Madalas nakikita ni Tonton Si Theresa sa school date. Nga pala, sa Roosevelt College San Mateo sila nag-aaral. La lang, just sayin.. Pero hindi sila college, highschool palang sila. Gulo nga e, natatandaan ko dati nung nasa Pinas pa KO, naglalakad ako pauwi. Suot ko yung P.E. uniform ko, nakalagay dun "Roosevelt College Marikina". May nakasalubong akong manong (itago nalang natin sa pangalang "BOK"), tinanong nya ko, "Ton, sa Marikina ka ag-aaral?", "Hindi po, dyan lang sa may plaza, may roosevelt din dyan.", sabi ko. "E bat nakalagay sa uniform mo, "Marikina?". Sabay tawa sila nung mga kasama nyang lasinggero. Ngumiti nalang ako kasi feeling ko napahiya ako. Kahit naman kasi ako di ko alam "bakit nga naman Marikina yun?". Ayun lang, kinwento ko lang. Wala kong pake kung baduy to. Hahahaha!! :D
Mabalik tayo kay Theresa. Sabi ko nga madalas ko syang nakikita nun sa RC. Twing nakikita ko siya, nananakbo, may kahabulan, o kaya naman pawis na pawis, nagpapahinga sa "bench", o kaya tawa ng tawa kasama mga kaibgan nya. Akala ko nga dati tibo siya, gaslaw kase kumilos. Takbo ng takbo, pawis na pawis. Tas parang di marunong mag-ayos. Kalog nga kung tawagin.
Ayan lang masasabi ko sa kanya, sabi ko nga nung una, hindi naman kami nagusap nyan, nagkwentuhan, kahit nga magbatian hindi.
Di mo aakalaing yung nakikita mong pawisin at tatakbo takbo dati sa school nyo, ngayon MAHAL mo na..
![](https://img.wattpad.com/cover/1337156-288-k104454.jpg)
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?