Chapter 16: My First Love.

131 0 0
                                    

Nagumpisa lahat nung binelatan nya ko. Nasa Pinas pa ko nung nangyari to, masasabi ko sa sarili kong siya ang pinakaunang first love ko. :)

Groupings namin nun sa Filipino, group 1 kame. Freshmen ako sa highschool non, so syempre tahimik muna lahat dahil wala pa namang magkakakilala don. Nakabilog kami nun. Nakaupo ako, naghihintay kung sino magsasalita. Hindi naman ako yung taong mauuna magsalita sa grupo, lalo na kung di ko kilala.

Hanggang sa natignan ko sa mata tong babae na to, na kumakain ng candy. Halls pa nga yun e. Bigla na lang akong binelatan, nakita ko yung dila niyang puting puti dahil sa candy niya.

"Uyy cute to ah." Yan sabi ko sa isip ko nung pagtapos nun. Syempre ako, bahagyang kinilig, ngumiti ako sa kanya.

Lumipas ang mga araw, normal parin. Hindi ko sinasabi na gusto ko siya, magkaibigan na kame. Nagkaron na ko ng mga kaibgan, meron na kong paboritong teacher, meron na kong bestfriend, may grupo na kame. Tutal nabanggit ko na yung grupo, kekwento ko na kung pano nabuo yon.

F4 ang pangalan ng grupo namin. Syempre F4, apat kami sa grupo. Lahat lalake. Walang bading, pero may isip bata. Merong madaldal, meron ding tahimik. Merong poker face, merong crush ng bayan. Merong talented, merong bahagyang talented. Apat kami sa grupo, ako, si Joel, si Carlo, at si Bien. Si Joel, siya yung sinasabi kong poker face. Kapag kasi tinignan mo siya, ang unang impression mo sa kanya, tahimik. Nerd. Walang alam, walang muang sa mundo. Naalala ko pa nun dati.. kapag absent si Joel, tuwang tuwa kami ni Carlo, kasi magkatabi kami ni Carlo. Haha. Isang upuan kasi yung pagitan ko kay Carlo, ganito kasi sitting arrangement, Sa isang row, apat kami. Si Bien yung nasa isle, si Carlo, Si Joel, tapos ako yung huli, tabi ng bintana. Kaya kapag may amoy na hindi maganda galing sa labas, ako unang nakakaamoy.

Pinagtatawanan pa namin nun si Joel, kasi minsan makikita namin may muta sa mata. Hindi naka-unifrom, tapos parang may sariling mundo. Kapag pumapasok si Joel, minsan nakikipagpalit ako ng pwesto sa kanya para makipagdaldalan kay Carlo.

Ganyan kami kay Joel noon, pero di ko akalaing magiging bestfriend ko siya. Hindi ko na alam kung pano kami naging magbestfriend, pero isa lang masasabi ko. Kahit na nandito na ko sa Canada, hinding hindi ko makakalimutan si Joel. 

Si Carlo. Masasabi kong pagdating sa chicks, si Carlo may pinakamalakas na aura samin. Matangkad si Carlo, nagbabasketball, malakas ang dating. First year lang kami nun pero ang tinik nyan sa mga 2nd year highschool. Haha. Sa totoo lang, hindi ko masasabing kilala ko ng husto si Carlo, pero mabait siya. Kahit na alam niyang cute sya, hindi naman masyado malaki ulo. Konti lang. Haha. Isang beses ko nga lang yan nakita nagalit, yun yung nagbabasketball kami. Chickboy din yan si Carlo. 

Si Bien. Nabigla ako nung narinig ko boses ni Bien. First day kasi ng school nun, nakaupo siya, nakatakip yung panyo sa bibig. Singkit, parang ang sama ng tingin sa blackboard, seryoso, parang maangas ba. Mapeh namin nun, katabi ko si Carlo, katabi ni carlo si Bien. Tinanong ko si Carlo, "Marunong ka maggitara?", sabi niya hindi. "Eh yung katabi mo?". Pagkatanong ni Carlo, sumagot agad. Boses bata! Boses mabait. Nagulat ako, kasi kapag titignan mo si Bien, matikas. Inobserbahan ko siya simula nun, ayoko ng isulat dito kung anong naobserbahan ko sa kanya. 

*END

Eh sa gusto ko magsulat eh?!Where stories live. Discover now