Naniniwala ako ng lahat ng tao may crush. Hindi ko alam kung kelan nagsisimula magkaron ng crush ang isang tao..Kinder palang kasi may crush na agad ako. Hindi ko alam kung yung ibang bata ganun din gaya ko.. Baka. Siguro.
Magsusulat ako tungkol sa crushes ngayon, nagsuggest kasi yung kaibigan kong matalino tungkol daw sa crush..itago nalang natin sa pangalang "Pearlie". SIya ngayon ang inspirasyon ko para isulat ang kwento ko ngayon. Kaya "Pearlie", sorry kung ikekwento ko sa kanila kung gano ka kiligin kapag nakikita mo yung crush mo.
Ano ba yung crush? Ang crush para sakin.. ano ba.. lahat ng nakikita mo sa kanya maganda. Sabi nga "paghanga" daw. Hinahangaan mo yung ugali nya, o madalas dahil sa itsura nya. Wala pa namang nagkakacrush sa dahil sa panget siya diba? Nabasa ko din dati, na kapag yung crush mo naging crush mo na ng tatlong bwan o mahigit.. Mahal mo na daw yun. Yung crush, para sakin.. sila yung iniisip mo lagi. Nagdadaydream ka ng kung ano ano..kunwari kasama mo siya.. ganyan..ganyan. Minsan napapanaginipan mo pa..ako nangyayari sakin yan madala. Kapag crush na crush ko yung isang tao, bigla bigla ko nalang siyang mapapanaginipan.. madalas ganito mapanaginipan ko. Crush nya din daw ako.. nagdate daw kami.. nasa park kaming dalawa, nayayakap ko siya ganyan.. kaya kapag napanaginipan ko yung crush ko, parang paggising ko ng umaga, maganda na yung araw ko. :)
Ano ba reaksyon ng mga babae/lalake kapag nandyan si CRUSH?
Unahin ko muna syempre mga lalake. Ewan ko kung ganito yung iba, pero kasi ganito ako.. :)
Kwento ko sa inyo yung naging crush ko dito sa Canada nung dumating ako.. (Sana wag niya mabasa to.) Nag-aaral kami sa isang school.. parehas kaming bagong dating, pero hindi siya pumasok nung first day ng school. Nung second day, nakasalubong ko siya kasama niya yung kapatid niya. "Kuya, san yung room **?", di ko na matandaan kung yan ba tanong niya sakin, basta nagtanong siya samin ng kapatid ko. Sinagot ko naman, hinatid namin sila sa room nila ng ate niya. Nung una ko siyang nakita.. una, cute siya para sakin. Alam ko na sa sarili ko nun na magugustuhan ko tong babae na to kapag nagtagal.. pero iniisip ko paring pigilan yung sarili ko. Hanggang sa nagkita kami sa lunch, pinakilala namin siya sa mga pilipino din dito sa school.. Kapag kelangan niya ng tulong, ako naman tong silapit ng lapit sa kanya. Haha.
Tapos isang araw, talagang crush ko na iya. Haha. Lunch nun, tinignan ko yung schedule ng mga classes niya, tinanong ko kung ano ano ginagawa sa sabuject na to, ganyan.. ganyan. Merong subject siyang subject na pangalan, "3D/2D modelling". Meron akong ganung subject dati pero pinalitan ko na, kasi sabi nung ibang pinoy "boring" daw dun..syempre mas matagal sila sakin dito, naniwala naman ako. Nung tinanong ko si crush kung ano ginagawa dun, sabi niya, gumagawa daw sila ng "doghouse",tska ng marami pa. Interesado naman talaga ko pagdating sa mga computer.. tapos siya pa nagsabi sakin, edi mas nagustuhan ko yon. Haha. Tapos sabi pa nya, wala daw siyang kasama sa class na yun.
