***4***
Kiel's POV
"Sabi ko..Mahal Kita..oo naman talaga diba? eh kasi kaibigan kaya kita..toh naman eh..wag mo yun kakalimutan!"
parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko..haiii! kala ko mahal niya ako.. hindi bilang isang kaibigan..
Ako nga pala si Ezekiel Hernandez..Kiel for short..
Matagal ko ng kilala si Jilliane. First year pa lang kami.
Tahimik lang siya nung una at pansin ko din na wala siyang masyadong kaibigan sa room.
Akala ko nga talaga dati tomboy yan eh. Kung gumalaw kasi alam mo yun?daig pa ako.
Hai.. sa tropa nga namin, mas mukha pa siyang lalaki kesa samin. Nakakainsecure lang,
Minsan kasi paggagala kami, siya yung mga tinitingnan ng mga babae, kala ata kasi lalaki siya.
Maputi kasi siya, makinis talaga. Anak mayaman eh. Lagi pa yan nakasumbrero. Tss. Angas ng dating..
Pero kung aalisin mo ang sumbrero niya, siya na ang PINAKAMAGANDANG BABAE na nakilala ko, bukod sa ate niya.
Dati kasi, crush ko ang Ate Laine niya, maganda talaga yun,, yun naman ang kikay version ni Jill, magkamukhang-magkamukha kasi sila, pero iba nga lang kumilos itong si Jill. barako eh..
Palaban masyado..wala atang kinakatakutan ang babaeng ito.
Siguro tatanungin niyo ako kung pano kami naging close?
Ganito lang naman kasi yun.
August nun.
May event sa school.
Magkasama kami nun nila Ace sa may grounds,pinagtitripan lang namin yung mga players ng baseball.
Wala lang trip nga eh.
Tawanan kami nun. Nung wala na kaming mapagtripan, pumunta kami nila Ace sa may likod ng Bldg ng High School Dep't.
Doon kasi ang tambayan naming tatlo.
Naglalakad na kami papunta sa likod, wala masyadong tao dun busy kasi ang mga tao sa panunuod ng kung anong ball games ngayon..
Bigla nalang kaming nakarinig ng kumakanta na may sabay na tugtog ng gitara.. nagtinginan kaming tatlo..sa tingin palang na yun alam na ang gagawin..
Nagtago kami, hinahanap namin kung saan nanggagaling ang magandang boses na yun.
Nagtago kami sa may malapit na puno doon sa likod ng Bldg namin.
Nagulat kaming tatlo sa nakita namin..
(O.O)
"Dre, si Jilliane yun diba?!
"Shhh! wag kang maingay"
Pinakinggan kong mabuti ang kinakanta niya..
eto nga yung kanta eh.
When you're gone, the pieces of my heart are missing you.
When you're gone, the face I came to know is missing too,
When you're gone---
Bigla nalang siyang tumigil.
Nakatingin siya sa langit, tulala.
Tahimik lang kami doon sa likod ng puno.. Nagmumukha tuloy kaming manyakis dito.
Eh kasi naman, para kaming namboboso. Alam niyo yun?