Hindi ako makapgsulat ngayon.. meron kasi akong problema. Walang pumapasok sa isip ko kung di yung nangyari ngayon. Kanina lang, bago ako pumasok.. Basta malungkot ako ngayon. Hindi ako makapag-isip kung pano ko uumpisahan yung mga naisip kong kwento. <//3
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Natural lang naman siguro to sa mga kakagaling lang sa break-ups. Diba? Natatawa ko sa sarili ko.. haha. parang ako pa yung nasaktan, samantalang sa totoo lang, ako yung nanakit, ako yung nang-iwan, ako nakipaghiwalay sa kanya. Sasabihin mo sigurong kalokohan lang ang dahilan ko kapag sinabi kong nakipaghiwalay ako para sumaya siya.. para hindi na siya mahirapan. Maraming nagsasabi, "Mahal mo naman eh, ipaglaban mo, ipaglaban niyo.".. pero hindi rin.. sa tingin ko sa sitwasyon naming ganito, hindi ko kayang ipaglaban yung taong mahal ko. Wala akong mapanghawakan, wala akong magawang inspirasyon..
Naaalala mo yung sinabi ko nun na meron akong girlfriend nung pumunta ako dito? Nagtagal kami ng isang taon nun, pero pagdating ko dito.. nasayang lang yung isang taon na yun. Ngayon.. nagkaron ako ng girlfriend sa Pilipinas na ni minsan, hindi ko man lang nakasama o nakausap ng personal. Nakikita ko lang siya dati, pero hindi pa kami nakapg-usap nun ng personal.. Hindi ko pinagkukumpara yung naging relasyon ko dati sa naging relasyon ko ngayon, alam kong magkaibang tao sila pero parehas din ng sitwasyon.. sasabihin kong mas mahirap yung sitwasyon nitong huli kong naging girlfriend. Ewan ko kung nakukuha mo yung point ko, depende nalang kung sarado yung isip mo at iisipin mong masama ako o manloloko o kung ano mang itawag mo sakin. Hindi ko na ipapaliwanag pa, hindi naman kasi labasan ng sama ng loob tong wattpad na to. Isa pa merong nagbabasa..
Hindi ko alam kung tama yung desisyong ginawa ko.. ewan. Pero eto lang masasabi ko, na nawalan ako ng isang napakaimportanteng tao sa buhay ko.. na kahit tatlong buwan lang kami nagusap, nagkachat, nagkaskype, nasasaktan parin ako.. pero para sa kanya naman yun. Walang mangyayari sa kanya kapag ako minahal nya..
Sana lang walang manghusga sa kung anong nararamdaman ko ngayon.. husgahan niyo na ko sa itsura ko, wag lang yung nararamdaman ko. Kasi makakatikim ka ng salita sakin kapag ginawa mo yon.
Hindi na ko naniniwala sa Long Distance Relationship.. eto na yung huling beses kong susubukan mapasok sa LDR. Promise ko yan sa sarili ko.
*END
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?