Chapter 12: Ang panliligaw. Bow.

290 0 0
                                    

Panliligaw. Parang eto yung second step minsan bago ka magkaron ng isang relasyon sa isang tao. Bakit ko nasabing minsan? Sa iba kasi, ang unang step bago maging sila is, makipag-kaibgan. Yung parang kinilala talaga nila muna yung isa't isa. Parang ako, kinaibigan ko yung babaeng gusto ko, tapos ayun. Basted. Haha. Yung sa isa naman, parang strangers muna sila.. tapos magkakausap, ganyan. Magkikita.. tapos sila na agad. Habang sila, tska nila nakikilala yung isa't isa. Ganyan madalas yung relasyon na meron ako.. hindi dumadaan sa magkaibgan. Ayos lang naman sakin yan e, tumatagal naman kahit papano. Hahaha. Kaso mas pipiliin ko parin yung kaibigan mo, tapos magiging kayo. Atleast alam mo na kung ano siya, kung ano ugali niya.. basta kilala mo na siya. Kaso nga lang, malas ako sa ganyan. Kaya yung pangalawang method gamitin ko madalas. :P Hahaha. 

Merong iba't ibang klase ng panliligaw. Lalo na ngayon.. sobrang napakadali nalang manligaw sa isang babae. Merong facebook, text, baka nga meron pang friendster eh. Haha. Basta through e-mail or text. Kung shy ka naman sa personal, pwede kayo magskype. :P O kaya tawag mo sa phone.. ganyan ako nanligaw nung dati. Pero syempre hindi ako nahihiya sa personal dahil kelangan mo ipakita kung sino ka talaga sa babaeng gusto mo. 

Sabi nung mga babae, sana daw gaya ng dati nalang yung panliligaw sa kanila ngayon. Dati kasi, hinaharana yung babae, pumupunta talaga sa bahay nung babae tapos parang magpapaalam sa magulang nung babae na manliligaw siya. Ewan ko kung inaakyat pa nga ata sa bahay minsan. Hahaha. E kasi ngayon iba na.. Bibili ka nalang ng chocolate, o kaya stuff toys.. o kaya mag-date kayo sa labas.. yan yung mga may effort pa sa panliligaw. Yung iba kase, text text lang.. o kaya facebook.. tawagan tuwing gabi. Ni hindi man lang magpakita, o kaya kung makikita mo man hindi ka papansinin, kesho "Nahihiya kasi ako e.", "e aasarin ako ng mga kaibgan ko e." o kaya meron pa, "e marami kasing tao, baka may makakita." GUNGGONG. Kung gusto mo talaga yung tao, bakit ka mahihiya? Kung gusto mo talaga yung tao, gawin mo lahat ng paraan para magustuhan ka din niya.. Sorry ka nalang kung magagaya ka sakin. Atleast sinubukan mo. Yes? <//3

Ano ano ba mga tips sa panliligaw? Haha! Kala mo naman kung sino akong magaling manligaw eh, no? Ewan, eto lang yung nalalaman ko. Tsaka yung iba ginagawa ko.. 

1. Una, ipakita mo sa babae na gusto mo talaga siya.. na siya lang talaga yung gusto mo. Hindi yung nanliligaw ka, dalawahan, o kaya tatluhan. Hindi ka namimili ng laruan pare. Stick to one lang. 

2. Effort boy. Ipakita mo parin sa kanya na gusto mo talaga sya. Prang inulit ko lang yun ah. Hahaha. Basta effort, tip ko lang, ibahin mo yung klase ng panliligaw mo sa kanya. Kung kelangan mo haranahin, gawin mo. Basta effort, lalo na kung sobrang chicks yan nililigawan mo? Nako po. Hindi lang ikaw nanliligaw dyan. Ipakita mo sa babaeng yun na ikaw ang 'da best' sa lahat ng nanliligaw sa kanya. Pwera nalang kung may nagustuhan na yung babae.. nagaya ka na naman sakin dre. 

3. SINCERITY. Yan dapat, sincere ka. Gagamitin ko uli yung work na "ipakita". Ipakita mo sa kanya na sincere ka. Pano? Hmm. Pano nga ba? Siguro iwasan mo mambola. Halata naman kasing nambobola lang yung isang lalake kapag nabasa mo yung text niya.. o depende yun sa pagkakasabi mo. Kung halata kang mambola, goodluck nalang. Pero di ko sinasabing mambola ka ng babae kapag manliligaw ka, karamihan kasi ng babae kapag pinuri mo.. iniisip nilang nambobola ka. So ang challenge natin dun, yung mapuri natin sila na hindi nila maiisip na nambobola yun, which is true sometimes. WOW ENGLISH.

4. Ano pa ba? Eto last na ata to.. Hmm. Ipakita mo sa babaeng gusto mo siya. HAHAHA. Ibig ko sabihin don, ako kasi bago ako manligaw, syempre gusto mo muna. Tapos habang nanliligaw ako, minamahal ko na din yung babae. Kaya dapat, Mahal mo yung taong gusto mo. Hindi yung nililigawan mo lang siya dahil sa maganda siya.. o kaya sikat. O kaya alam mong madali kasing mabola.. o kaya bored ka. Ganun. Yung mga nonsense bang dahilan. Wag ganun pre.. ikaw kaya ligawan dyan? LUL. You wish. 

