Charles Nathaniel Demillo Daquial. Yan tunay kong pangalan. Madalas lahat ng nakakakilala sakin, relatives, churchmates, mga kapatid ko, si mama si papa, "Tonton" nila ko kung tawagin. Yung mga kaklase ko kase Charles talaga tawag sakin. 17 years old na ko, pero dahil sa liit kong to, napagkakamalan akong 15 or 16. Lalo na nasa Canada ako ngayon, sa pinas pa nga lang nanliliit na ko, lalo pa kaya dito. Pero hindi naman ako yung sobrang liit, maliit lang talaga ko para sa 17 years old. Sakit sa puso. <///3..
Lumaki ako sa San Mateo, Rizal. Katabi yun ng Marikina, medyo malapit sa Montalban, nandun daw yung paa ni Bernardo Carpio, yung may malaking paa.. Ewan ko lang, di pa kasi ako nakakapunta dun. Meron akong 3 kapatid, dalawang babae, isang lalake. Pangalawa ko sa magkakapatid. Pero dahil nga maliit ako, napagkakamalan akong pangatlo sa magkakapatid. Tapos babyface pa daw kasi ako. Hihi. :> Sabi ni Papa samin, may dugong bughaw daw kami. Yung tatay kasi ng tatay nya, espanyol daw. Sabi pa nga may "Daquial Street" daw sa probinsya namin. Yun yung napakahabang street na dinadaanan ng mga kalesa, tricycle, jeep, pati bus. Nasa tapat lang ng bahay namin yung street nayun, ngayon di ko na alam kung anong pangalan nung street.
Graduate ako ng highschool sa Pinas, dun nga sa Roosevelt College San Mateo. Valedictorian. Joke! Wala akong honor nun, nawala kasi ako sa Star section simula nung 3rd year highschool ako. Naaalala ko nung mga first day ko palang sa section nayun, sobrang tahimik ko, nakakaOP, tapos aral ako ng aral nun. Sipag ko gumawa ng assignments, kapag may test nagrereview talaga ko, para kapag 4th year na ko, star section uli ako... Kaso wala e, nahawa din ako sa kanila. Haha. Pero masasaya sila kasama, dun ako natututo mantrip, tapos close na close kaming lahat. Walang pressure, ganun. Pero syempre nag-aaral pdn ako. :P
Ngayon nasa Canada na ko, balik grade school. Grade 11 ako ngayon, parang college yung system dito. Ikaw mamimili ng subjects mo, kung anong oras, kung anong semester mo kukunin. 50 ang passing nila dito, so kapag nakakuha ka ng palakol, mataas nayun.. parang ako, palakol sa math. <//3
Tama na, tinatamad na ko magpakilala ng sarili ko. Hahaha. Sino ba ko, wala namang magbabasa nito. Ayan, basta maliit ako... Tas maganda yung mata.
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?