Chapter 7

8 0 0
                                    

***7***

"Ang gwapo-gwapo talaga ni Yanooo!!"

"Oo! Haii. kakainlove pa ang boses, nakooo!"

"Nasan na kaya siyaaa!?haii. I'm inlove na talaga"

Tss. Kakairita na naman sa tenga. Jusko. Puro Yano na naman ang bida. Hai nako. Nasan na kaya sila? Mga kaibigan ko talaga, kung kelan kailangan, di ko mahanap. Ace! Mat! Kiel, san na kayo?? Grr. Wala pa naman akong load. Di ako sanay na nagloload eh. Kaya pate ang Ate ko nahawa na sakin sa pagiging kuripot magload. Pero, hmm. Di naman talaga ata yun ang dahilan, masyado lang atang natrauma si Ate sa nangyari last year. Hai Ate ko, naaawa na ko sayo. Bat kasi napadpad sa ibang mundo si Kuya Den-den eh. Tsk. Pero alam namin masaya na siya dun. Diba Kuya Den? :|

Naglalakad ako ngayon sa hallway, papunta ako sa room, lumalakbay naman ang isip ko sa kung saan.

Bubuksan ko na ang pinto ng aming room, tama, dun muna ko tatambay.

Nabuksan ko na ang pinto, bigla namang may tumawag sakin,kung kaya't dun nabaling ang atensyon ko..

"Jilliane!!"

Ginala ko naman ang mata ko, pero wala naman akong nakita, hmm? May nangtitrip ba sakin na kaluluwa? Nako.

Pumasok na lang ako sa room, at ..

(o.O)

waaah!! May kapatid akong lalaki, kaya nakakita na ko ng lalaki na half naked, pero sh*t naman oh. Bat si Cristobal pa?! Waaah! At anong ginagawa niya dito?

"So-sorry!"

"Tss. tomboy ka naman eh, lam ko naman na hindi mu ko pagnanasahan.."

kapal ng mukha nya, alam nyo yun? Tss. Bat pa kasi ako napadpad dito. 

Paalis na sana ako ng bigla naman siyang sumigaw,

"Oist! Wwah! Pakitulungan naman ako oh"

di niya kasi maalis sa ulo nya yung damit. Ewan ko kung napano, basta yun na yun. asar nito oh. Pero since naawa ako, kaya ayun tinulungan ko siya hilain yung tshirt.Sakanya ba kasing tshirt yun? Parang ang sikip naman kasi.

"Argh!!ano ba! Sayo ba toh?"

"Paki mu ba, tulungan mu nalang ako oh.."

"Ang sungit mo, kaw na nga tinutulungan"

hinila ko ng malakas ang tshirt, kaya ang nangyari, napasandal ako sa pader kasama siya. Paking tape naman oh!

*dug dug dug*

Nagkatitigan kami. Shitness. Waah. Di ako sanay ng ganito. Oh c'mon. Hubad siya. Hubad! Anu ba yan. At dahil sa huli na ang lahat.

"Waaaaaaaaaaaah!!"

may sumigaw na babae sa labas ng room, argh! Badtrip, itinulak ko ng malakas si Cristobal. Shit xa. dapat di ko na talaga siya tinulungan. Hiyanghiya na ko nun. Waah. Tumakbo ako palabas ng pintuan. 

Naiiyak na ko sa hiya.

"Yak noh?kala ko ba tomboy siya?yak!"

"Sus, minamanyak niya pa si Yanoo di na nahiya"

"Eiiw, eiww tlaga!!"

Wah. Kung pwede ko lang sapakin sila isa isa. Kaso kelangan ko magmadali,. Pero bago ko pa lisanin ang lugar na yun. Nagsalita ang walang hiyang Cristobal.

"Ei Guys out there! Kita nyo naman siguro noh? May pagnanasa pala sakin si Jilliane Dela Cruz,isa din pala siya sa patay na patay saakin..kala ko ba TOMBOY siya?"

t@*! ina mu Yanoo!!!!!!

waaaaaaaah!! 

Sisiguraduhin ko, gaganti ako sayo.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon