Chapter 24: Jennifer "Jhembang" Santos

153 2 4
  • Dedicated to Jhee Santos Ü
                                    

Una sa lahat, pasensya kana kasi nakalimutan ko na middle name mo. Sorry na din kung napaasa kita dahil kala mo o niyo uuwi ako. Hahaha. Nakonsensya ako bigla. Hindi sana ko magsusulat tungkol sayo kung di lang nawala yung sinusulat ko. Nakakainis eh! Haba haba na biglang nagclose. Hindi nakakagigil eh. Isa pa, medyo close naman tayo eh kaya susulat ako ng mga alam ko sayo. Ayoko sabihing close kasi baka isipin mong feeling close ako sayo. Duhh.

Nakilala ko si Jhembang nung highschool ako. Ewan ko ba san nanggaling yung nickname niyang "JHEMBANG", haha. May naiisip tuloy akong punchline kaso ayoko isulat dahil habang tinitype ko to, nagbanta na siyang mag-ingat daw ako sa mga isusulat ko. Ayun, nakilala ko nga tong si "JhemBANG" nung highschool. Nawala kasi ako sa star section nun, ang emo ko nun nung nahiwalay ako sa nakagisnan kong section. Pero pasalamat nadin ako dahil marami akong nakilalang kaibigan at makukulit na tae gaya ni "JhemBANG". Marami yan sila nung nakilala ko. Meron pala akong kilala sa section na yun dahil classmate ko nung grade 6. Dalawa sila, si Mary Anne at Rachelle. Matino si Rachelle pero si Mhe-anne, no comment ako dyan. (Natatawa tuloy ako bigla).

Balik tayo sa bida ng kwento ko,... si "JhemBANG". Sabi ko nga nakilala ko yan nung highschool ako, wag ka mainis dahil paulit ulit ako. Third year to be exact. Sa likod yan ng room nakaupo, Santos eh. Pang-26 siya sa class record, last girl. Katabi niya sila Wena, si Clyrah, nung 4th year, dumagdag si Cayen, ang batang ina. JOKE. (Namimiss ko sila habang sinusulat ko to)

DESCRIBE JHEMBANG:

Masasabi kong simpleng babae lang si Jhembang. Isang estudyanteng nag-aaral mabuti, pero kahit nag-aaral mabuti, may oras parin sa barkada, may oras pa din sa kalokohan. Hindi siya yung tipong "nerd" kung tawagin at hindi rin siya yung tipong "sipsip" sa kahit sinong teacher. Masasabi ko ring masayahin yan si Jhembang, madalas akong tumatabi sa kanya sa likod non, makikipagharutan, makikipaglandian, magkekwentuhan habang nagsusulat ng mahabang notes o kaya kapag walang teacher. Nga pala, nakalimutan ko. HINDI YAN NAGPAPAKOPYA. Ewan ko kung sakin lang ah? Pero wala akong maalala na pinakopya ko niyan sa quiz, yung homework oo ata. Ewan, madamot yan eh. Kung tatanungin mo kung anong itsura ni Jhembang, mas mabuti na sigurong saming dalawa nalang kung anong itsura niya. JOKE. Kapag nakita mo si Jhembang, para kang nakakita ng bulak sa sobra niyang puti, para kang nakakita ng matataas na gusali sa sobra niyang taas, para kang nakakita ng pusit dahil sa haba ng kanyang katawan, para kang nakakita ng kabayong tumatakbo sa kanyang maaamong mukha, at para ka na ring nakakita ng isang buhay na patpat na naglalakad. JOKE lang ule. Pinagtripan ko lang yung description, pero para sa simpleng description, maputi siya, mapayat, matangkad, at may talent yung mukha niya. Yung mga tigyawat niya naglalakad lang sa mukha niya, minsan sa kanag pisngi, tapos biglang magiging sa noo, tapos sa kanang pisngi, paikot ikot lang. Isang beses nun oh, parang nawawala yung tigyawat niya nun.. nainlove ako ng onti eh. Gumanda kasi, joke lang yung nainlove ako pero gumanda siya. Tapos bumalik na naman, tinanong ko kung bakit, sabi niya may gamot daw siyang ginagamit, ubos na daw, mahal daw yun eh. Yan itsura niya, pero ganda din nyan nung prom nung 4th year. Na-shock ako nung nakita ko eh, ganda nung buhok tska nung dress niya. Parang Katrina Halili scandal eh! Pero ganda talaga niya nun! Ipapanalangin mong sana prom nalang araw araw para ganun siya kaganda palagi. Kaso nung prom lang eh. :/ JOKE ule. 

