nito..

"Miss! Saglit!"

*lingon*

"B-bakit?"

"Ohw. Di ba kaw yung classmate ni Yano?"

"Ah-eh. O-opo."

"Sabi na nga ba. Oh, mag-isa ka lang?"

waah! Bat ba toh nakikipag-usap sakin. hindi kami close. Wah. Kasi naman eh. Bat ba ko kinakabahan. Tss. Kainis! 

"Oo, mag-isa lang ako.."

"Pwede ba sumama sayo?"

"ha???o.O"

"wala kasi akong kasama eh..since kilala naman kita,pwede naman siguro ako sumama sayo, by the way I'm Yro"

[YRO- pronounced as iro]

"Ah. Hmm. Jilliane."

"Nice to meet you. Cool mu naman. Ganyan ka ba talaga magdamit?"

"ha?ah..ahm..o-oo"

"Tara, snack muna tayo. Treat ko?^__^"

Anubatoh!!bat ganyan agad siya..kala ko suplado siya..pero bat ambait nya????

"Wag na Kuya, kakahiya naman"

"Kuya? Tss. Alam mo, ang huling tumawag sakin na Kuya, naging girlfriend ko"

"Ha? Eh- kasi-"

"Yro nalang, parang tropa lang tayo. Mahilig ka din ba sa cap? Ganda ng cap mo ha"

"Ha?eh-hindi po. Anu kasi- ahm anu-"

"Kasi ako, collections ko talaga ang cap"

"Ah"

"San mu ba yan nabiling cap mo?"

"Ahh kasi anu--"

"Yro!!!!"

may bigla naman sumigaw, haii. Pwew. Buti nalang..

"Oi tol! Kumusta?"

"Eto ayos lang, ikaw?"

"Eto ayos din, ai nga pala tol, kaibigan ko, classmate ni Yano, si Jilliane"

tumingin naman sakin yung lalaki..ngumiti naman siya at..

"Hi Jilliane, Jericho nga pala :)"

ngumiti nalang din ako..

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon