***3***
"Oh Jill sa Sabado na tayo magpapractice ha?"
"Oo Ace, kila Mik nalang ulit tayo"
"San ba tayo magkikita-kita?"
"Dito nalang siguro sa tapat ng school, ano ok lang sainyo?"
"Susunduin ko nalang si Jill, mauna kana Ace kila Mik"
"Susunduin mo ako Kiel? Hala. Wag na
kaya"
"Sus bakit naman? Nahiya ka? Hindi uso satin yan"
"Haii. Oh sige..sige..naman eh, kaw talaga Kiel.."
"Oh sige na Jill at Kiel, una na kami ni
Mik"
"San punta niyo?"
"Sa elementary dep't"
"Ahh. ingat kayo"
"Salamat, Kiel, kaw na bahala kay Jill ha?"
"Hahah. mas matapang pa toh sakin dre, haha.sige sige"
"Hahahha, sige na"
(At umalis na si Mik at Ace)
"Loko ka talaga Kiel, anong kala mo sakin Amazona?"
"Haha. Totoo naman eh..baka pag nagkataon ikaw pa ang magligtas sakin eh"
"Psh. Tigilan mo nga ako jan Kiel"
"Haha. Tara na nga, uwi na tayo.."
--
Naglalakad na kami ngayon ni Kiel pauwi,
nakasalubong nga namin si Niel.
Ngumiti siya sakin. Woooah!! Nginitian ko naman siya..at patuloy na kaming naglakad ni Kiel..
Nakangiti pa rin ako.. :)))
"Oii Jill...pag ikaw na hanginan,forever nang ganyan ang bibig mo"
(tiningnan ko ng masama si Kiel)
"Hmp!! Tsss.."
"May gusto ka ba sa Niel na yun ha?"
"H-ha?! wala noh.. wala kaya.."
"Sus nagtatanong lang, kinakabahan ka
jan.. hmm."
"Eh! kasi naman ikaw eh!!!"
"Ano sakin?? uyyyyy.. may gusto ka kay Fernandez ha..dalaga na.. uyyyyyy :)))"
"Wala nga sabi!!"
"Uyyyy.."
"Gulpihin kita gusto mo?!"
(bago ko pa man gulpihin si Kiel, nakuha niya na ngayon ang sumbrero ko)
"EZEKIEEEELLLLLLL!!!!!!!Ibalik mo sakin yaaaaan!!!!"
naghahabulan na kami ngayong dalawa, asar na asar na talaga akooo!! ayoko pa naman na nakalugay ang buhok ko.. arghhh!!,idagdag mu pa,may dala2 akong gitaraaaaa!!grrrr!"
"Ayokoooo nga! haha. sabihin mo muna sakin ang totoo"
"Sinabi ko na kasing hindi!!! akin na kasi yan.."
tawang-tawa pa rin si Kiel..nang-aasar nanaman kasi haiiiii, paliko na sana kami ng daan ng biglang..
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan moooo!"
(napahinto ako nun, nakita ko si Kiel na napaatras din siya ng konti dahil sa inakto ng baboy na kaharap niya..teka..mukhang away toh ha..sunod na ginawa ng baboy na yun, sinuntok niya sa may tiyan si Kiel,na napaluhod ata sa sobrang sakit.. eh tarantado pala ang tabachoy na toh ha)
"Hoyyy!!!"
(napalingon naman saakin si Kiel, na parang nangungusap ang kanyang mga mata na wag na akong umeksena doon..pero hindi pwede!!ano ako hello?wala ata sa bokabularyo ko ang salitang "DUWAG"..
"At sino ka naman!?"
"Ako lang naman ang kaibigan niyang sinuntok mong tabachoy ka!"
"Anong sabi mo?!!!?
"Tabachoy!!!"
(lumapit na saakin si Tabachoy at akmang susuntukin niya na ako..pero dahil nga sa hindi ko malaman kung saan nanggaling ang lakas ko itinulak ko siya ng keh lakas lakas at napatumba ko si Tabachoy, inapakan ko pa siya sa may tiyan..)
"Sa susunod wag kang siga ha? anong akala mo sarili mo ang daan at bawal ka ng mabunggo? Kapal ng mukha mong tabachoy ka!!"
(galit na galit na ang mukha ni Tabachoy, pero bago pa man siya makabangon, hinila ko na si Kiel at kumaripas na kami ng takbo..)
--
"Loko ka talaga Jill!! bat mo ginawa yun?"
"Eh kasi tarantado siya eh.. suntukin ka ba naman.."
Nasa bahay na kami ngayon..
Pero sa labas lang kaming dalawa..sa may garden.
"Kahit pa.. pano kung napahamak ka..eh di kasalanan ko pa tuloy"
"Nu kaba! natural ganon ang gagawin ko"
"Haiii! kakaiba ka talaga.. kaya naman kala nila tomboy ka..eh kasi..para kang lalaki kung gumalaw..tssss..nagmukha tuloy akong bakla.."
"Hahaha! Sira.. ok lang yun.. sus ako pa!"
(at nagpogi sign ako)
"Salamat Jill..sa susunod di ko na hahayaan na ako ang ipagtatanggol mo"
"Haii! Wag kang madrama Kiel, Mahal kasi kita kaya ko yun ginawa"
"H-ha?!"
"Sabi ko Mahal Kita.. oo naman talaga diba?
eh kasi Kaibigan kaya kita!
Toh naman eh..Wag mo yan kakalimutan!"