Chapter 9

16 0 0
                                        

***9***

from: *Ate_Laine*

msg:

jill,san kn?hinahanap kana ni mama.uwi kana..

-end-

*reply*

To: Ate_Laine

Msg:

Teh, dito lang ako sa may bridge. Uwi ako maya-maya. Pakisabi kay Mama. Tnx.

-end-

*buntong-hininga*

10pm na. Andito ako sa may tulay malapit lang naman samin. Eto na talaga ang paborito kong tambayan kahit nung bata pa ako. Hinatid ako ni Kiel kanina. Pero sabi ko kaya ko na umuwi mag-isa kaya nagpaiwan ako. Nagmatigas pa nga siya eh. Pero mabuti at pumayag. Basta umuwi nalang daw ako.

Dito ako pumupunta tuwing nalulungkot ako. Nalulungkot talaga ako sa nangyari. Di naman sa nag expect ako. Sayang din naman kasi nung premyo. Lalo pa't kailangan ko talaga ng pera. Hai. Pero wala na ko magagawa eh. Gahaman kasi kalaban namin. Kainis na.

"Nakakainissss kaaaaaaa!!"

sigaw ko habang nakaharap sa may dagat..nakakainis talaga siyaaaa!!

"Wag kang mag eskandalo dito..gabi na oh..maawa ka sakanila"

*lingon*

"A-ate!?"

lumapit naman siya sakin, pareho na kami ngayon nakaharap sa may dagat..

"May problema ka ba Jill?"

seryoso yung boses ni Ate, kapag ganyan kinakabahan ako..

"Ah- ano. Wala naman teh"

"Sus. Sinungaling. Kumusta battle?"

"Okay lang teh. Pang 2nd kami"

"Nanalo na naman pala yung grupo nila Yano"

"P-pano mu alam teh?"

"Jill, hindi mo kailangan makipagkompentensiya, mahalin mo lang ang ginagawa mo, tiyak sasaya ka. Hindi mo naman kailangan maging Champion sa mga battle na yan. Ang mahalaga, maging inspirasyon ka sa iba.. Alam kong mahalaga sayo ang laban na yon, proud ako sayo Jill..balita ko, para sa--"

"Ate! Sino nagsabi sayo?!"

"Si Kiel. Bat di mu sakin sinabi? Jill. Kapatid mo ko, nakakatampo ka naman eh,lika nga dito.."

at yun, niyakap lang naman ako ni Ate. Argg!

"Ate naman eh.."

"Kahit kelan mabuting tao ka talaga..pakiss nga ako sis"

*kiss.sa.chix*

"Ano ba namang mga bata ito oh, gabing-gabi na naglalambingan pa. Tsk. Kabataan nga naman ngayon"

nabigla naman kami nun ni Ate. Halala. Pagkamalan daw ba kaming magjowa? Tsk..

"Hahaha!"

*nagkatawanan lang kami ni Ate*

"Lika na Jill, uwi na tayo.."

"Salamat Ate.."

at muli niyakap ko ulit siya..

--

Niel's POV:

Sumali kami sa battle, at si Jilliane ang dahilan. Badtrip naman si Yano oh. Wala naman sakanyang ginagawa yung tao. Hai. Ewan ko ba kung bakit sagad ang galit niya kay Jilliane eh. Eh siya nga tong may kasalanan kung bakit ganyan siya itrato ng tao. 

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon