Chapter 5

8 0 0
                                    

***5***

Yano's POV:

2 weeks na ang nakakalipas ng ipagkalat ko sa campus na may gusto sakin ang dakilang TOMBOY ng EINSTEIN.

evilmuch nga daw talaga ako. 

Hanggang ngayon, binabagabag din ako ng konsensya ko. Alam ko wala namang kasalanan nun si Jilliane, pero alam ko din na kahihiyan ang nangyari, kaya para matakpan ang mali ko, sakanya ko binaling ang atensyon ng tao. Oo masama na ako kung masama. 

Masyado kasi akong nahihiwagaan sa Jilliane na yun. Pssh. She's annoying me in a way na hindi ko din alam kung bakit. Nakakairita lang talaga. 

Oo inaamin ko mayabang ako,crush ng campus nga ang turing sakin eh.Pero yung amazonang babaeng yun nakakabwisit! bulag ba siya? ako ba naman ang kinalaban.

Siya lang ata ang may lakas ng loob na sagot sagutin ako sa harap ng maraming tao! argh!! nakakainiiis! Di lang talaga ako sanay na may isang tao na kung dumaan ako sa corridor eh parang hangin lang akong hindi napansin, at alam niyo na kung sino yung taong yun. 

First year pa lamang kami ganon na siya, kasakasama niya yung mga gusgusin niyang barkada. Tomboy talaga. Eh kasi naman siya lang ang babae sa grupo. Hindi ko nga alam kung nagbabalat kayo lang siya at nilalandi niya ang barkada niya, pero sa tingin ko naman hindi eh. Eh yun pa masyadong palaban.

Inignore ko lang siya hanggang 2nd year. Wala di ko naman kasi siya trip di naman kasi siya kapansin pansin, pero ewan ko rin ba sa sarili ko dahil naging interesado lang ako sakanya ng naging 3rd year na kami. 

Isa ang banda nila sa mga kakompetensyang banda dito sa school. Sikat kami simula palang 1st year pero simula noong nagregister ang grupo nila Jilliane, dun nagsimula ang pagkukumpara nila sa banda namin at sa banda nila.

Oo, maganda naman ang boses nung Jilliane, isa din yun sa mga dahilan kung bakit mas lalo akong naging interesado sakanya. Ang boses niya hindi bagay sa katauhan niya, babaeng babae kasi ang boses pero ang itsura, no comment nalang ako. 

Kasama ko nga pala sa banda si Niel, Rap at si Gab.. childhood friends ko pa ang mga yun, kaya talaga namang close kami sa isa't isa. Bukod sa kilala sila ng family ko, ganon din naman ako sakanila. 

Sa aming magkakaibigan, mas malapit ako kay Niel, mas una kasi kaming magkakilala noong mga bata pa kami, kapitbahay kasi namin sila, pero ngayon lumipat na sila pero ganon pa rin naman ang closeness namin.

Matagal ko ng napapansin si Niel na parang mya gusto siya kay Jilliane. Every time kasi na lalaitin ko yung Jilliane na yun, siya naman ang laging tumatanggol dito. 

Matagal ko ng pinagmamasdan ang galaw nitong si Jilliane,kakaiba kasi talaga siya. 

Isang araw,napadaan lang ako sa may tindahan,malapit lang naman yun sa school namin,pinuntahan ko lang yung kaibigan ko nung elem.pa kami. So yun nga,di naman ako mahilig tumambay sa kung saan-saan lang..nung araw lang talagang yun napatambay ako sa isang tindahan.. Habang nakaupo ako,may narinig akong familiar na boses.. 

Hindi na ko lumingon, bakit pa? Lam ko naman kung sino eh. Kahit pa di ko siya tingnan, alam kong siya yun..

nagtititili pa siya eh, haii.kairita talaga ang boses niya..eh.. Kasama niya naman ang Hernandez na yun. Pssh. Oo, alam ko close talaga sila. Tss. 

Inignore ko nalang sila,pakialam ko ba..

"Hoyyyyy!!"

Grabe talaga. Basagulera ba ang babaeng toh? Napalingon tuloy ako.

And..

My jaw dropped.

Pusha naman oh.

Si Dela Cruz ba toh????!?Si Dela Cruz ba talaga toooh??? She's not wearing her cap. Ang haba pala ng buhok niya,Waaah!! Pero.. Amazonang tomboy talaga..

Kumusta naman ba ang apakan niya sa may tyan ang sira ulong tabaching-ching na yun. Waah! 

Matapos niyang iknock out yung tabaching-ching na yun, kumaripas na sila ng takbo. 

Oh d*mn!

Grrr. Bat ba ako bumilib sakanya, Grrr!

I hate this kind of feelin'

Badtrip. Bat ko pa kasi siya nakita.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon