Ikaw, single ka? Single ako eh. Nung isang araw lang to pumasok sa isip ko, magsulat tungkol sa mga single. Kung di ako nagkakamali, nagsulat na ko tungkol dito dati eh. (Angbahongutotkoshet!)
Magsusulat ako, para naman kung single ka, di ka malungkot. Maraming pwedeng gawin kapag single ka nuh. Gagawin mo yon ng mag-isa ka lang, kasama ng mga kaibigan mong totoo.. Susulat ko na din to, para sa sarili ko.. (walanayungamoy).
.
.
PARA SA MGA PARE KO. (sasariliko)
Pare.. Parekoy, alam kong masakit yang break up na yan. O kung di ka galing sa break up, alam kong nakakamiss magkaron ng girlfriend. Nakakarelate ako dyan.. pero pre, di lang naman girlfriend magpapasaya sayo. Oo, isa yan sa magpapasaya sayo, kelangan mo din yan pagdating ng araw. Pero kung kasing edad lang naman kita, 17, 18, o mas bata ka pa sakin. Wag mo problemahin magkaron ng girlfriend. Wag ka magmadali, bata pa tayo. May tropa ka naman siguro, yang mga par mo, tawagin mo diba? Labas kayo. Magdota ka, magbasketball kayo. Mag-inuman pa kayo kung gusto niyo, malibang ka lang. Ganyan lang naman yung paraang para makalimot ka, libangin mo sarili mo. Yan ginagawa ko ngayon, bukod sa nag-aaral ako, nagbabasketball ako, sumasama ako sa mga tropa ko.. ganyan. Gala ng gala. Minsan nasa bahay, nagvivideo games. Wag kang pumayag na kapag dumating yung pagkakataon na wala kang ginagawa at tahimik, iisipin mo uli yung ex mo, or namimiss mo magkagirlfriend, tapos malulungkot ka na naman kasi naaalala mo. Magvitamin ka J kung gusto mo, if you know what I mean.. ;) Hahaha! Good for health yan pare, basta nasa tamang panahon at tamang lugar. Alam mo ba na kapag ngvivitamin J ka, mababawasan ang risk mong magkaron ng prostate cancer. Kung 5 times a day kang maggaganun, 33% ang bawas sayo sa pagkakaroon ng prostate cancer. Isa pa, mabuti na yan. Kesa makipagano ka sa totoong tao, which leads to AIDS sometimes, or iba't ibang impeksyon. Hahaha! Ano ba tong advice ko, walangya to. Haha. :D Kung di ka naniniwala sakin, search mo pa sa google, kakaresearch lang ng mga scientist yan. =))) Kaya tara na't magvitamin J 5 times a week!! Hahaha.
Ang sakin lang pare, wag kana malungkot. Oo malungkot nga kasi mag-isa ka lang.. pero sa ngayon mag-enjoy ka na muna sa buhay mo. Eto lang tatandaan mo, hindi hinahanap ang tunay na pag-ibig. Hinihintay yan. Hindi naman literal na maghihintay ka lang ng buong buhay mo, basta dadating yan sayo.. mararamdaman mo nalang yan. Basta sa tamang panahon at oras, nasa tamang lugar din. Pare, gusto ko happy ka. Hahaha!
PARA SA MGA MARE KO. (kungmeronman).
Ikaw naman miss, siguro iyak ka ng iyak nung nagbreak kayo nung walang kwenta mong boyfriend no? Haha sorry, hindi pala walang kwenta yun, minahal ka din naman niya, sa una nga lang. Pero kung ibang dahilan naman yan, wala na ko dyan. Hindi ko naman alam. Haha!
Naniniwala ako na kapag galing sa break up ang isang babae, masasaktan yan ng sobra, iiyak ng iiyak. Minsan pinoproblema pa ng kaibigan yan para lang mapasaya, pero kung totoo kang kaibigan, hindi mo poproblemahin pasayahin ang kaibigan mo. Pagtapos ng mga iyakan na yan, naniniwala din ako miss.. na gaganda ka bigla. Bigla kang magbobloom. Parang rosas na naulanan ng malakas na bagyo, ngunit pagtapos nito at sumikat na ang araw, ito ay bilang tutubo, bubukas at bubusilak na parang isang rosas.. Kasi nga rosas ka. Alangan na orchids.
Kung single ka, dahil sa wala lang. Walang nanlilgaw sayo. AYOS LANG YAN! depende kung ilang taon kana, pero kung kasing edad lang naman kita, walang problema yan miss. Bata ka pa, wag ka namang magmadali sa isang relasyon dahil ang relasyon, once na pumasok ka dyan, hindi naman yan parang bahay bahayan na ikaw yung nanay at yung bf mo ang tatay. Seryoso ka dapat sa isang relasyon.. di ko nga alam kung bakit merong mga lalaking naagGGF kapag bored sila, hindi ko nga magawa yon sa babae ngayon.. nakakakonsensya naman kasi yon. Anyways, yun nga. Babae ka, tignan mo magpaganda ka, pipilahan ka nga mga manliligaw. Haha! Madami na kong kilalang ganyan, pati yung ex ko ganyan. Tignan mo, maganda na nga siya dati, mas maganda na siya ngayon. Pwera nalang kung alam mo ang morning look niya. Hahaha!
Ayun.. wag kana sad. Nakakamiss man, ganyan talaga. Merong taong dadating sayo, sa tamang panahon at tamang lugar. Yes? :) Kaya ikaw, wag mo sayangin yang kagandahan mo, dahil lang sa isang lalake, papayag kang mawala yan sayo? Haha. Wag ganun pre. :) Wala akong masabi masyado, basta kasi alam ko lang kapag babae ka, gumaganda ka kapag galing ka sa break ups. Ayun. ARAL MUNA BAGO BF. Mamaya may mangyari pa sa inyong di mo naman talaga gusto, maPBB teens ka eh.
In general, wag na kayo malungkot dahil sa wala kayong lovelife. Hindi naman kelangan niyan ngayon kung bata kapa. Pwera nalang kung inspirasyon, pero hindi rin e. Panira din ng pag-aaral yang lovelife, madalas makasira yan pwera nalang kung kaya mo magbalance ng time mo. Wala na kong masabi, dumating kasi mga pinsan kong bata. Ang ingay ingay na. Haha. Canada day kasi pala ngayon, kaya ayun. Ehh paki ko sa Canada day, ang boring naman ng history nila. Di gaya satin, baril barilan talaga.
*END.
![](https://img.wattpad.com/cover/1337156-288-k104454.jpg)
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomantikBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?