(NP: Be Your Everything by Boys Like Girls..)

Hindi ko alam kung anong paboritong ulam niyan ni Jhembang, pero huhulaan ko kung ano. Uhhhm, gusto niyan yung Tortang giniling sa pangatlong canteen sa school nun, may sabaw pang gravy. Haha di ako sigurado kung ano. Pero siguro naman gusto niyang ng Adobo at Sinigang na Baboy, tska Tinola. Yan hula ko kasi paborito ko yang tatlo na yan. Kung di niya yan paborito, siguro naman nasasarapan siya kapag kinakain niya yan. Kapag sinusubo niya na yung kutsara kasi nga masarap yung ulam. Sobrang sarap. Ano pa ba alam ko kay Jhembang? Mahilig din pala yan sa KPOP, kapag hiniram mo yung phone nyan, marami ding KPOP, marami ding mga lovesongs, pang senti, pang emo, kahit ano meron sa playlist niya. Porn nalang kulang sa phone niyan eh. Lagi kong hinihiram yung phone niyan, dahil sa mga kanta niya. Yung mga gusto ko kasi meron din siya, KPOP lang di ko pinapakinggan.  Syempre babae, marami din pictures phone niya. May animated, may mga picture ng gwapong lalake, tas kunwari may fan-sign siya. Obsessed sa mga koreanong gwapo eh. 

Punta naman tayo sa lovelife ni Jhembang. Kahit papano naman may alam din ako dyan. ;)

Nainlove yan isang beses. Itago nalang natin sa pangalang "Jelo". Ayoko sabihing yan talaga yung tunay niyang pangalan. Wala akong pake kung mainis ka sakin Jhembang dahil sinabi ko pangalan ng ex mo, pagtapos ka lokohin niyan? Pwera nalang kung bitter ka. Haha. Ganito kasi yan, ewan ko kung tama tong ikekwento ko. Nakilala niya yan sa text ata. Diba uso dati yung mga clan clan ganyan ganyan, yung mga may codename pa. Parang "Ms. Sexybabe", "Mr. Papabol", "AkosiJEJE", "Ilovepink", "ImsoHOT", "SuperDICKens", yung mga ganyan. Tapos meron pang mga eyeball niyan. Ewan ko kung sumasama sila, pero ang alam ko si Claira sumama eh, dun sila nanghuhunt ng mga manloloko sa kanila. Gagawing boyfriend tas magbebreak din. Tas makikita mo nalang kinabukasan puro laslas yung braso, iiyak. Ganyan ganyan. Magdadrama, iiyak. Kunwaring walang gana kumain pero sa loob loob gutom na. PERO, kahit ganyan, nirerespeto ko parin mga kaibigan ko. Mahal ko padin yan. Haha! 