Oh ayan lang. Haha. Pero bago matapos tong sulat ko, magkekwento muna ako sa sarili ko kung pano ako manligaw non. WAG KA UMALIS KALA MO. NACLICK MO NA TONG CHAPTER NA TO KAYA MAY 1 READ NA NADAGDAG. WAG MO SAYANGIN YANG ONE READ NA YAN. 

Unang panliligaw: 

Nagsimula akong manligaw nun nung 3rd year highschool ako. Yun yung unang beses na nasabi ko sa sarili kong "May girlfriend na ko." Pano ba ginawa ko non? Hmm. Yung second method yun e. Haha. Nakita ko lang siya sa friendster (yun pa yung uso nun..), nagandahan ako sa kanya. And then nagmessage ako, sabi ko kung taga saan siya at kung ano number niya. Hahaha! Nagulat ako dahil taga-san mateo din siya at nakatira siya malapit sa school namin. Nag-aral din siya sa school na katabi namin.. yung Nuestra, parochial school yun. Hindi niya binigay yung number niya, pero number ko yung binigay ko dahil sabi niya. Smart kasi ako, siya globe. Sabi ko sa kanya, "magtext ka nalang sakin kapag nagsmart ka!". Hanggang sa isang araw, may nagtext sakin, sabi. "Sino kaya yung nagsabi saking magtext ako sa kanya kapag naka-smart na ko ?". Edi nagulat ako. Takbo agad ako sa tindahan eh, nagpaload agad ako. :) Actually utang pa nga yun e, dahil wala pakong pera nun.  Hanggang sa magkatext kami nung gabi na yun.. tapos kinabukasan, sabi ko magkita kami. So bago siya pumasok, pumunta muna siya sa school namin. Nagpakita, nagpakilala. Sabi pa niya sakin, "So, ikaw pala si Charles?". Haha tapos ayun. Usap onte, kelangan ko kausapin e. Ayoko ma-bored siya sakin. Tanong tanong. Ganyan.. Alam mo nangyare kinabukasan? Kinabukasan.. gabi na nun e. Aba, sinagot na ko! Hahaha. Akalain mong tatlong araw ko lang makukuha si *Tooooot*. Nung una ayoko pa, kasi nga parang ang bilis. Baka hindi pa siya seryoso.. hanggang sa pumayag na din ako. Haha. So ayun, tatlong araw. Bilis no? Tsk.. Wala eh.. eh ganun talaga tayo. Hahahaha! Joke. 

Yung mga sumunod kong naging girlfriend, ganyan din. Pero hindi naman tatlong araw. Meron namang isang linggo lang. Ewan ko kung bakit ang bilis bilis akong sagutin ng babae. Eh tinetext ko lang naman sila, ganyan.. nagkikita. Ganun. Ewan ko, pero sabi kasi "sincere" daw ako manligaw. Yung isa naman, sabi niya, "Minsan lang kasi ako makakita ng kagaya mo. Baka mawala kapa kaya sinagot na kita.", yung isa naman, "Eh ayoko ng pahirapan ka.. tutal mahal naman kita, edi tayo na." ewan ko. Malay. Hindi ko naman iniisp yung mga sinasabi nila sakin.. basta skin, kapag liligawan ko, liligawan ko talaga. Ipapakita ko kung ano ako, kung sino ba talaga ko. Ganun. Ang nakakatawa lang kase, kung sino pa yung binibgyan ko talaga ng effort, sila pa yung nambabasted. Hahaha. Mas masakit yun. Isa pa pala, kapag nanligaw ako, gusto ko ako lang nanliligaw sa kanya.. ayoko ng may kaagaw o kakompitensiya. Wala lang, ayoko lang kasi. Kahit gusto ko yung babae, talagang mag-gigive way na ko dun sa isang lalake. PERO. PERO depende parin yan sa siwasyon. ;) 

Sa mga nakakaalam na marunong ako maggitara.. buti alam mo. Kung magtatanong ka kung may hinarana na ba kong babae.. ISA PA LANG. Nag-iisa palang.. kasi hindi yun sa personal. Skype lang e. Yun yung kahit na panget yung boses ko, magulo itsura ko, kinakantahan ko parin siya. Sa ganung paraan ko lang kasi mapapakita sa kanya na mahal ko siya.. change topic na. Haha. Hindi pa pala ako bumibili ng chocolate para sa babae, actually meron na. Pero hindi ko naman siya nililigawan non kasi may boyfriend siya. Gusto ko lang siya.. pero dahil sabi ko nga tanga ko, binigyan ko parin siya nun pati yung kwintas na binili ko.. na hindi ko nga alam kung sinusuot nya yun ngayon. 

Sa ngayon, hindi ko alam kung kelan ako uli manliligaw. Hindi ko alam kasi hindi pa ko handa manligaw ule. At ayoko pa manligaw ngayon.. manliligaw lang ako kapag tumangkad na ko. basta sa mga lalake dyan, kung meron mang nagbabasa nito na lalake. Umayos ka sa panliligaw mo.. Bago ka manligaw, siguraduhin mong hindi mo siya nililigawan dahil sa kung ano mang dahilan.. manliligaw ka kasi gusto mo siya at mahal mo siya at ipapakita mo sa kanya na karapatdapat mong makuha yung matamis na OO niya. Kahit na alam mong may gusto sayo, EFFORT padin at dpaat sincere. Siguraduhin mo ring may pera ka, just in case pre. Kung magagaya ka naman sakin na matakaw sa basted, ayos lang yan. Atleast sinubukan mo..

*END  

Eh sa gusto ko magsulat eh?!Where stories live. Discover now