Oh eto, para na naman saming mga lalake. Torpe. May nagsabi kasi sakin, magsulat daw ako tungkol sa mga torpe. Ewan ko.. baka merong nagkakagusto sa kanya kaso ayaw sabihin sa kanya kasi nagfe-feeling lang siya.
Alam naman siguro ng lahat kung anong ibig sabihin ng torpe. Syempre dahil mabait ako, sasabihin ko kung ano ibig sabihin ng torpe para sa mga hindi nakakaalam. Meron kasing dalawang klase ng torpe.. para sakin lang ah?
Torpe#1: Meron siyang gusto sa isang babae, kaso ayaw niya aminin, o ayaw niya sabihin sa babae. Siguro nahihiya, o kaya takot na baka mailang sa kanya yung babae kapag umamin siya, o kaya naman takot umamin dahil baka magaya siya sakin.. Alam mo na yun kung binabasa mo tong libro ko.
Torpe#2: Etong susunod hindi lang torpe to e. Tanga pa. Alam na nga nilang may gusto sa kanila yung babae, hindi pa gumawa ng "moves" para magkamabutihan sila ng babae. Ano gusto mo, babae pa lalapit sayo? Kasi minsan, kaya hindi mo nakukuha yung gusto mo dahil wala ka namang ginagawang diskarte.. sa lahat naman ng bagay kelangan yang diskarte, hindi lang sa panliligaw.
Pre, tip ko lang. Itigil mo na yang pagiging torpe mo. Kung gusto mong magkaron ng girlfriend at maranasan ang pinakamasayang mga araw sa buhay mo, wag ka maging torpe. Ano bang dahilan mo bakit ayaw mong umamin? Kung kaibigan mo yang gusto mo.. uhmm. Depende yun. mararamdaman mo naman yun kung gusto ka din niya e. Pwera nalang kung ganun pala siya talaga kahit sa iba. Kung natatakot ka naman sabihin sakanya dahil takot kang mabasted.. wag ganun. Lalake tayo pare, kasama sa panliligaw yan. Dapat twing manliligaw ka, handa ka sa kung ano mang sagot ang ibibgay sa yo ng babae. Kung "hindi" ang sagot niya, better luck next time pare. Pero hindi ibig sabihin nun titigl kana, o magiging torpe kana. Alam ko masakit mabasted, pero pare sinubukan mo lang naman.. e kung halimbawang makuha mo yung babae diba? Edi ang saya saya mo. Wag kang mag-isip na baka mabasted ka, o kung ano man.. subukan mo muna pare. Wala namang mawawala e, pwera nalang kung kaibigan mo siya. Haha.
Magkekwento pa ba ko sa sarili ko? Hahaha. Wala na kasi akong masabi.. kasi sa totoo lang di naman ako torpe. Kapag gusto ko yung babae, nagsasabi agad ako. Minsan tama yung desisyon ko, minsan naman mali. Sakto lang.. kapag umamin ako, 50% yug chance na baka gusto niya din ako, 50% din yung chance na baka di niya ko gusto. Wala sa isip ko yung salitang torpe.. kung gusto talaga kita, sasabihin ko sayo. Haha. Pero wag niyo yun gagayahin, ang lakas maka-basted nun. Hahaha! Taeng yan, pinamumukha ko sa inyong nababasted ako lagi ah. O.o
Basta yan lang, wag ka na maging torpe.. di ko alam solusyon dyan. Kung gusto mo ng tip sa panliligaw, basahin mo yung chapter 12. Baka makatulong. Hehe..
*END
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?