Balik uli tayo kay Jhembang, di ko alam kung anong codename niya. Pero yung lalakeng minahal niya alam ko, kung di ako nagkakamali. "Yellow" ata yung codename, o "Jelo". Ewan ko. Ayun nga nakilala niya yan sa text, magkausap, siguro nagkapuyatan sa text, hanggang sa nagtatawagan na silang dalawa, na umaabot na ng madaling araw, ganyan. BOOM, ayun nahulog. Nahulog siguro sa boses tska sa "picture" nung lalake. 4 ata monthsary nila, ang tawagan nila, "Panget ko". (*PUKE), siguro parehas silang panget kaya yan tawagan nila. Ang jeje ni Jhembang. Pwede namang, "Baby", "Babe". O kaya pagsamahin mo, "Babybabes". Meron pa nga, "Daddy quh", "Dhie dhie", "Mhie", "asawa quoh", HAHA! Natatawa ko habang nagsusulat. PERO, sabi ko nga nirerespeto ko sila. Kanya kanyang trip yan eh. :) Oo aaminin ko, naganyan din ako, meron akong katext na jeje, Dalawa! "Panget quoh" tawag sakin nung isa, "Asawa ko" naman yung isa. Nakakatawa kapag naaalala ko. Ayun na, nainlove sila sa isa't isa, hanggang sa malaman ni Jhembang na nakikipagbalikan yung Jelo sa ex niya, o may girlfriend ata nung time na yun? Ewan. Basta naging okay sila pagtapos nun, ang malupit pa nun, poser pala yung Jelo. Ang pinapakita kasing picture nung lalake kay Jhembang, parang koreano na gwapo, ganun. Kapag nakita mo, maghihinala ka kaagad na kung siya ba yun. Hanggang sa nalaman na nga ni Jhembang na poser, eh dahil mahal niya na nga daw, tinanggap niya at naging okay sila ule. Kaso nalaman na naman ata na nakikipagbalikan sa ex, ayun. Nadala na ang nag-iisa kong si Jhembang. Naalala ko pa nun, nasa Mcdo yung section namin, kinakausap namin yung "Jelo", basta inaaway ata namin siya. Nakalimutan ko na eh, kami kumausap ni Pareng Kyle dun. Haha. Tama lang na minura ni Kyle yun. Manloloko eh!

Hanggang sa gumraduate na kami, nahiwalay na ko sa kanila. Sa mga kaibigan kong matalik at tunay. Napunta na ko dito sa Canada, sila nasa pinas nag-aaral ng kanya kanya nilang course. Nalulungkot ako kapag naiiisip kong matagal pa bago ko sila makita uli, siguro may mga asawa na sila, magaganda na buhay nila pati trabaho. Sa Trinity University of Asia nag-aaral si Jhembang.  Dun nag-aral ate ko dati eh, ganda din ata dun. Kasama niya si Meng Meng. Ayun, nag-aaral ng tourism, haha. Nagbabalak maging tour guide sa field trip ng mga bata. Haha. Namimiss ko na sila, pati na si Jhembang, lahat! Lahat ng nasa Agoncillo, pati si Codina miss ko na rin, kahit si Resterlyn. Baka nga yakapin ko pa sila kapag nakauwi na ko eh. Basta miss ko na mga kaibigan ko, ibang iba. Wala akong makitang kagaya nila dito sa Winnipeg. Siguro sa una lang to, pero kahit na magkaron ako ng kaibigan dito, ibang iba parin ang Agoncillo sakin. Ang daming tinuro ng section na yun sakin, yung dating pakiramdam ko na nagsisisi ako kung bakit ako napunta dun, lahat yun nawala nung nakilala ko sila lahat. :) 

NOTE: Di ko alam kung tama lahat at totoo mga kinwento ko dito, haha. Kaya walang kasiguraduhan to, wag kayo maniniwala sa mga sinasabi ko. Pero yung description kay Jhembang, totoo yun. ;)

Message ko kay Jhembang:

BHE! Wahaha. XD Anak, miss kana ng tatay mo. Haha. Mag-iingat ka dyan palagi, miss na miss ko na kayo lahat. Mag-aral lang mabuti at alam ko namang hindi ikaw yung tipo ng babaeng mabubuntis kaagad. Haha. Goodluck sa lahat! Sa studies, sa lovelife, pati sa career. Godbless! :) 

Eh sa gusto ko magsulat eh?!Where stories live. Discover now