Chapter 26: IV-Agoncillo (part 1)

166 1 5
                                    

Nahohomesick na naman ako. Joke hindi naman homesick, talagang namimiss ko lang yung mga kaibigan ko sa pinas. Yung section namin, iba kasi yun. HAHA. Kahit minsan di ako nakakasama sa mga lakad nila, masasabi kong nakilala ko na din naman sila. Sa 2 years ba namang pinagsama namin, may mga nadagdag, may mga nawala. Kung di ako magkakamali, kabisado ko parin yung sitting arrangement namin sa room nun. Game na. Umpisahan natin sa adviser ko:

Mrs. Leonor Alonzo - Siya adviser namin. Nag-iisa yan. Bukod sa mabait na, nakikisama din yan sa mga kalokohan namin. Nakikisakay sa mga joke ng klase, nagpapatawa, pero syempre magaling din siya magturo. Siguro yung mga first day lang namin sa school yung seryoso kami. Habang tumatagal pakulit kami ng pakulit kay mam. Da best to sa lahat ng naging adviser ko. Niloloko pa nga nung iba kong mga kaklase yung anak ni mam na babae, haha. "Mam, hintayin ko yang anak niyo ah." Kamukha ni mam anak niya, maputi lang. Nga pala, dalawang subjects tinuturo ni mam. Filipino tska Edukasyong Panlipunan (E.P.) 39 kami sa klase. 39 kaming bumibwisit sa kanya araw araw. 39 kaming nangungunsumi sa kanya araw araw. 39 kaming sinasaway niya kakadaldal. PERO, 39 din naman kaming nagmamahal sa kanya.  :"> 

BOYS:  13 kaming mga boys sa room. Meron kaming tinatawag na "Super Suniors", yan yung pangalan ng grup namin kapag sumasayaw kami. Uso kasi nun yung Super Juniors, tapos madami pa kami, kaya ayan na yung napili. 

Theodore "TG" Alvarez - "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.. Walang sinuman ang namatay, para sa sarili lamang.." Hahaha! Nakalimutan ko na kung bakit namin dinedicate yang kanta na yan sa kanya. Ang pagkakatanda ko, parang pinagpapalit na kami sa girlfriend niya nun. Si Arabelle. Di ako sigurado ah? Hanggang sa nagtampo nga yung mga boys dahil ganun nga. Minsan tawag din dyan "TGDOG", ewan ko. Mukha daw aso eh. Gitarista din yan sa room, boyfriend siya ni Ara. 

Jonathan "Atan" Angel - No comment. Joke! Hahaha. Teacher ng physics at chemistry yung nanay ni Atan. Siya siguro yung pinakamatangkad sa room nun, o si Cedie o si Lorenzo. Naggigitara siya, tapos ang hilig niyang ibato yung Sony ericson niyang cellphone. Nalilink yan kay Trixie nun, naging sila ata. Basketball player si Atan, hindi ko alam kung hanggang ngayon naglalaro parin siya dahil ang alam ko napilayan siya sa may tuhod eh. Sana nga magaling na siya. 

Matthew "Machupa" Cahiles - Sorry dude. Wala akong maalalang ibang tawag sayo sa room eh. Pakisabi nalang sakin kung meron man. Nung di pa nagagalit si Machew samin, trending na trending sa room yung pangalan niya. "Machupa-kuha naman niyan!", "Machu-paexcuse!", "Machu-patulong naman!", "Machupa-tabi!", lahat na pwede eh. Hindi ko alam kung sino nagpauso niyan, si Kit ata. Kahit nung araw na nagsosorry na sila, meron paring pang-aalaska. "Machu-patawad na!". Imbis na sumeryoso nagtawanan lahat sa room. Nagsumbong nga ata kasi si Matthew nun, na inaaasar nga siya. Tapos pinagsabihan na kami ni mam sa room nun. Hindi ko sure ah. Hahaha. Tapos meron pang issue na hindi daw naliligo si Matthew. No comment na ko dun.

Carlo Carcamo - Sorry din dude. Wala akong naaalalang natawag sayo. Pero alam ko may nalink sayo sa room eh. Nakalimutan ko lang kung sino. Si bebe ata. Hahaha. Joke. Pero naaalala ko nun, laging naka-mohawk yan. Tahimik lang si Carlo sa room, laging tinutulungan magdala ng chalkbox yung mga teacher. Lagi pang may bimpo sa balikat. Mabait din yan si Carlo.

Argel Paul Ceria - Nakalimutan ko na din kung ano inaasar sa kanya. Maraming nag-assume nun na hindi makakagraduate si Argel, kasi tamad mag-aral nun. Hindi kasi gumagawa ng assignment, bibihira. Hindi rin ata nagrereview kapag may quiz. Isa pa tong anak ng teacher. Nag-iisang anak si Argel, teacher sa S.M.E.S. mama niya. Mahilig magpatalsik ng laway si Argel nun, gamit yung dila niya. Yung parang pumipitik yung dila tas may bilog na laway na lalabas sa bibig niya. Kahit nagbabasketball kami nun, ginagawa niya yun. 

Eh sa gusto ko magsulat eh?!Where stories live. Discover now