June 19
- Summer na! Pero ang lamig padin dito.. Ulan ng ulan. Di ko alam kung spring ba to o summer na. The weather is so weird now a days. -__- Kahit nung winter.
Marami akong plano ngayong summer. Pero bago ang lahat, gusto ko muna magpasalamat dahil sa 550 readers. =))) Ang saya saya ko kahit napakakonti nyan.. Salamat talaga. Ehh sabi ko naman nga sa una, hindi ko inaasahan na may magbasa nito, gusto ko lang talaga magsulat.. :)
Nung nasa pinas kasi, meron na kong diary. Pero yung diary na yun, tuwing inlove lang ako. Gaya nung nanligaw ako kay "Grace", binigay ko sa kanya yung diary ko. Ewan ko kung bakit ginawa ko yon. Diary nga eh, tapos bibigay mo? Yung isa naman, nung kami pa ni ex. Hindi si M***nang. Si M***kiss. Yung girlfriend ko nung papunta ko dito sa Canada. Hello M**kiss!! =)) Haha. Nakasulat dun yung mga nangyayare sa araw araw na buhay namin. Yung mga nangyayare kapag nagkikita kame, yung masasayang nagyare, pati yung malulungkot. Nakatatlong notebook kami nun, bukod pa yung mga sulat na ginagawa ko at niya. *Oooops tama na.
Sabi ko nga marami akong plano ngayong summer. Isa na yung pag-aapply ng trabaho. Bukas nga eh, mag-aapply ako. Nga pala, tapos na exam!! Wala na kong pasok!! Yess!! Sana mapasa ko yung mga exams ko..
Mamaya na ko magsusulat, o kaya bukas na. Nanonood kasi ako ng basketball. HEAT tska OKC. Lamang heat eh. :) Haha, sana machampion sila ngayon. =))) Gabi na din dito. Goodnight! :) Kung sino ka mang nagbabasa ka, INGAT LANG! :) Kisssss. :**
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?