"an intimate relationship that takes place when the partners are separated by a considerable distance."
Yan daw ibig sabihin ng long distance relationship.. merong iba't ibang dahilan kung bakit merong long distance relationship.
* Una na yung mga mag-aasawa, lalo na sa Pinas. Madami akong kilala na nasa ibang bansa yung mga asawa nila. Isa nayung dahilan kung bakit may Long Distance Relationship.
* Pangalawa, yung mga nagmimigrate tapos may naiwang girlfriend kung saan man. Parang ako, bago ako umalis dito, sabi ko nga may girlfriend ako.. alam niya tungkol sa pag-alis ko sa pinas. Alam namin kung gano kahirap yung pagdadaanan namin, pero pinili parin naming sumugal o subukan, kesa naman sa itapon namin lahat ng pinagsamahan namin.. wala namang mawawala kung susubukan namin. Kaso ayun.. hindi happy ending. Haha.
* Eto yung pangatlo, ewan ko kung uso padin to sa pinas. Pero nung nasa pinas pa ko, mga 2nd year highschool ako, merong mga ganito e:
"Uyy pre, penge namang katext, yung babae." :)
"Eto try mo.. 0919*******"
Tapos itetext na nung lalake yan.. swerte sya kung malapit sa kanila yung katext nya, kung hindi, dun na papasok yung long distance relationship. HAHA.
syempre papakilala na yung lalake, ano nga bayun.. may usong word dun e. Yung name, age, sex, location, may mga ganun pang nalalaman dati e. Nakalimutan ko lang dati. Hahaha. Pagtapos, syempre araw araw yan magkatext, ganyan ganyan.. hanggang sa aabutin na ng madaling araw, magkatext lang silang dalawa.. Susunod na nun, magtatawagan na yan tuwing gabi.. magdamag yan maguusap hanggang madaling araw.. Tapos nun, magkakaron na yan sila ng tawagan.. yung mga "panget", "bhe".. mga ganyan. Mga pang-jeje ba. Hahaha.
Tapos kapag naging sila na, gagamitin din nila yang tawagan.. "Panget ko!", "bhe ko", "Asawa quoh!", "Mahal", ganyan.. tapos, sila na. Di ko alam kung gano sila magtatagal.. pero sabi nila may nagtatagal naman daw sa ganyan, yung sa text lang nagkausap, tapos mahuhulog na sa isa't -isa. Kwento ng kaibigan ko nun sakin dati, meron daw caller si Papa Jack na ganito sitwasyon, 8 years na daw sila pero di pa daw sila nagkikita.. E ang ginawa daw ni Papa Jack, pinaghiwalay daw sila kasi kalokohan lang daw yung mga ganun klaseng sitwasyon. (Yung kaibigan ko din kasi nung oras na yun may boyfriend na ganito sitwasyon nila.. HINT: "Panget ko" tawagan nilang dalawa.. Ajejejeje. :P) Kung iisipin mo nga din naman, walong taon yon tapos hindi pa kayo nagkikita? Tapos sa pilipinas lang yun ah, mura lang ng pamasahe dun kumpara mo sa pamasahe papuntang ibang bansa.. Kung mahal talaga nung lalake yung babaeng yun, kahit papano magiipon siya para makita man lang yung girfriend nya kung nasan man yun. Walong taon yun, kahit magipon ka ng piso araw araw, sobra sobra pa sa pamasahe maiipon nya. Sabi nga ni Rico Blanco, "Kung ayaw may dahilan, kung gusto ay laging merong paraan."
Tama na yan. Wala na kong naiisip na example ng LDR. Pero sabihin na nating andyan na, nasa isang long distance relationship kana.. Ano ano ba daw kelangan para tumagal yan at magwork yang relasyon nyo, hanggang sa magkita kayo uli. Hindi naman habang buhay na nasa long distance relationship kayo.
* LOVE - syempre unang una yan. Hindi ka naman susugal o papayag mapasok sa isang long distance relationship kung hindi mo mahal yung tao. (IBA YUNG GUSTO MO SA MAHAL MO..)
* PATIENCE - Eto din, isa pa to sa pinakaimportanteng dapat meron ka. Kasi kapag ikaw nasa isang long distance relationship, walang kasiguraduhan kung kelan kayo magkikita uli. Hindi natin alam kung anong pwede mangyare, kaya nga sumusugal e. Diba? Kaya kung sa una palang alam mo ng hindi mo kaya maghintay ng matagalan, wag na wag kang papasok sa long distance relationship, kasi sa huli alam mo na ding masasaktan ka lang, na masasaktan din yung karelasyon mo, nasayang pa yung oras nyo sa isa't -isa. Diba? Diba? Depende nalang kung mahal mo talaga.. :P
* TRUST - Hindi yung condom. Hahaha! joke lang. Isa din yan, dapat meron kang tiwala sa pakner mo. Meron din syang tiwala sayo. Merong trust. TRUST. Tiwala. Hindi ka papayag na masira ang tiwala sayo ng partner mo.. vice versa. Para gawin yon, hindi ka magsisinungaling sa kanya. Hindi ka gagawa ng kung ano anong bagay na alam mong makakasira ng tiwala ng pakner mo. Kasi once na masira ang tiwala, mahirap na magbalik ng tiwala. Based on experience na yan.. hanggang sa manlalamig ka sakanya, maghihiwalay na kayo. Bad.
Tiwala lang.. Mahal ka nun.
Meron din akong napanood sa youtube nun, tungkol sa LDR. Yung lalake, taga singapore, tapos yung babae taga USA ata. So nagstart sila sa Facebook, yung mga like ng pictures. Ganun. Hanggang sa magkausap na sila araw araw.. hanggang sa nagskype na sila. Ewan ko kung dalawang taon yung pinaghintay nilang dalawa, hanggang sa dumating na yung araw na nagkita silang dalawa. Napakasaya daw ng pakiramdam, parang yun na yung pinakamasayang araw nila. Unang kiss.. unang hug.. unang holding hands. Makikita mo sa kanila na masaya talaga sila. Nakakainggit nga eh. <//3 Yung lalake may gawa nun, ginawa nya yun para daw maging inspiration sa lahat ng nasa long distance relationship. Nakakainspire nga naman kapag napanood mo siya. Try mo panoorin.
*END
![](https://img.wattpad.com/cover/1337156-288-k104454.jpg)
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomansaBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?