Kinabukasan nun, nagdecide akong palitan yung subject ko sa slot na yun. kinuha ko yung "3D.2D modelling" na class.. Lumipat ako dahil isa na siya sa dahilan. Hahaha. Syempre, interesado din ako dun sa mga ginagwa don, kasi balak ko nga mag-engineer dati. Tapos ayun na, kasama ko na siya lagi sa class nayun. Lagi kaming nagtatawanan, masaya ako syempre. Lagi ko siyang kinikiliti, lagi kaming nag-aasaran sa mga ginagawa namin sa 3D modelling. Hanggang sa araw araw ganun.. masaya ko kapag kasama ko siya. Tapos magkasabay na kami umuwi madalas nun. Kapag di ko siya nakakasabay, malungkot ako. Hahaha. Minsan nga habang naglalakd kami pauwi.. badtrip ako nun, sabi nya sakin, "Charles, halika nalang dito para di ka na mabadtrip." Syempre lumapit naman ako, ayun.. nawala yung pagkabadtrip ko. Nag-asaran nalang kami hanggang makauwi kaming dalawa.. Tapos meron pa.. syempre naglalakad kami pauwi, eh nilalamig siya. Buti nalang may jacket ako, syempre pinahiram ko. :"> Kahit na sinasabi nyang wag na dahil nga malamig, pinilit ko parin siyang suotin yun. Hindi naman mabaho yung jacket ko e.. Haha. Kahit na syempre nilalamig ako ng onti, tiis tiis lang. Wag lang siya malamigan. :) Oh tama na, hanggang dyan na lang kwento ko. :P
Mabalik tayo dun sa crush.. ako lalake ako. Kapag nagkakacrush ako, gusto ko siya laging kasama. Kapag may mga lakad, gusto ko siya kasama dun.. kapag sa school, masaya ko kapag nakikita ko siya.. kapag absent siya o kaya hindi ko siya nakikita, medyo malungkot ako, tska nagwoworry.. kasi baka napano. Ganun. Madali akong mahulog sa babae, kung yung pinapakita mo sakin na mabait ka, hindi ka maarte.. ayos na sakin yun. Mabilis akong magmahal ng babae, tingin ko yun yung problema sakin. Isa pang problema, kung sino pa yung mga kaibgan ko, sa kanila pa ko naiinlove. Kaya kapag umaamin na ko, ayun. Basted lagi. Sa buong buhay ko, wala pa kong naging kaibigan na naging girlfriend ko. Lahat ng naging girlfriend ko, mga hindi ko kilala tapos kikilalanin ko lang ng onte, nahuhulog na ko sa kanila. Isa yun sa problema ko.. Oh tama na, puro nalang tungkol sakin. Sabi ko kanina yung kaibgan ko pag-uusapan natin eh, na itatago natin sa pangalang "Pearlie."
Si Pearlie, isang bababe yan. Matalino.. masipag mag-aral.. uhm.. ma.. mm.. maganda siya.. (puke).. basta matalino siya. Yun ang gusto ko sa kanya.. Meron siyang crush sa school.. itago nalang natin sa pangalang "Edu". Basketball player si Edu, kasali siya sa varsity team ng school namin. Magaling sya maglaro.. half filipino siya. Maliit din, pero mas matangkad sakin ng onte. Gwapo, maputi, basta kapag nakita mo siya magagwapuhan ka din. Napapansin ko lang kay Pearlie, kapag nakikita niya sa Edu, tatahimik yan.. tapos kapag wala na, tska siya magsisisigaw. Manghahampas, ganyan.. ganyan.. dun lumalabas yung kaartihan nya. Hahaha joke. Kilig na kilig.. tapos minsan namumula. Hindi ko pa sila nakikitang nagkausap ni Edu, o nagkatinginan lang. Basta alam ko, crush ni Pearlie si Edu ng sobra...
May mga signs daw kung pano mo malalaman kung crush mo yung isang tao. Hindi ko na isesearch sa google kung ano ano, isusulat ko nalang kung ano yung mga alam ko at yung mga naranasan ko.
1. Kapag kausap ko si crush, insecure ako sa itsura ko. Gusto ko lagi akong maayos sa harap niya. Ayokong ma-turn off siya sakin.. mga ganun.
2. Kapag kausap ko si crush, hindi ako makatingin sa mata niya ng matagal.. nakakatingin ako pero saglit lang, pagtapos nun maglilikot yung mata ko dahil nga di ko kayang tumingin sa kanya habang kausap ko siya.
3. Kapag nakita ko na si crush, kumpleto na yung araw ko. Masaya na ko. Kung badtrip man ako tapos nakita ko si crush, nawawala yung pagkabadtrip ko. Kapag naman di ko siya nakita ng isang araw, malungkot ako. :(
4. Gusto ko kasama lagi si crush.. syempre lalaki ako. Tapos sabi ko nga, lahat ng mga nagiging crush ko yung mga kaibigan ko. Kaya madalas ko naman nakakasama crush ko kapag may lakad.. Kung may lakad yung barkada namin, tinatanong ko kung kasama yung crush ko, kapag kasama.. Alam na. Pero kapag hindi.. sorry.
5. Kadalasan.. yung mga kaibgan kong nagiging crush ko.. sa kanila pa ko tinatamaan ng malakas. As in malakas. Sila yung mga taong mahal ko na, kahit alam kong kaibigan lang tingin nila sakin. Minsan nagseselos ako, minsan lumalayo ako dahil ayoko ng mahulog pa lalo.. kaso mapapansin naman nila yun, na hindi nga ako namamansin, na nagbago na nga daw ako. Hindi kasi nila naiintindihan yung nararamdaman ko. Hahahaha! Parang ako yung tipo ng lalakeng, "Sige na! Kapag minahal mo ko, hindi kita sasaktan." parang ganyan, yung talagang gustong gustong gusto mo sila.. kaso wala ka namang magagawa.
Wala na kong masabi. Haha feeling ko ang panget ng chapter na to. Basta tip ko lang sa inyo, kung magkakacrush ka man sa kaibigan, siguraduhin mong gusto ka din niya. Dahil once na umamin ka, at wala naman pala siyang gusto sayo, mawawala lahat ng pinagsamahan niyo.. depende na lang sa inyo yun kung mababalik niyo yung dati. Ewan. Kasi hindi ko pa talaga nararanasan yung maging akin yung crush kong kaibigan ko. Nevahh. Kaya masakit yun.. wag ka na gagaya.
*END
![](https://img.wattpad.com/cover/1337156-288-k104454.jpg)
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?