***13***
Pagkatapos naming kumain, bumalik na ulit kami kung saan kami kanina. Nagpahinga ulit ng halos isang oras.
Hai. Naaalala ko na naman yung nangyari kanina. Pahiya naman ako nun. Eh kasi di ko naman talaga napigilan na mabahing noh, tss.
Napikon ata sakin si Cristobal. Hmp. Paki ko sakanya. Hmm. Kanina nga pala, napansin ko, ang tahimik niya kumain. Tapos, ang linis pa. Grabe ha. Konti nga lang kinain nya eh. Pareho ata kami. Parang ibon kumain. Tss.
Bzzzt! Bzzzzt!
Calling....
Dre_Kiel
>hello,oh Kiel.
>musta?ok kalang ba jan?
>ah oo..kayo?musta?
>hmm,ayos naman..anong oras kayo matatapos?
>di ko alam eh..bakit?
>kita tayo..
>ha?hindi ako pwede ngayon dre, may pupuntahan kasi akong importante pagkatapos eh, tsaka magkikita din kami ni Ate mamaya, nagpapasama kasi. Ok lang ba?
>ah oo..sige, sa monday nalang..ingat Dre..
>kaw din..geh..
*tooot.tooot..tooot*
"Jiiiiillll! Si Kiel ba yun?"
-Gino
"Ang landi talaga ng baklang toh"
-Ysa
"Kanina kapa Ysabella ha!kakalbuhin na kita"
-Gino
"Oh anu na Jill, si Kiel ba kausap mu kanina?"
-Gino
"Ah..oo,bakit?"
"Waaaaaaah!! Papa Kiel!!T^T,sana tawagan niya din ako minsan"
"MALANDIIIII"
-Ysa, Ella
"Tseeeh!!Tara na nga, practice na ulit tayo"
--
3rd scene:
Palabas na ako ng school, magkasabay kami ni Yano pero di ko parin siya pinapansin. Hanggang sa napikon ako, kaya ang tendency tatakbo ako, yun ang sabi ni Gino eh. Hahabulin naman ako ni Yano, hahawakan nya ko sa braso, at magtataka na naman siya, yun bang parang "ano-nangyayari-sayo-look", tapos iiling-iling lang ako, tapos magagalit na si Yano, yuyugyugin nya katawan ko, yun bang pinapaamin ako ng kasalanan na di ko naman ginawa, basta ganun ang scene. Tapos nabwisit na din ako, kaya ang huli sasampalin ko siya. Then mag wawalk-out ako. Extra din dito yung other grupmates, lalakad lang sila. Ganun lang.
"Okay na?"
-Gino
nagnod lang kami ni Yano. Ok this is it.
Ginawa nga namin yung pinapagawa ni Direk.. At nung dun na kami sa eksena na niyuyugyug ako ni Yano, itinulak ko siya.. wala naman yun sa script pero ginawa ko, grr. Pagkatapos ko siyang itulak.. Eto na..makakaganti na akoo..
*paaaak!*
napalakas ata sampal ko, namula talaga pisngi ni Yano eh. Waah. Sama nung tingin niya sakin, sabay walk out ako. Yun naman talaga yung sa script. Pero wala dun yung *masama ang tingin*
"wooooaaaah!! Ang gallliiiing!!"
Naguilty naman ako sa ginawa ko. Kahit papano may konsensya ako. Kaya nilapitan ko siya.