Tumawag ako nun kay Grace nung araw na yun.
"Ano yung sinasabi sakin ni J***** na hindi mo na daw ako gusto?" tinanong ko.
"Hindi naman sa ganun... Kasi.."
"Kasi ano?"
"Kasi... parang.. yumayabang kana simula nung naging mag-M.U. tayo."
.
.
.
Nanggaling na sa bibig niya yun. Natahimik na naman ako...
Mag-isa lang uli siya sa taas. Kausap niya uli ako, mainit parin. Pinapawisan na daw siya. Sinubukan ko uling manakot... pero yung dating pananakot ko, na natatakot naman siya. Ngayon, wala ng sagot.. Tahimik na kaming dalawa. Parang naka-hang na yung phone. Nasaktan ako nung gabing yun.
"Sige na bbye na." sabi ko nalang sa kanya.
"Sige."
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan uli.
Kanino ba kayo lumalapit o kaya nagpapatulong kapag may problema kayo? Diba sa bestfriend niyo?
Si Joel. Bestfriend ko. Bestfriend na bestfriend ko yun. Sabi ko, "Joel, patulong naman ako. May problema kasi kami ni Grace."
"Osige. Kakausapin ko."
...
.
.
Tuwing Math. Magkatabi silang dalawa. Nasa harap ko silang dalawa. Tuwing Math naman, nakakalimutan ko yung mga problema ko. Nakakatawa kasi yung teacher namin sa Math. Da best yun. Yun yung pinakanakakatawang teacher na nakilala ko sa school, pero kapag nagalit naman, sobra talaga.
Isang araw nga nun, yung katabi ko, si Jean. Lalake siya. Oo, lalake. Alam kong pambabae yung pangalang Jean. Dinadaldal ako habang nagtuturo si Sir Geyser. Nakikipagdaldalan naman ako nung una. Nakita ko si Sir, nakatingin na saming dalawa.. pero nagtuturo pa naman siya. Sa isip isip ko nun, "JEAN NAKATINGIN NA SI SIR, MAKINIG KANA." Hindi ko lang masabi kasi tuwang tuwa siya sa kinekwento niya sakin na tungkol ata sa asong namatay.
"Y = mx + b". Sabi ni sir, sinulat pa niya yan sa blackboard. Napuno na ata si Sir.
"JEAN, stand up."
Tayo naman si kumag.
"What is slope-intercept form?"
Habang sinusulat ko to, natatawa parin ako. Hahaha!
"Y = ax + c." sagot niya.
Pagkasabi niya nun, meron na kong nariring na mahinang natatawa sa likod.
"YOU LOOK LIKE AN IDIOT." Tawa kami ng tawa pagkasabi sa kanya ni Sir nun.
"Tignan niyo? Di niya alam yung sagot kasi walang ginawala kundi dumaldal sa katabi."
"Again, what is slope-intercept form?" Tanong uli ni sir.
"Y is equal to...".
Ang nakakatawa pa nun, kapag tinignan mo si Jean, akala mo naman talaga nag-iisip, Yung parang alam niya yung sagot kaso nakalimutan niya lang. Nakatingin pa siya nun sa kisame, parang nag-iisi talaga. Hindi niya alam,na dapat sa blackboard siya tumingin dahil andun yung sagot.
"Is equal to whaat?" tanong uli ni sir.
"Nasa blackboard Jean!", meron ng bumubulong sa likod ko.
"Y = mx +b." nasagot na din niya sa wakas.
Napahiya nun si Jean, pero pagtapos siya masermunan at mapahiya, nakinig na siya kay Sir Geyser.
Binigyan na kami ng seatwork ni Sir. Habang nagsusulat, lumapit si Sir. Sumandal dun sa may bintana.
"Wala kasing ginawa kundi makipagdaldalan kay Daquial."
"Hehe." sabi niya. Di ako sigurado kung nag-sorry ba siya.
Tinanong uli siya ni Sir ng what is slope-intercpet form. Ang bilis niya sumagot.
.
.
.
.
.
Pagkauwian, tinatanong ko si Joel kung ano ng sabi sa kanya ni Grace.
"Hindi naman namin pinag-uusapan eh. Wag na daw namin pag-usapan sabi niya."
.
.
Lumilipas yung araw. Hindi parin kami okay ni Grace. Umaasa parin akong magiging okay ang lahat samin. Mababalik kami sa dati. Wala paring balita galing kay Joel.
Hanggang sa isang araw.. napapansin kong nagkakamabutihan na ata sila. Nakikita mo naman sa kilos nila. Ayoko pang tanggapin na hindi na ko gusto ni Grace, hindi ko pa tinatanggap na si Joel na gusto niya. Umaasa parin akong magiging okay na lahat..
.
.
.
.
.
.
.
.
Groupings na. Third quarter na ata nun, iba na yung groupings namin sa FIlipino. Hindi na kami magkagrupo ni Grace. Magkagrupo na sila ngayon ni Joel..
Isang araw nun, nagperform yung group nila. Nakaupo ako sa bandang likod. Okay na sana yung performance nila eh, kung di lang sila nagholding hands. Ang sweet sweet nilang dalawa.. <//3
"OUCH CHARLES!!", sisigawan kapa ng mga kaklase mo ng ganyan. Ipapakita mong okay ka lang, pero sa loob.. durog na durog kana. Hahaha. Kainis yung araw na yun. Meron pang nagsabi ng "Si Charles parang naiiyak oh!!". Kainis. Edi lahat sila nakatingin sakin. Nakatingin lang ako sa harapan habang umiiling. Pinapakita ko nalang sa kanila na ayos lang ako..
.
.
.
.
.
Hindi ko parin tanggap. Kung tatanungin mo kung anong nangyari samin ni Joel, ayos lang kaming dalawa. Walang nagbabago. Nagbabago lang kapag magkasama na sila ni Grace. Nasasaktan kasi ako. Ang bigat sa pakiramdam, na nakikita mo yung dalawang taong importante sayo, masayang masayang nilalanggam. <//3
Hindi naman siguro minsan maiiwasan magusto ng kaibigan mo yung taong gusto mo rin. Lalo na sa sitwasyon ko. Maraming may gusto kay Grace, nagulat lang ako dahil sa kung sino pa yung hiningan kong tulong, siya pa yung nagustuhan ng taong mahal na mahal ko. Ang bilis. Pero wala akong sinisisi sa nangyare, kahit na nagawa sakin ng kaibigan ko yun, walang angbago samin. Dun naman ako bilib sa pagkakaibigan namin ni Joel, kaya nga sabi ko, kahit na nandito na ko, hinding hindi ko makakalimutan si Joel. Wala akong pake kung ako limot na niya, basta siya hindi ko makakalimutan..
Maraming beses akong nahuhulog uli kay Grace. Sumubok ako uli ng 4th year, pero wala talaga eh.. Haha. Pero sabi ko naman, masaya na ko ngayon. Dahil isa si Grace sa pinakamalapit na babae sa buhay ko. Kaibigan ba. Okay na kami ngayon, mas masaya kami ng ganito. Tama naman siguro yung sinabi niya, na mas okay kung ganito lang kami. :)
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomansaBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?