July 1, 2012
- What's up? Haha! Ang tagal kong di nagsulat dito sa wattpwet ko. Wala naman kasing masulat, isa pa tinatamad ako at busy ako nung mga nakaraang araw.. Ano ba nangyari sakin? ... Hmmm.
Diba nag-apply kame ng trabaho non? Ayun, wala paring tumatawag. Sinungaling pala yung Canada, sabi nila priority daw nila yung mga students dito, kaya madalin ka makakahanap ng trabaho. E hanggang ngayon walang tumatawag. Ayun.. Tambay parin ako sa bahay. Walang ginawa kundi kumain at magps3. Nagpunta din ako sa tito ko, Haha. DON ako dun eh. 4 days ako don, na paulit ulit lang ginagawa ko. Kung hndi kami aalis, nandun ako sa basement, naglalaro ng PS3, ganun lang. Kapag andun ako, tamad ako magfacebook. Walang oras, kasi nasa ps3 ako palagi, o kaya umaalis kami. Isa pa, wala na kong ginagawa sa facebook.. Home-profile lang, kung may noti, edi ayos. Tas konting like ng mga picture.. ganun. Meron na nga kong friend, ako auto like niya. Hahaha!
Ano pa ba? .. Hmm. Ayun, nag park. Puro dun, tapos kain.. hanggang sa nakauwi ako dito samin. Walang nagbago, namiss ko yung bahay namin. Kahit magulo at maliit lang. Haha.
Ngayon.. kakauwi ko lang galing sa Greenway. School ng kapatid ko, nagbasketball ako. Tapos bago yon, tumawag ako sa kaibgan ko, sabi ko punta din siya don. Dalhin niya yung kapatid niyang sobrang cute. Haha. So ayun, nagpunta sila. Ayoko sabihin yung pangalan nung friend ko, mamaya sabihin niya artista siya. SNOB yun eh. Feeling artista. Buti pa yung mga kapatid niya, mababait. Hahaha! Joke lang. Baka kasi mabasa niya to, ehh di malalamang niyang snob siya. Ang saya lang, kasi nakakatuwa yung kapatid niya. Si Odery. Ang cute! Kanina nalang ulit kami nagkita, pero okay agad kami. Nagkasunod kami agad nung bata, kaya masaya. Naka-kiss pa nga ako ng isa eh. Hahaha! So ayn, masaya yung araw ko ngayon. Naglinis ako ng bahay, choir practice sa church.. tapos nagbasketball, tapos kasama ko pa si crush kanina. AYOS NA! So ayun, kahit SNOB yung friend ko na yon, IBA parin yun. Hahaha! <3
Nga pala.. maiba tayo. Alam ko, wala ng sense yung mga sinusulat ko. Pero slamt kasi may nagbabasa padin.. haha. Pero expected ko na habang tumatagal, kokonti ng kokonti yung readers nito.. Di bale, gusto ko kasi pagdating nung araw. Babalikan ko uli tong mga nangyare, parang diary ba. Ang sarap kasi magbasa ng ganun.. gawain ko kasi to sa pinas non, lalo na nung kami pa ni ex. Kaso nasunog na lahat yun eh.. Hahaha. SALAMAT SA INYO! Kahit iilan lang kayo, naappreciate ko parin kayo. Mwaps! :*
Tutulog na muna ako. Goodnight Peg City! =)))
*END
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomansBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?